Simula nang mai-launch ang bagong album, halos araw-araw na namang nasa bahay nina Zion ang magkakabanda. Napagpasyahan sana ng apat na roon manatili kagabi subalit ang sabi ni Tiya Belen ay wala raw doon si Zion at hindi raw pinaalam kung saan ito pupunta. Dagdag pa nito, may kasama raw itong babaeng hindi katangkaran, balingkinitan at cute. Hindi raw napakilala sa kanya kaya hindi niya alam ang pangalan. Kaangkas daw ito sa motorsiklo. Bagay na pinagtakhan nilang apat ngunit kumpirmado nilang hindi iyon ang ex-girlfriend nito. Hindi naman ito sumasagot sa mga texts at tawag nila kagabi.
Gaya ng madalas na gawi, sinundo ni Eethan isa-isa ang mga kabanda. Papunta ulit sila kina Zion para mag-ensayo nang kaunti. Hindi pa sila masyadong busy dahil holiday ang mga susunod na araw. Gusto lang nilang mag-jamming.
"Sa tingin n'yo ba si Carys nga ang tinutukoy ni Tiya Belen?" tanong ni Kynon sa pananahimik nila sa kotse.
Nilingon siya ni Suneil na nasa passenger seat. "Siya lang naman 'yung kilala nating gan'un na nakakahalubilo natin unless may sinisikreto siya sa'tin."
"Gusto ko talagang isipin 'yan eh kaso hindi ba sinabi niyang hindi mga gan'un ang tipo niya?" komento ni Yeshua na nasa likod naman ni Suneil at katabi ni Kynon.
"Sinabi niya 'yun?" kumunot ang noo ni Suneil.
Saka nagsalita si Eethan nang nag-red ang traffic light. "Oo. Pero malay natin, may nagbago naman 'di ba?" nangingiti nitong komento tapos tumingin sa rear-view mirror, "Sabi naman kasi sa kanya eh 'wag agad-agad magsasalita nang tapos."
......
Nag-message si Don na kung okay lang daw ba na sa park na siya hintayin. Pumayag si Carys. Pabor ito sa kanya dahil ayaw rin naman niyang mag-stay o mag-overtime. Hindi naman ganoon karami ang customers kaya bakit pa siya magtatagal doon. Habang naghihintay, tine-text niya sina Loreleigh at Rachell. Kinukumusta niya ang mga costumes ng mga ito sa darating na Halloween Party. Madalang siya sagutin ng mga ito dahil may mga kanya-kanyang pinagkakaabalahan rin naman. Wala pang isang oras siyang nakaupo sa bench sa park. Mabuti na lang at hindi maulan ng araw na iyon.
"Carrie! Pasensya na ah, pinaghintay kita." ani Don na nakapatong ang mga kamay sa tuhod at hinihingal pa mula sa pagtakbo nito.
Tumikhim siya bago ito ngitian. "Hindi mo naman kailangang magmadali. Okay lang."
"Pasensya na rin, dito kita pinaghintay." umupo na ito sa tabi niya.
"Hmm... may iniiwasan ka, 'no?"
Nagkibit-balikat ito. "Parang gan'un na nga."
"Bakit naman?" kunwari inosente niyang tanong.
Tiningnan muna siya nitong maigi bago sumagot. Halatang nag-alinlangan pa ito. "Hindi naman sa pagmamayabang, Carrie but I can see na type ako ng boss mo at hindi ko na alam kung pa'no pa siya pakikitunguan."
"Kaya hindi ka na pumupunta recently?"
Tumango-tango ito.
"Sabi ko na nga ba tama ang hinala ko eh."
"Alam mo?"
"Oo. Babae rin ako, 'no. Na-oobserbahan ko na rin kasi 'yun. Honestly, naisip ko nga na baka ang pagiging close natin ang dahilan kaya hindi na-approve agad ang paglipat ng shift ko." pag-amin niya habang natatawa.
"So pareho tayo ng iniisip pala?" kitang-kita sa mukha nito ang pagkabigla.
"Don, chill." tinapik niya ito sa balikat, "'Wag na natin seryosohin. Ang mahalaga, eto na, okay na 'di ba?"
"Basta 'wag ka nang magtataka kung hindi na ako nakakapunta sa cafe ah. Sinusubukan ko pa rin naman pero kung alam mo lang may kasamang dasal 'yun na sana mati-tyempuhan kong wala siya."
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
Ficción GeneralNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...