Chapter 66: Sulky

62 9 3
                                    

"Hello Don? Ugh, pasens'ya na hindi kita natawagan kagabi. Nakatulog ako." nakanguso niyang paliwanag habang kausap ito sa kabilang linya.

"Ah! Iyan nga ang naisip ko kaya ayos lang. Okay lang sa'kin 'yun. Mukhang napagod ka kahapon eh. Dadaan na lang ulit ako r'yan mamaya." sagot nito sa karaniwang masiglang boses.

"Hmm... okay, sabi mo eh. Ikaw ang bahala."

"Okay, okay. Nami-miss na kita, ilang araw na tayong hindi nagkikita tapos 'yung Latte pa na gawa mo, tsk! Pero nakaka-adjust na rin akong walang coffee." saka nagpakawala ng malambing at maikling tawa.

"Uuliting ko na naman ba--"

"Shh! Oo na, oo na. Na pare-pareho lang ang timpla. Eh iba nga kasi sa'kin 'pag ikaw ang gumawa, nagiging special."

"Ganyan tayo eh. Bobola-bolahin mo na naman ako eh."

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala basta 'yun ang para sa'kin at walang halong pambobola 'yun." biglang nagtatampo na ang naging tinig.

"Hala oh? Nagtatampo na agad? O sige na, hindi mo na ako binobola. Talaga ito oh."

"Hindi naman talaga kasi. Anyway, mag-ready ka mamaya ah?"

Kumunot ang noo niya. "Mag-ready? Para saan?"

"Basta. Pa'no, mamaya ulit. Paalis pa lang ako ng bahay, baka ma-late na."

"Ay sorry!"

"No! Okay lang. Ikaw naman 'yan eh. Basta mamaya, okay?"

"Ugh... Sige... See you."

"I miss you."

Natawa siya nang kaunti. "Naku, I miss you, too."

"Ikaw na ang maunang magbaba."

"Sabi na, sasabihin mo 'yan eh." natawa ulit siya, "Okay, ibababa ko na. Bye~" Pinindot na niya ang end call.

"Kagigising na kagigising, siya agad ang tinawagan?"

Nagulat siya sa boses. Gising na si Zion na iniwan niya sa sofa. Sa hapag-kainan muna siya nagtungo para makausap si Don na nakalimutan niyang tawagan kagabi. Saglit siyang napapikit at napahimas sa leeg hanggang batok dahil sa stiff neck. Buong magdamag lang naman kasi siyang nasa isang posisyon at pinagtiyagaan na lamang matulog nang nakaupo dahil sa sutil na binata. Pagdilat ay sinamaan niya ito ng tingin. "Good morning." may pagkasarkastiko niyang balik.

"Ganyan ba batiin ng "Good morning" ang boyfriend?" lumapit ito sa kanya at hinila siya patayo mula sa kinauupuan. "Ganito. Good morning." sabay walang hudyat man lang at mabilis at madiin na idinampi ang mga labi sa kanya pagkuwa'y ngumiti. Ganyan dapat."

Nanigas siya sa kinatatayuan at makailang segundo ay napatingin sa pintuan ng kusina.

"Zion?" ang papa niya.

Saglit na natigilan si Zion at tila nasalamin ang reaksyon ni Carys. "Ugh, T-tito. Good morning po."

Hindi ito sumasagot, batid nilang naghihintay pa sa kanilang sasabihin.

"Uhm, pasensiya na po, hindi ko po sinasadyang makatulog dito." paliwanag nito.

"Nakatulog ka dito?"

Sumingit na si Carys, "Ugh, pa. Mukha siyang napagod kaya hindi ko na siya ginising. D'yan po siya sa sofa nakatulog."

"Ah. Wala namang problema. Sa susunod, pwede mo namang magamit ang kwarto ng kapatid niya."

Whew! Akala ko nakita ni papa. Lihim siyang nakahinga nang maluwag.

......

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon