Chapter 33: What About Now?

124 34 4
                                    

Excited silang magkakaibigan sa Halloween Party. Pre-sell tickets ang tinarget nila kaya nakapag-registered na rin nang maaga. Habang malayo pa ang event, pinaghahandaan na nila ang kanilang mga costumes at napagkasunduang wala munang sabihan para surprise. Sa event na mismo sila magkakaalaman. Usapan nila na dapat may kinalaman talaga sa Halloween ang get up nila. Meaning, it must be creepy or bit of. Costumes such as princesses, fairies, animes and the likes are a no-no.


Magandang ideya sana kung hihingi ng suggestion si Carys kay Malene subalit alam niyang malamang sa malamang, panay mga anime ang ibigay nito sa kanya. Una niyang naisip ang bampira kaso nababahala siya na baka iyon rin ang maisip ng kung hindi man pareho, isa sa dalawa. Simple lang sana: black classy dress, heavy eyeliner and black or blood red or any dark-colored lipstick, solve na. Ngunit dahil maaaring hindi na iyon maulit sa tanang buhay niya, naisip niyang bakit hindi na niya karirin. Hanggang sa may naisip na siya...

Siguro wala naman akong makakapareho sa kanila.

Sinimulan na niyang magtingin-tingin at dahil isang beses lang naman iyon masusuot, sa mga thrift shops o ukay-ukay siya nagtutungo bago dumiretso sa cafe.


Noong araw na nakabili na siya ng damit, naabutan niya si Eethan na kasama si Zion. Agad siyang nakita ng mga ito pagpasok niya at kinawayan siya. Napatingin siya sa relo at nakitang may oras pa siya.

"Oh leader, kumusta!" masayang bati niya habang si Zion ay binigyan lamang ng matipid na ngiti. Na-miss kita, alam mo ba?

"Okay naman. Excited, at the same time kinakabahan for the next week."

Next week? She cocked her head on one side. Oh! Next week na nga pala 'yun! Ang bilis talaga ng araw.

"Hinihintay ka pala namin." dagdag nito.

"Hinihintay ninyo ako?" kumunot ang noo at turo-turo pa niya ang sarili. "B-bakit po?" nagtataka niyang tanong.

"For the passes." si Zion ang sumagot.

"Oh?"

May dinukot si Eethan sa loob ng jacket at nakita niya ang ilang kulay asul na tickets at nagsimulang isa-isahin iyon, "Sa 'yo, kay Lorei, Rachell, Mikki, sino pa?"

"Seryoso? Bibigyan n'yo po talaga kami?"

Ngumiti ito. "Cas, sinabihan na kita, 'di ba? Seryoso ako nu'n."

Na-e-excite man siya ngunit hindi pa rin sigurado kung makakadalo nga siya kaya hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya.

"Meron pa oh, may idadagdag ka pa ba?"

Napatingin siya sa counter at nagtama ang mga mata kay Malene. Nakita rin niyang nakadungaw si Rye sa kitchen window. "Ugh, si Malene at si Rye?" mahina at wala sa loob na nasabi niya.

"All right! So six passes." saka inabot na sa kanya ang mga iyon.

Tinitigan pa niya ang mga iyon bago kunin. "Talagang binibigyan n'yo kami?" Nang aabutin na niya, nabitiwan naman niya ang supot na papel na naglalaman ng i-co-costume niya. Si Zion ang pumulot niyon na muntik pang tuluyang lumabas ng supot ang damit. "Thanks." nahihiyang sabi niya rito. "Thank you rin leader sa mga passes na 'to. Salamat talaga." saka sumulyap ulit saglit kay Zion.

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon