Chapter 47: Open Up

86 25 1
                                    

Natutulala si Loreleigh sa hapag na kasalo nila si Zion. Hindi pa siya get over sa mga nangyari sa nakalipas na araw tapos heto na naman ngayon at may dumagdag pa. Palihim na pinapalit-palit nito ang tingin sa kanila ni Carys. Katatapos lamang ng mga ito na pag-usapan ang tungkol sa paghahabla. Hindi na siya nakisali pa roon kaya nang mga oras na iyon ay nasa kwarto lamang siya ng kaibigan. Binigyan nila ang mga ito ng espasyo para makapag-usap ng pribado.


"Zion, salamat sa pagtulong mo sa anak namin. Napakalaking tulong ang binibigay mo." ani ng padre de familia.

"Tito, 'wag niyo na pong isipin 'yun."

"Basta hijo, 'pag ikaw naman ang may kailangan, 'wag mo kaming kakalimutan na nandito lang kami." pahayag naman ng ina ni Carys.

Napangiti ito. "Salamat po Tita."

......

"Grabe, ilang beses na palang nakapunta rito sa inyo si Zion tapos hindi mo rin binabanggit man lang sa akin? Marami ka pa bang nililihim sa'kin?" angil ni Loreleigh pagkaalis ng binata. Nasa kwarto na ulit sila.

Ngumiwi si Carys. "Patawad na. Pero may mga bagay na gusto nating sa sarili na lang natin, hindi ba kahit sino naman gan'un? Maging ikaw man. At saka isa pa, 'diba minsan kapag magkukwento ako hindi naman kayo agad naniniwala?"

Sinimangutan siya nito. "Naman oh? N'ung nagkwento ka, hindi pa tayo nakakalapit sa kanila kaya natural na gan'un ang initial reaction. Ngayon sis, ibang sitwasyon na. Nakakasama mo siya. At natutuwa akong nahahatak mo ako. Simula noong hinila ang precious long hair mo." natatawang saad nito at humaplos pa sa buhok ng kaibigan.

"Alam mo naman na ngayon." ngumuso siya.

Humalukipkip ito na animo batang nagtatampo. "Kung walang ganitong nangyayari, hindi mo pa rin sasabihin sa akin? Dapat hindi na ganyan lalo na't magkakalayo na naman tayo. Dapat nagkukwento ka."

"Wow oh? Sino ba 'yung hindi nagkukwento sa'tin noong mga panahon na nasa abroad ka? Ako ba? Ako ba? Sino ba 'yung matagal mag-reply at nambabalewala? 'Yung nansi-seenzoned lang? Ako ba? Ako?" sumbat niya.

Tumahimik ito at nag-iwas ng tingin, kagat-kagat ang ibabang labi.

"Nararamdaman mo na 'yung pakiramdam namin noon?" tapos sumingasing, "Kaya umayos ka riyan."

"High blood ka naman masyado oh. Easy ka lang. Cool."

"Matulog na nga tayo."

"Oh, teka lang naman. Hindi naman natin kailangang gumising ng maaga ah? 'Di ba mahilig ka matulog ng late? Kwentuhan pa tayo."

Matunog na tinapik-tapik niya ang unan niya saka humiga na. "Ano pa ba ang pagkukwentuhan natin? Alam mo naman na yata ang lahat ng nangyayari sa buhay ko."

"Si Zion." ngumingisi nitong sabi at kinikilig.

Medyo nainis siyang napapikit at nagbuntong-hininga. "Hindi pa rin tapos sa kanya?"

Kumunot ang noo nito. "Ganyan na lang ba talaga sa'yo? Parang wala na lang? Hindi ka na ba kinikilig sa kanya? Kung kailan napalapit na kayo sa isa't isa saka gumanyan?"

"Sa'yo, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit bumaligtad na? Ano na naman ba ang nakain mo? At saka paulit-ulit na lang tayo. May papayo-payo ka pa tapos ngayon, ano 'to? Enlighten me nga. 'Yung maliwanag naman." sarkastikong katwiran niya.

"Ang dami ko nga kasing nakita after kong sabihin 'yan sa'yo. Hindi mo rin naman kasi sinasabi na may ganito-ganyan na pala sa inyong dalawa. Nakikita ko kasi ngayon na may something. May pag-asa. Alam mo 'yun?"

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon