Chapter 4: Star-struck

248 72 30
                                    

Napatingin ulit si Zion sa kanya. Nagulat din siya pero hindi niya iyon pinahalata sa pangambang baka pagkaguluhan ito. "Naku! Ituloy mo lang ang pag-shoot. Sorry, hindi ko sinasadya." mahinang sabi niya rito. Naguguluhang pinapalit-palit ng bata ang tingin sa kanila habang binalik ni Zion ang focus sa paglalaro.

Kinalabit siya ng bata at nagtanong, "Ate, kilala mo po siya?"

"Ugh..." Hindi niya alam kung magsisinungaling siya rito.

"Nandito ka lang palang bata ka." sabi ng aleng bigla na lang sumulpot at palapit sa kanila.

"Mommy oh, ang dami ko ng tickets." pagbida nito.

Natuwa ang ginang. "Pero sana nagsasabi ka kung saan ka pupunta. Pinakaba mo ako."

Ngumuso ito na lalong mas nagpa-cute sa kanya. "Sorry po."

Binuhat na ito, "Basta 'wag mo ng uulitin ha?"

"Opo." umalis na ang mga ito at habang lumalayo, nilingon pa niya ang mga ito at nakitang kumakaway ito sa kanya kaya kinawayan rin niya ito.

Hindi niya namalayan na natapos na ni Zion ang time limit. Nawala ito at iba na ang nakatayo roon. Bumuntong-hininga siya at nalungkot. Kumuha na lang siya ng tatlong token sa bulsa at kinalansing ang mga iyon. Nagpasya siyang lumipat ng lugar kung saan sa tingin niya kaya niyang laruin. May nabunggo pa siya pagtalikod niya at napahawak sa braso nitong sa pag-akalang natumba niya ito pero siya itong muntik matumba kaya hinawakan rin siya nito. "Oops, sorry." Pag-angat niya ng tingin ay ganoon na lamang ang pagkabigla niya at namilog ang mga mata. Nandoon pa rin pala ang binata at hayun nga ito. Agad niyang tinanggal ang pagkakahawak dito. Hindi niya malaman ang gagawin, kung hindi na lang ba siya gagalaw o lalayo rito pero hindi siya natinag sa kabila ng nanginginig at nanlalambot niyang tuhod. Hindi niya napigilang lumunok. "H-hi." sinikap niyang bigkasin. "Star-struck." dagdag niya at ninenerbyos na tumawa.

"Hi!" tugon nito.

Hindi na siya nakapagsalita.

"Uhm, 'di ka ba magta-try?" tanong nito.

"Ha? Magta-try ng ano?"

Tinuro nito ang basketball shootout.

"Aah!" tumango siya pagkatapos ay matigas na umiiling, "Hi-hindi."

Kumunot ang noo nito. "Sabi n'ung bata gusto mo raw."

Kinakabahan ulit siyang tumawa. "Naku, wala lang akong mashu-shoot d'yan."

"Why don't you try first?"

"H-hindi na." Napansin niyang nag-iisa ito kaya ginala niya ang tingin baka may kasama ito.

"May problema ba?" saka tumingin din ito sa paligid.

"Ugh, nagtataka lang ako. Nag-iisa ka lang?" nagawa niyang itanong.

"Yes, wala akong kasama."

"Naku, you should be careful. Alam mo namang napagkakaguluhan ka rin."

Ngumisi ito at nag-iiling-iling. "That's why I have this stuff.", sandali itong humawak sa shades, "But then you recognized me."

"Ugh... Nasira ko ba privacy mo? Pasensya na." nag-iwas siya ng tingin.

"Hindi na 'yon mahalaga. Come on. I-try mo na." dinala siya nito sa harap at pinahawak ang bola. Kinuha rin nito ang mga token na hawak niya at naghulog ng dalawa sa machine.

"Teka lang naman!" nataranta siya.

"'Pag sinabi kong start, maghagis ka na ng bola." sabi nito, "O, start!"

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon