Hindi na niya pinatagal pa sa mga kaibigan, sinabi niya rin kinaumagahan nang makauwi siya. Dahil dinnsa balita niya nagkaroon sila ng voice conference nang 'di oras.
"OMG! OMG! As in kinausap ka niya talaga?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Loreleigh. Ito na naman ang may pakana ng maaga nilang pag-uusap sa phone.
"Eeeehh! Hindi naman namin keri pumunta doon ng mga ganung oras." reak ni Rachell. "Nakakainis naman."
"Ano ba, hindi naman ibig sabihin na gan'ung oras lang sila pupunta. Malay mo iba-ibahin nila." aniya.
"Sige, basta kapag may time kami ni Rachell na nag-meet, hindi kami magdadalawang-isip na hindi dumalaw sa cafe." pagtiyak ni Loreleigh.
"Sabi mo 'yan Lorei ah! Yiiih~!" ramdam na ramdam nila sa linya ang pagkakilig ni Rachell. "Nakakainis naman kasi ang mga schedule niyo ngayon eh."
"Gurls, naniniwala akong makikita niyo rin sila doon. Tiwala lang."
"Nananalig ako sa'yo gurl." masiglang sambit ni Loreleigh.
......
Nagmamadaling pumasok ng cafe si Carys. Akala niya late na siya. Whew! Muntik na ako d'un ah. Panggabi na nga male-late pa ako. Nagpalit siya agad ng uniporme at mabilis na ni-hairnet na ang buhok.
"Caffè Latte!" narinig niyang isinigaw ng kahera na maya-maya rin ay papalitan na ni Malene. Inasikaso kaagad iyon ni Lerma. Nagprisinta muna siyang mag-wipe ng glass wall kaya hindi na muna niya sinuot ang itim na apron. Wala pa kasi ang isang taga-serve na nakatoka roon kaya minsan kung sino ang wala pang ginagawa ay iyon ang otomatik na matotoka roon lalo't kung nagmo-moist na ang salamin mula sa air conditioner. Lumabas na siya bitbit ang glass cleaner wiper at spray.
Habang busy siya sa paglilinis, natuon ang paningin niya sa isang customer na tapat ng salaming pinupunasan niya. Hindi niya iyon inaasahan. Dahan-dahan siyang napahinto at hindi nagpahalata. Si Zion 'to ah? One by one ba ang peg nila? At ganitong oras na ang trip nila? Masaya na siya sa lagay na iyon, ang natatanaw ito. Okay na ang ganito kesa gambalain ko siya. Mga ilang sandali, napatingin sa kanya ang binata. Hala! Nahalata pa rin yata akong tumitingin sa kanya. Pero nahuli niyang ngumiti ito nang nagbawi na ng tingin. Nahihiya na siya kaya hindi na niya iyon masyadong tinitingnan, panakaw-nakaw na lang. Binilisan na rin niyang tapusin ang pagpupunas.
......
"Naalala ko guys, nakita ko si Miss Barista three days ago na nga ba 'yun?" napakamot sa ulo si Eethan. "Ayun, basta. Hindi ko sinadya, gusto ko lang lumabas kaya doon ako sa coffee shop pumunta. Maiba lang ba ang paligid. Kaya siguro hindi nagpupunta lately sa mga gigs natin kasi pangmadaling-araw ang shift niya." pahayag nito.
"Oh? Nandoon din ba ang syota niya?" tanong ni Kynon.
"Wala. Kino-conclude mo na talagang boyfriend niya 'yun? Saka kung iyon nga, kailangan bang bantayan siya? Sa gan'ung alanganing oras na?" umiling ito, "Pero alam niyo, mas maganda palang gan'ung time pumunta roon kasi ang tahimik. At isa pa, hindi niya ako nakilala kagabi. Nagulat na lang siya noong nagpakilala ako." natatawa niyang kuwento.
"Makakalimutan na lang tayo nang gan'un-gan'un? Hindi na tayo maalala?" seryosong tanong ni Yeshua habang takang-taka si Kynon.
Natawa si Eethan. "Hindi. Ang bitter niyo naman. Naka-cap kasi ako at salamin. Ako na ang nag-start ng conversation para may makausap naman kahit paano."
"Gusto niyo talagang alamin kung bakit sila nawawala?" nakisali na si Zion. At wala itong balak sabihin na galing rin siya roon kagabi.
Napatingin sila rito sa pagkabiglang nagkomento ito.
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
General FictionNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...