======
From ses-RachiCary men, napag-usapan namin
ni Lorei na tatambay kami tom
around 4 sa coffee shop. We
know na til 2 ka lang pero
samahan mo na kami ah?
======Iyan ang tumambad na text na kay Carys first thing in the morning. Kagabi pa pala iyon. Hindi siya nagising sa tunog ng cellphone sa himbing ng tulog niya. Naramdaman niya kasi ang pagod at sakit ng mga binti nang makauwi na, epekto ng matagal na pagtayo, kaya nakatulog na kaagad. Oh, akala ko ba wala munang plans at pass muna 'to? Hmm, malamang napilit ni Lorei. Tinatamad pa sana siyang bumangon kung hindi nga lang sa maaga niyang shift. Nakailang inat at gulong pa siya bago mag-type ng reply.
======
To ses-RachiSure kayo? Anyway, okay, kung
gusto niyo ba eh. Pero pano
naman kung di sila pumunta?
Sensya na ngayon lang nabasa
nakatulog kasi agad pag-uwi.
======Babangon na siya nang magulat pa nang biglang mag-beep ulit ito. "Ang aga rin naman niya magising?" kumakamot-kamot pa siya sa ulo.
======
ses-RachiSabi ko nga rin kaya walang
reply. Yes, sure na. Aba, di kami
payag na masolo mo lang sila
kahit pasilay-silay lang ba yan eh. Dont worry, we wont make a
fuss.
======At may kasunod pa iyon.
======
From ses-RachiSaka kung di man sila pumunta,
di naman sayang ayos lang. Were
together naman. hahaha! Char!
======"Talaga lang ha?" Nag-reply ulit siya,
======
To ses-RachiSige, sabi mo eh. And aga natin
gumising ah? Ako naman magre-
ready na. Good morning pala!
Have a nice day! Ingat kayo
mamaya.
======......
Habang si Carys ay busy sa pagfo-foam sa ginagawa niyang order. Nilapitan na naman siya ni Rye na katatapos lang iabot ng ginawa sa server. "Mag-uumpisa na namang dumami ang mga customers mamaya." sabi nito.
Inabot na rin niya ang natapos na gawa sa taga-serve. Kumibit-balikat siya, "As usual, magka-cramming na naman tayo." tapos dumikit siya rito ng kaunti para bumulong, "Sana maisip man lang mag-hire ng bago or kahit isang part-timer man lang."
Umiling-iling si Rye. "Actually, 'yan nga rin ang gusto kong mangyari."
Maya-maya, may sumunod ulit na order kaya bumalik na muna ulit si Rye sa counter nito para asikasuhin agad iyon. "Kaya natin 'to Carys!"
Nagkibit-balikat rin siya at ngumiti. "Kakayanin pa."
......
Kinahapunan, pinulong sandali ni Bb. Geralyn ang mga barista. Tsinyempo nitong kakaunti ang mga customers. Mag-a-ala una pa lang kasi noon. "Listen everybody! We have a new part-timer. College student siya kaya part-time lang siya." saka bumaling ito sa katabi. "Oh, pakilala ka na sa kanila."
"Hello po, ako po si Meeskael Bermudez, Mikki na lang po." nahihiya nitong pagpapakilala.
"Hello Mikki! I'm Ryerson, Rye for short. Isa sa mga barista rito."
"I'm Carys naman, you may call me Cary or Cas, it's up to you."
"Ako naman si Peter, ang kuya ng lahat dito. May anim pa kaming kapwa barista pero iba ang schedule nila."
"Nice to meet you all po." nasisiyahan ngunit kinakabahan rin nitong wika.
"Every afternoon ng MWF siya nandito since every TTh whole day ang class niya." paliwanag pa ni Bb. Geralyn.
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
General FictionNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...