Chapter 65: Kvetch

67 10 1
                                    

Natapos ang worshop niya. Wala siyang kasamang pumunta roon tapos mga mas bata pa ang karamihan sa kasabayan niya. Nakahinga siya nang maluwag nang ihiwalay siya sa mga iyon at dinala sa kabilang function room. Sa huli, naging mag-isa rin siya ulit. Kinabahan na naman siya nang pumasok ang isang babae sa silid na iyon. Nang makaharap niya ito ay tila pamilyar sa kanya ang mukha nito. Parang nakita ko na siya? Hanggang sa maalala niya iyong beteranang stage actress. Hindi siya mahilig sa mga stage play pero tanyag ito sa larangang iyon kaya kilala niya ito, si Judy Magbanua. Intimidating ang aura nito subalit nang kausapin na siya nito ay naramdaman niya ang pagkabanayad nito. Mukha naman siyang mabait at umaasa siyang sana ay hindi lang sa umpisa ito ganoon. Binigyan lamang siya nito ng script. Walang ibang pinagawa sa kanya kundi ang basahin at aralin lamang ang script na iyon.

Habang sakay ng jeep, tila umulit-ulit sa kanya ang sinabi ng kanyang acting coach. Oo, unang araw pa lang niya ngunit hindi niya inaasahang makakarinig siya ng papuri sa isang batikang aktres. "I already saw the music video. Your acting is quite impressive but hindi naman dapat padala sa isang piece lamang. It's just a music video, remember no dialogues on it. I'm not saying you aren't good enough. Kaya ako nandito to train you, right? I know you can make it big. You have a potential, darling." She then gave her a sweet and assuring smile. "Basahin mo muna iyan and we'll see next meeting what we can do." Napangiti siya tapos ay namuntong-hininga. Masarap sa pandinig kaso nakaka-pressure din.

Naudlot ang kanyang pag-iisip nang mag-vibrate ang smartphone mula sa bulsa ng bag na nakadikit sa bandang tiyan niya. Hindi niya ugaling tumingin ng text tuwing nasa byahe subalit tila may tumutulak sa kanyang tingnan iyon kaagad. Napangiti siya nang makita sa screen lock ang pangalan ni Zion. Hindi niya akalaing ganito pala ito maging boyfriend. Ngunit nang mabasa niya ang nakalagay sa ibaba ng pangalan nito, napakamot siya sa leeg.


======
Pupuntahan kita mamaya
around 6. See you!
======


Napatingin siya sa relo. Magpa-five thirty na kaya agad niya itong ni-reply-yan.

======
Pero nasa labas pa kasi ako
ngayon. Kita na lang tayo
somewhere? Sa mall
perhaps? Nasa jeep pa ako.
======

======
Saan ka naman galing?
Anyway, sige. Sa mall na
lang. Malapit ka na ba?
======

======
Malayo pa eh. Traffic. :3
======

======
Sabihin mo na lang kung
nasan ka, dyan kita
pupuntahan.
======

======
Wag na. Umaandar naman
eh. Matatrap ka lang.
Doon na lang. Di na ako
magrereply muna okay?
======

Binalik na niya sa bag ang cellphone.

......

Nakahalukipkip itong nakasandal sa steel railing ng hagdan. Doon nila napag-usapang magkita dahil hindi ganoon karami ang tao roon. Kitang-kita niya ang salubong na kilay nito habang papalapit siya. Nang mapalingon ito sa direksyon niya ay tumuwid ito ng tayo at namulsa.

"Saan ka ba nagpupupunta?" hindi mabasa ang ekspresyon nitong sabi pagkalapit niya.

Sa katabing boutique siya bumaling, "Importante 'yun."

Kumunot ang noo nito at para bang hinihintay pa na ipaliwanag pa niya iyon.

"Naghintay ka nang matagal kaya ako na talaga ngayon ang taya, ha?" pag-iba niya.

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon