Chapter 28: Who's Stalking Who?

144 36 6
                                    

Ilang araw nang hindi nagte-text si Carys sa mga kaibigang sina Loreleigh at Rachell. Hindi rin siya sumasagot sa mga texts o group messages ng mga ito. Nais niya muna kasing umiwas sa mga bagay o mga taong makakapagpaalala sa kanya kay Zion. Ni ang mga posters na nakadikit sa bedroom wall niya ay hindi niya pinatawad. Ang mga may pakong nasa itaas ay sinabitan niya ng mga naka-hanger na nakatuping bagong labang mga pantalon matakpan lang ang mga ito. May nirolyo pa siyang tatlo at isinilid sa kahon ng mga mahahalaga niyang gamit. Batid niyang hindi nakakatulong iyon ni katiting dahil nakikita niya ang mga ito sa cafe. Naiinis na rin siya sa kanyang sarili kung bakit umaarte siya ng ganoon samantalang isang hamak na tagahanga lang naman siya at hanggang doon lang rin ang turing sa kanila ng mga ito.


Tila pinag-aadya pa yata ng pagkakataon nang siya ang pinalabas muna para maghatid ng order ng lima. Maingat niyang dinala ang tray papunta sa mesa ng mga ito subalit hindi pa man siya nakakalayo mula sa counter ay tumayo si Suneil para lapitan at tulungan siya. "Ako na r'yan." nakangiting kinukuha nito ang tray sa kanya.

"Ay, kaya ko naman. Kasama 'to sa trabaho ko." Hindi niya hinayaang kunin nito ang dala.

Tumikhim ito. "Sige na. Ikaw ang ni-request naming maghatid para makausap ka na rin namin. Hindi ka na kasi lumalabas." Hindi nito binibitawan ang magkabilang gilid ng tray kaya wala na lang siyang nagawa kundi ibigay na iyon.

So hindi pala nagkataon... At ngayon lang ako kinausap ni Suneil ng mahaba-haba ah? Nakasunod lang siya rito at tumulong na rin sa paglapag ng kanya-kanyang tasa. Kinuha na rin niya ulit ang tray. "May kailangan pa ba kayo?" iniiwasan niyang mapatingin kay Zion.

Tiningnan siya ni Kynon nang nakanguso. "Bakit nagmamadali ka?"

"Uh, hindi naman." sagot niya nang umiiling at kagat ang ibabang labi.

"Natapos na namin ang recording. Bale namimili na lang kung kailan ang release date which also means, malapit na rin i-launch ang music video natin." agad nang ipinaalam ni Eethan sa kanya.

"Natin?" nahihiya siyang tumawa nang mahina, "Sa inyo lang naman po 'yun, kuya eh."

"Part ka kaya. Hindi 'yun mabubuo kung wala ka." si Yeshua na tumingala pa sa kanya, nakatalikod kasi ang upuan nito sa kanya.

"Wala pa mang release date ng album pati ng music video, invited na kayo nina Lorei at Rachell. Baka may gusto ka pang isama, 'wag kang mahiyang magsabi kahit kanino sa'min." dagdag pa ni Eethan.

"Uhm, si Mikki! 'Yung part-timer namin dito. Fan n'yo rin siya."

Ngumiti ito. "All right! Noted. Basta kung meron pa, may number naman ako sa'yo."

"Salamat, Kuya Eethan. Sasabihan ko sila agad pag-uwi ko."

Tumango ito at ningitian siya tapos nakita niya si Zion na nakatingin din sa kanya.

"O Kuya Zion, ikaw, wala ka bang sasabihin kay Cas?" si Kynon ulit.

Animo'y umalingawngaw sa pandinig niya ang tanong na iyon ni Kynon. Nakakahiya kung namula pa siya kaya nagpaalam na siya. "Pwede na po ba akong bumalik?"

......

Nakaalis na ang limang lalaki nang mag-uuwian na siya. Nanghihinayang man siya sa pang-iiwas na ginagawa niya pero hindi niya maitatangging masaya pa rin siyang nakikita ito. Hindi nabawasan ang pagtingin niya rito sa kabila ng sakit sa nasaksihan.


Naglalakad na siya patungo sa sakayan. Lumilipad na naman ang isip niya nang bigla siyang natigilan. "Ano ba Carys, umayos ka nga." saway niya sa sarili pagkuwa'y napatingin sa paligid. Malapit na pala siya sa tawiran. Namuntong-hininga siya. Sa may poste, natanaw niyang may nakatayong lalaki. Naka-hood ito at nakapasok ang mga kamay nito sa bulsa ng jacket na kulay light gray. Halata namang hinihintay nitong mag-red ang light para makatawid. Light gray? Ano ngang kulay ang suot ni Zion kanina? Umatras siya nang kaunti. Pero magkakasama sila kaya siguro naman hindi siya hihiwalay sa kanila para mag-isa... unless pupuntahan niya 'yung babae na malamang girlfriend niya. Pilit niyang inaalis ang alaalang iyon sa kanyang isipan. Nagtuon na lang siya ng tingin sa kabilang kalye nang biglang may napansin. Teka, hindi naman dito 'yung way ng condo na 'yun ah? Nasuklay ng mga daliri ang buhok niya. Nagha-hallucinate yata ako. Siya na naman ang nakikita ko. Hindi naman siguro siya 'yan. Dumistansiya siya rito. Mga ilang saglit lang, binaba nito ang hood ng jacket kaya nakumpirma niyang si Zion nga ang lalaki. Bigla siyang naaligaga. Hindi niya malaman kung babalik ba siya, tatalikod lang o iiwasan muna ang tawiran at dumiretso sa paglalakad. Ngunit may bahagi sa isipan niya na gusto niya itong makasama kahit sa ganoong pagkakataon lang at iyon nga ang pinili niyang gawin. Sinikap niyang hindi magpahalata na kunwari hindi niya ito napansin. Nag-red ang light kaya tumawid rin siya na hindi naman dapat. Hindi naman kasi niya kailangang tumawid. Malapit na sa tawiran kung saan siya sumasakay pero nawala na iyon sa isip niya. Nang huminto ito, huminto rin siya. Yumuko at nagkunwaring may hinahanap siya sa bag niya. Pag-angat niya ng mukha, nawala na ito sa paningin niya. Tumingin siya sa kanan, kaliwa, harap at likod. Oh? Saan na nagsuot 'yun? Disappointed siyang bumuntong-hininga. Saka lang rin niya napansin na iba na ang nilalakaran niya. Hala! Lumalabag na ako sa sarili kong rule na huwag na huwag mag-stalk. Maliligaw pa ako sa ginagawa kong ito. Pinasadahan pa niya ng huling tingin ang mga posibleng daanan ng binata bago siya bumalik sa tinawiran nila.

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon