Chapter 59: Glitch

75 20 5
                                    

Tama ba ang narinig ko? Kino-consider niya itong date? Hindi lang ako?

May isang minuto siguro siyang natigalgal. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maging reaksyon.

O baka gan'un na lang ang naisip niya kasi ito na nga ang last, parang pakunswelo na lang ba.

"Kung si Kuya Eethan nga at Lorei, 'di ba?" ani pa nito.

Bumaling siyang muli sa hawak na menu. "Eh kung gan'un, hindi pa ito ang last?"

"Yeah, not yet." kaswal na turan nito at tinanggal na ang suot na sombrero.

"Thanks. At last na-experience kong makipag-date."

Natigilan at napatingin sa kanya ang binata.

Maging siya ay nagulat sa sarili. Huli na para bawaiin pa niya iyon. "Ugh, kunwari nanalo ako sa raffle tapos ito ang prize, mala-'Date with a celebrity'." dugtong niya at naiilang na tumawa. Ugh! Bakit ko ba nasasabi ang mga ito?

Kinunutan siya nito ng noo at sumingasing. "I already told you to stop treating me like that. And seriously? You haven't dated before? Ever?" nakatitig na tanong nito.

Nag-iwas siya ng tingin, sa tanawing natatakpan ng ulop siya gumawi. "Nakakahiya aminin pero oo. Ano, o-order na ba tayo ng Bulalo mo?"

"Bakit? Ahm yeah, 'yung Special. Ano pang gusto mo? Please lang, pumili ka. Hindi tayo byumahe para lang mahiya ka pa."

Ngumibit siya. "Sino ba kasing nagsabing dito pumunta? Ni hindi mo nga pinaalam."

"Ano na nga? Sabihin mo na." Hayun na naman ang tono nitong parang naiirita na.

Napilitan na siyang mamili. "Okay, ito. Tagal ko na ring hindi nakakakain ng tahong. Sizzling Mussels."

"Okay, what else?"

"Hindi naman ako malakas kumain na tao eh."

"Dagdagan mo pa."

Naparolyo siya ng mata. "Lumpiang Sariwa."

"For dessert."

"Zion..." tinitigan niya ito, "sapat na 'yun."

"Me for your dessert?" nakangising sumulyap ito sa kanya subalit binalik din ang tingin sa menu.

Pinaningkitan niya ito. "Ibig kong sabihin, tama na 'yun."

"No. Mamili ka pa." pilit nito.

Marahas siyang huminga nang malalim. "Minatamis na saging. O 'yan, ayos na?"

"Last, for beverage of course."

"Tubig. Malamig na rito para magmalamig na juice o softdrink pa."

"All right." saka bumaling ito sa tinuro ng naghatid kanina, sa naka-stand by na waiter. Nakapayong iyon na lumapit sa kanila saka inisa-isa na ng binata ang kanilang order dito.

"Uhm, ma'am, sir, wait po tayo ng mga 30 minutes."

Tinanguan lang ito ni Zion saka umalis na ito.

Nang wala na ito sa paningin, lihim na tumingin si Carys sa relo. 2:14 na ng hapon. So mga quarter pa. Super late lunch. Pa-merienda na.

"Nagugutom ka na?"

Tumingin siya saglit sa binata at sinagot ito ng pag-iling.

"Ako nagugutom na, pero 'wag ka nang magkomento. You're just going to repeat what you had said a while ago."

"'Yung sino bang nagsabing di--"

Dumukwang ito sa kanya. "I said don't repeat."

Natawa siya at kumibit-balikat. "Oo na po. Masyado ka namang hot."

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon