"Natagalan ako sa main road. Wala akong matyempuhan na bus. Late na nang maisip kong mag-taxi na lang kaya ngayon lang ako nakarating." ngumingising paliwanag ni Don habang ang isang kamay ay nasa batok. "Sandali nga, bakit nandito ka? 'Di ba nga palalabasin nating nagkita lang dapat tayo?" Ngunit katahimikan lang ang tinugon sa kanya ni Carys. Doon lang niya napansin ang nanggigilid na luha nito nang mailawan ng dumating na kotse para pumarada. "Oh... A-anong nangyari?" nawala ang pagkasigla ng boses niya. Napansin rin niya ang pasaglit-saglit na pagsilip nito sa kaliwa niyang balikat. Akmang lilingunin niya ang direksyong iyon nang dumampi ang nanlalamig na palad ni Carys sa kaliwa niyang pisngi.
"'Wag kang titigin, please. 'Wag." mahinang pakiusap nito sa kanya.
Hindi niya gusto ang kinikilos nito. Ang kalmado nito ngunit tila wala sa sarili kaya gumalaw pa rin siya dahilan para tinagasan nito ang kamay para pigilan ang paglingon niya. "Bakit? Ano bang nakikita mo?" Hinawakan niya ang kamay na nasa pisngi niya. "At ang lamig ng kamay mo."
Pilit itong ngumiti at umiling.
"Hay naku, kung si Zion 'yan masayang-masaya ka." sumimangot siya at umiiling na rin.
"Iniisip mo na sigurong nababaliw na ako." bulong nito.
"Hindi. Hindi. Ano ba kasi 'yun, Carrie? Hindi ka magiging ganyan kung wala lang." mariin niyang sambit.
Yumuko ito kasabay ng pagbaba ng kamay sa gilid ng hita kaya sinamantala niyang lumingon ng pasimple. Sa unang tingin ay wala naman siyang makita para umasta ng ganoon ang kaharap. Muli na sana siyang babaling kay Carys nang mahagip ng paningin ang pamilyar na mukha sa loob kotse na naliliwanagan ng hindi masyadong maliwanag na ilaw mula sa entrada ng establisimyento. May kausap na babae si Zion habang nakahawak pa ang magkabilang kamay ng babae sa mukha nito. Walang sabi-sabi niyang hinatak si Carys at nilukob ito sa kanyang mga bisig. Narinig niya ang hikbing kumawala rito na hinayaan niya lang muna at hinigpitan lalo ang yakap dito.
......
Nagtaka si Eva kung bakit lumabas si Carys. Nagpasalamat siya sa babaeng katabi nila na siyang nagsabi. Nahihiya naman siyang iwan ulit ang pwesto para ipabantay na naman dito kaya wala siyang magawa kundi hintayin na lang ito roon. Magkasama silang bumalik ni Kivon at nagse-serve na ito.
"Oh, nasaan na ang kasama mo, ate?" tanong ni Kivon nang matapos ang tatlong magkakaibang cocktails.
Tumikhim siya. "Ikaw kasi. Natakot yata sa'yo, ayun lumabas muna raw saglit." biro niya.
Napailing ito. "Or maybe she has figured out your real intention."
Kinabahan siya bigla.
......
Kumalas na sa pagkakayap ni Don si Carys. "Uhm, nag-overreact ako. Pasensya na. Hindi mo dapat ako nakitang ganito. Nakakahiya." sabi niya habang inaayos ang sarili.
"Anong nakakahiya roon?" sumimangot na naman ito.
"Ugh, babalik na pala ako sa loob baka hinahanap na ako ni Ate Eva. Sunod ka na lang ha?" Tinapik pa niya ito sa braso bago iwanan at pumasok na siya ulit.
Napabuntong-hininga na lang si Don habang pinanood siyang lumakad palayo sa kanya.
......
Nakahinga nang maluwag si Eva nang makita na si Carys na papalapit sa pwesto nila ngunit hindi na rin siya mapakali. Nalagok niya tuloy ang pangalawang order na Sidecar.
Sinikap ni Carys na maging normal ang kilos. Kayanin ko sana. "Ugh, 'te, lumabas lang po saglit."
"Yes, sinabi niya sa'kin." tinuro pa ang babaeng katabi na ngayon ni Carys. "Ano bang pinuntahan mo roon?"
![](https://img.wattpad.com/cover/44860647-288-k30503.jpg)
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
Ficción GeneralNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...