Chapter 56: Stay Over

79 27 1
                                    

"May narinig nga raw na gunshots n'ung nagkakagulo. Delikadong maglakad mag-isa. Kahit na sabihing wala na, hindi tayo sigurado kaya nga nakita mo naman, may mga nakabantay pa ring mga pulis." ulit na paliwanag ni Zion kay Carys. Nagpipilit kasi siyang bumalik at maglalakad na lang ngunit hindi talaga siya pinayagan nito at ini-lock pa ang pinto.

"Nag-aalala rin naman kasi ako sa bahay, kina mama."

"They assured they're safe. Malayo naman sa inyo 'yun."

"Mga gang na 'yan, marami pang nadadamay." anas niya.

"I'll take the blame."

Tumaas ang kilay niya. "Bakit, nand'un ka ba? Member ka ba n'un?"

Naaasar at pilit ang tawa nito. "Kung hindi ko pinilit na kumain pa tayo, sana nakauwi ka na."

"Ah. Eh sabihin nga nating nakauwi ako pero paano naman kung sa paghatid mo at saktong sa pagdaan mo roon saka nagkagulo? Hindi lang itong kotse mo ang sira baka pati ikaw masaktan."

Sumaludo si Zion sa dalawang guard sa gate bago makapasok sa subdivision. Ilang minuto lang ay nasa tapat na sila ng bahay nito. Imbes na bumisina ay bumaba na ito upang buksan ang gate. Nagtaka siya. Ah, ayaw na niya sigurong istorbohin si Tiya Belen. Bumaba rin siya para tulungan ito.

Pasakay na ulit ito nang naisara naman niya ang pinto ng kotse. "Oh, bakit ka bumaba?"

"Ako naman ang magsasara ng gate." prisinta niya.

"Hindi."

"Nakababa na ako oh. Sige na, ipasok mo na."

Kaysa pagtalunan pa nila ang maliit na bagay na iyon, pinagbigyan na lang siya nito.


Pagkapasok ng kotse sa car port, dinukot nito ang susi sa bulsa ng pantalon. Doon na siya napatanong. "W-walang tao? Wala si Tiya Belen?"

"Hindi siya palaging nag-i-stay dito 'pag gabi. Sa isang week, max na ang thrice. May pamilya kasi siya kaya umuuwi siya."

"Oh. Kaya pala minsan dito na nag-i-stay ang mga bandmates mo. Pero parang ang lungkot naman kapag mag-isa ka na lang..."

"Well, may kasama naman ako ngayon." Nabuksan na nito ang pinto. "Come in."

Seryoso? Nandito na naman ako at matutulog pa? Parang ang ewan naman ng mga nangyayari. Of all the people, si Zion pa talaga ang matatakbuhan ko? Ano na lang ang iisipin ng ibang tao? Mapagsamantala ako? Namuntong-hininga siya. Kahit pa makakasama ko siya, hindi naman na ito maganda.

"Feel at home. Ano pa bang itinatayo mo riyan?"

"Uhm, tatawag muna ulit ako kay mama." kinuha niya ang phone sa panloob na bulsa ng kanyang bag.

Nagkibit-balikat ito. "O-okay."


"Ano na, ma? May balita na po ba? Baka pwede na akong umuwi?" Lumabas pa siya ulit papunta sa car port.

"Gabi na anak para makibalita pa roon. Bakit 'nak? May problema ba?"

"Wala naman po. Nandito na nga po kami sa kanila, kararating lang po."

"Oh, nandiyan na pala kayo bakit gusto mo pang umuwi?"

"Eh ma kasi nakakahiya." Umikot siya para sumilip sa loob pero napatalon siya nang makitang nakahalukipkip sa likuran niya si Zion. Natutop niya ang dibdib.

"Okay nga lang kasi." malakas na sabi ng binata, sinadya marahil para marinig ng mama niya. Dumiretso ito para i-check ang pagkaka-lock sa gate.

"Ako rin naman nahihiya pero siya lang ang option na malapit-lapit at kasama mo rin naman. Akala mo ba natutuwa kami ng papa mo na nasa kanila ka ngayon? Nagtataka nga kami kung bakit mo siya kasama ulit kaso mas iniisip namin ang kaligtasan mo."

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon