Chapter 17: Crushed

168 40 5
                                    

Hindi sumagot si Zion sa tanong ng babae. Hindi siya kumukurap subalit nagawa niya itong tanguan bilang pagbati. Nang maka-ilang saglit, nagbigay daan siya dahil sa harap niya huminto ang mga ito na para bang pinapamukha na nakaharang siya sa daraanan ng mga ito sa kabila ng maluwag na entrada ng gusali. Dahan-dahan na siyang naglakad palayo. Pakiramdam niya ay may kung anong mabigat na pumasan sa kanya na animo pinipigilan siyang huminga. Napahinto siya sa sidewalk. Nagtagal siya doon. "Bakit wala nang dumadaang taxi, ano ba?" bulong niya at nagbabadya pa ang nangingilid na likido sa mga mata niya. Ang OA ko, hindi dapat ako ganito. Sa mga ganoong sitwasyon, dapat natatakot na siya dahil mag-isa lang siya roon. Tumanaw siya sa malayo. May ilan siyang dadaanang madilim lalo sa parteng mapuno. Humugot siya ng malalim na paghinga bago tumuloy sa paglalakad. Nang malapit na siya sa madilim na bahagi, doon na siya binalot ng takot. Nanlalamig na siya. Nakita niyang may kulay red orange na gumalaw mula sa kadiliman. Batid niyang may taong naninigarilyo. Napalunok siya. Kakaripas na sana siya ng takbo pabalik nang biglang may nagsalita. "Sumabay ka lang sa akin." Kilala niya ang boses na iyon at tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Nilingon niya ito. "Zi-Zion?" halos nanginginig ang tinig niya. "Don't ever stay away from me." dagdag pa nito. "Humawak ka sa braso ko." na walang paliguy-ligoy niyang sinunod sa sobrang takot. "Act normal." he instructed as they continued walking. Nang nasa harap na sila nang naninigarilyong mama, halos hindi na naman siya huminga at napahigpit ang hawak niya kay Zion hanggang sa makalayo na sila sa lugar na iyon. Exclusive parking area para sa employees ng isang building pala ang bakanteng lote na iyon at dahil gabi, walang mga nakaparada ni isang sasakyan. Nang maliwanag nang muli at may mga buildings na may mga gwardiya na ang dinaraan nila, bibitiw na sana siya nang magsalita ulit si Zion, "Huwag muna, mukhang nakamasid pa siya sa atin."

Hindi na siya nagsalita. Sinunod na lang niya ito.

"We know the feeling kapag may nakatingin, right? Probably hindi mo maramdaman kasi natatakot ka." mahinang sabi nito.

Tumango na lang siya.

"Ano nga palang ginagawa mo doon?" biglang tanong nito.

"Ah... Naghatid ako ng orders."

"You're doing the delivery?" kumunot ang noo nito na hindi naman nakita ni Carys dahil diretso sa daan lang ang tingin niya.

"We don't have delivery service. 'Yung boss ko kasi nandoon sa condo na 'yun with her friends. Nautusan ako. Kung may taxi lang na dumadaan ba hindi naman ako maglalakad eh."

"I see."

Dalawang buildings na matapos nilang lumiko kaya bumitaw na siya sa pagkakahawak dito. "Salamat ah. Tatalikod na sana ako para tumakbo pabalik eh." she let out a nervous laugh.

"Good thing I was there."

Tumango siya, naalala niyang may babae nga pala itong kasama kanina.

"That girl --"

"I don't need to know. Personal matter mo 'yun." putol niya.

"Ex-girlfriend ko siya. Tinawagan lang ako dahil lasing na lasing siya as you've seen."

Kinunutan niya ito ng noo. "Bakit mo sinasabi sa'kin?" saka maya-maya'y ngumiti. Sinikap niyang magmukhang okay na parang wala lang siyang nakita. "Uhm anyway, baka may pupuntahan ka pa? Hindi mo na ako kailangang samahan, malapit na ang cafe unless magkakape ka."

"Yes, I will."

"Oh?"


Napatingin sa kanila si Malene nang pumasok silang magkasabay. Gulat pero ngumiti rin ito. Batid niyang kukulitin siya nito mamaya.

......

"Ito nga pala 'yung bayad ni ma'am sa pina-deliver." Inabot niya na kay Malene ang pera.

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon