Chapter 11: Disconcerted

206 47 6
                                    

Hindi nakakaburo ang byahe sapagkat hindi natatahimik ang van sa halakhakan at kuwentuhan tungkol sa naganap sa gig noong gabi ring iyon.

"By the way, isn't it unfair that you know our names while kami hindi pa?" biglang sabi ni Eethan.

"Oo nga pala, ano? Kanina pa tayo nag-uusap, hindi pa nga rin pala namin kayo kilala aside sa pagiging supporters namin." napagtanto rin ni Yeshua. "You are Cas, right? Narinig kong 'yan ang tinawag niya sa'yo kanina." tumingin ito sa kanya tapos lumipat kay Loreleigh.

Nangingiming tumango si Carys. "'Yan ang tawag niya sa'kin."

Kumunot ang noo ni Kynon. "Cas? Hindi ba Car–, ah never mind."

"Carys Ann siya actually. Cary naman ang trip kong itawag sa kanya." agaw ni Rachell. "Ako nga pala si Rachell. They call me Rachi naman." una nitong nilahad ang kamay kay Yeshua dahil ito rin  ang pinakamalapit dito at pagkaway na lang para sa mga hindi nito maabot tulad ni Eethan na nasa pinakalikod at nina Euno at Zion na nasa unahan naman. Lumipat si Zion doon nang sumakay na silang tatlo. Sa gitna kasi sila nakaupo. Abot naman nito ito kung tutuusin, nahiya na lang dahil hindi ito masyado nakikisali sa kuwentuhan.

"Ako naman si Loreleigh, Lorei for short." napapagitnaan naman ito nina Carys at Rachell. Gaya ni Rachell, tatlo lang rin sa mga ito ang nakamayan, nanghihinayang na hindi maabot si Eethan.

"We are glad to know you. I guess madalas na tayong magkikita from now on." pahayag ni Eethan.

Nagpalitan silang tatlo ng tingin.

"Ahm, hindi na namin mapapangako kasi –" tangkang paliwanag ni Carys subalit pinutol ni Eethan.

"I'm sure naman na pumupunta rin kayo sa coffee shop," kina Loreleigh at Rachell ito nakatingin, "mapapadalas na kasi kami roon gaya nga ng sabi ko kay Cas. Well, kung hindi man kaming lahat, at least ako."

Hindi na nagulat ang dalawa dahil nasabi na iyon ni Carys sa kanila.

"Uhm, o-okay lang na lapitan namin kayo roon? Private time ninyo 'yun, 'di ba?" kunwari pa si Loreleigh.

Tumawa si Euno. "As long as hindi kailangan ng bouncer. Okay lang 'yun at basta ba hindi scandalous ang approach. Hindi naman kayo gan'un, 'di ba?"

"Hear that? May permission pa ni Manager." nakangiting dagdag ni Eethan.

Hindi naman maiwasan ni Carys na hindi mapatingin kay Zion kahit na likod lamang nito ang nakikita niya. Tahimik lang ito at ganoon din siya. Gaya niya, nagsasalita lamang ito tuwing tinatanong. Marami nang napagkuwentuhan pero ni isang salita mula nang umandar ulit ang van ay hindi na niya ito narinig na magsalita ulit.


"Ang galing naman! Magkalayo pala kayo?" namangha si Kynon nang malamang kung taga-saan sila.

"Paano naman kayo nagkakilala? O matagal na talaga kayong magkakakilala?" si Suneil naman ang nagtanong.

"Sa isang fansite. Pero sa ngayon, hindi na kami active r'un." tugon ni Rachell.

"Ay! Oo nga po pala, dadaan po ba kayo sa main road?" biglang naalala ni Carys, nangangambang baka lumampas na sila.

"Yup, doon ang way namin, 'di ba manager?" si Yeshua.

"Yes, teka tutal halos magkakalapit naman ang mga lugar natin, bakit ka pa magpapababa roon?" sagot at tanong naman ni Euno. Napapatingin lang ito sa rear-view mirror.

"Ah kasi po, doon kami usual na naghihiwalay." sagot niya.

"Uhm, okay lang 'yun Cas, kesa nag-iisa ka. 'Di bale kami ni Rachell, dalawa kami." buyo ni Loreleigh.

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon