Chapter 26: Repeated Heartbreaks

151 36 7
                                    

May kung anong nalaglag sa kanya. Napabalikwas siyang nagising nang makita ang lumanding na lumilipad na ipis sa kanyang kaliwang braso. "Aah! Ayy! Aayy!" pinalo-palo niya ito para maitaboy. Nang makasiguradong nakalabas na ng kwarto niya ang insekto, naitakip niya ang mga palad niya sa mukha at mariinng pumikit. Pagmulat niya ulit, napabuntong-hininga siya. "Panaginip lang." Masyado na siguro akong nabo-bother sa flowers na 'yan. Halos alugin niya ang kanyang ulo nang mapabaling siya sa bagay na iyon.

......

Nagpapasalamat sila na humupa rin ang baha kinabukasan. Hindi na siya maagang umalis ng bahay dahil gumanda na ang panahon. Balik siya sa normal niyang oras kaya paalis na si Eva nang dumating siya. Bago ito umalis, pinaalam nito na tuloy na tuloy na ang night out.

"Bukas na natin gawin ang celebration, Cas!"

Napangiwi si Carys, "Seryoso ka talaga tungkol doon, 'te?"

"Oo nga!"

"Pero bakit pa po kailangan ng gan'un kasi?"

"Okay, kung hindi ka komportable, let's just think na gusto ko lang lumabas na kasama ka. Gan'un. Tayo lang naman eh."

Nag-aalalangan siyang pumayag pa rin. Hindi niya kasi ugaling sumama sa mga night out-night out maliban kung gigs ng Azure Jack iyon at sina Loreleigh at Rachell ang kasama niya.

"Oh, nakikita kong pinag-iisipan mo kung paano ako tatanggihan eh. Ouch naman. Gusto ko lang naman maka-bonding ka." ngumuso ito at humalukipkip tanda na nagtatampo.

"I swear ate, boring akong kasama kaya magsisisi ka lang." Itinaas pa niya ang kanang kamay.

Tumagilid ito sa kanya at hindi na kumibo.

She sighed. "Hindi ko tinatanggihan ang makasama ka ate pero 'yung night out na ganyan, I want to be honest with you, it's not my thing. You'll regret na sinama mo ako. Sabi nga nila kj ako eh." na ipinagkibit-balikat niya.

She darted a glace at her. "Then it's about time to give this a shot. Cas, hindi mo na 'to magagawa pa 'pag tumanda ka na."

Nagtataka siya kung bakit mapilit ito samantalang kailan lang naman siya nito nakilala.

......

Dahil wala naman siyang ibang mapagsasabihan at hindi sila nagkakausap dahil nandoon si Bb. Geralyn, kay Don niya nabanggit ang pag-aalinlangan nang break time niya. Nandoon ulit sila sa madalas nilang tinatambayan tuwing break time, sa labas malapit lang rin sa cafe.

"Baka naman gusto ka lang talaga makasama pero tama rin naman na maging wary ka. But she seems to be harmless naman."

"Uy grabe ka, hindi naman umabot sa gan'un ang pag-iisip ko na gagawa siya ng masama ha. Nagtataka lang naman kasi ako. 'Yun lang. Hindi ko naman masabi sa kanya."

"Gusto mo samahan kita?"

Ngumiwi siya, "Nakakahiya naman 'yun? Ako ininvite niya tapos nag-invite rin ako?"

Napakamot sa ulo si Don. "Sabi ko nga eh."

Humalumbaba siya.

"Teka, pumayag ka na ba at pinoproblema mo na?"

"Hindi pa ako direktang umoo eh pero parang umaasa na siya."

"Problema nga iyan."

Kumunot ang noo at ngumuso siya.

"Eh kung sabihin mo na lang sa'kin kung saan kayo tapos susunod ako tapos palalabasin nating nagkita lang tayo roon?"

"Mag-aabala ka talaga? Eh 'di ba, hindi nga pwedeng maiwan ng mag-isa ang dad mo?"

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon