"Okay ka na ba at wala kang kasama rito?" tanong ni Don pagkaupo sa sofa.
Tinanguan niya ito habang naupo na rin. "Mm. Nakikita mo naman eh. Puwede na nga akong pumasok bukas."
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Ay, tara muna pala sa dining nang makapag-lunch ka rin. Hmm, kumakain ka ba ng Daing? 'Yun kasi ang naka-ready na ipiprito na lang."
"Ha? Hindi na. 'Wag ka nang mag-abala pa. Magpiprito ka pa saka nakakain na ako bago umalis sa amin."
"Eh, mag-isa lang akong kakain tapos ikaw?"
"Oh? Hindi ka pa kumakain?"
Umiling siya.
Pinaningkit nito ang mga mata sabay ng pagnipis ng labi. "Sige na nga, sasabayan na kita."
"Ayan," tumayo na siya, "manood ka na lang muna, iyan ang remote kung gusto mong ilipat habang magpi-prito muna ako."
"Hindi, tutulungan kita." tumayo rin ito.
"Madali lang naman gawin 'yun, 'wag na. Dito ka lang."
"I insist." tinulak siya nito papunta sa kusina, pamilyar na rin kasi ito roon.
"Buti rin pala wala ang parents mo, 'pag nagkataon nakakahiyang wala akong dala para sa kanila. Nakalimutan ko sa pagmamadali." napakamot ito sa ulo.
"Ano ba, kahit wala kang dala, okay lang sa kanila 'yun, 'no. Saka ang dami kaya n'yang prutas. Bakit ka ba nagmadali?"
"Siyempre, para hindi matrapik."
"Linggo tapos tanghaling-tapat, traffic?" Wala ba siyang balak banggitin 'yung about sa flowers? O baka assuming lang ako na sa kanya galing 'yun?
"Wala nang pinipiling araw at oras kung kailan mag-ta-traffic."
Nagkibit-balikat siya. "Well, oo nga naman."
"Ako na riyan, marunong akong magprito." inagaw nito ang fish turner sa kanya. "Maupo ka na lang."
Napaanga siya. "Wow? Ako ba 'yung bisita rito?"
......
Nang gabing iyon bago siya matulog, nakabaling ang atensyon niya sa bouquet na nasa side table. Naalala niyang may tinago siyang flower vase na binigay ng estudyante ng mama niya ilang pasko na rin ang nakalipas. Hinalungkat niya ang malaking kahon sa ilalim ng kama. Nang makita iyon, pinunasan muna niya ito at nilagyan ng tubig saka inilagay na ang mga bulaklak. "Sino nga ba kasi ang posibleng magpadala nito? Saka bakit hindi man lang nilagayan ng to at from?" she mumbled then sighed. "Haay... Makatulog na nga."
......
"Carys! Magaling ka na ba?" bulalas at nag-aalalang tanong ni Malene nang makita siyang papasok sa locker room.
"Oo naman! I'm back from the grave." tapos tumawa siya.
"Dapat sinagad mo na lang ang one week na pahinga." iling nito.
"Eh, kaya ko na. Oks na oks na ako. Gusto mo pa matagal? Para namang ayaw mo na akong makita niyan ah?" tumawa ulit siya. "Kumusta pala rito? Anong mga na-miss ko?"
![](https://img.wattpad.com/cover/44860647-288-k30503.jpg)
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
Narrativa generaleNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...