Loreleigh bent across the table reaching up to her. "Nandito si Zion." she whispered.
Carys froze in place. Isa lang ang naiisip niyang maaaring dahilan kung bakit ito nandito at iyon ay dahil sa girlfriend nito.
Muling sumubo ng nachos si Lorei. "Akalain mo nga naman."
"M-may kasama ba?" mahina niyang tanong at umayos ng upo. Ayaw na niyang tangkaing lingunin ito.
"Wala, mag-isa lang siya." sa kanya na lang ito nakatingin at uminom ng alak.
She sighed inwardly as she nodded. Nagpapasalamat siya na tumigil na ito sa pagtitig sa kinaroroonan ng binata. "Hayaan na natin siya."
"Well, nakakababa nga naman ng pagkatao kung ia-approach natin siya rito." mapakla itong tumawa.
Nalagok naman niya ng hindi oras ang Grasshopper cocktail kaya naubos na ito.
"Uy, akala ko ba ayaw mong malasing? Malalasing ka sa ginagawa mong 'yan eh." saway nito sa kanya.
"Hindi ko mapigilan eh, ang sarap nito."
"Tsh! O-order pa ako ng sunod, dahan-dahan lang huh?"
"Ubusin mo na lang muna 'yang sa'yo tapos sabay na tayo sa next."
"Ugh okay, sabi mo eh." Nagkibit-balikat ito.
Mabagal na iniinom ni Lorei ang cocktail habang pasimple na namang sumusulyap sa kanyang likuran. Siya naman ay maya-maya ang dampot sa nachos. "Nga pala, alam mo bang invited ako sa wedding ni Ate Eva?" banggit niya para sa kanya ulit mapunta ang atensyon nito.
"Talaga?" subalit ni hindi nga siya tiningnan man lang.
"Hm. 'Yung mga part pa lang ng entourage ang alam kong may invitation."
"Let me guess. Bridesmaid ka, 'no?" saglit siyang binalingan nito.
"Ano ka ba, panay ang tingin mo roon. Nakakahalata ka na eh." siya naman ang nanaway.
Pumaswit ito at umirap. "Bakit pa makakahalata eh sigurado akong nakita na niya tayo? Baka nga napansin niya n'ung nagpunta ka roon para mag-cr."
"Hayaan mo na lang kasi siya."
"You know, ang weird mo talaga. 'Di ba gusto mo siya pero bakit parang ayaw mo namang makita?"
Bumuntong-hininga siya. "Gusto mong malaman kung bakit?"
"Bakit?" sa kanya na ito nakatuon.
Lumunok siya at napatingala, humugot ng lakas bago magsalitang muli. Siya naman ang dumukwang para bumulong dito. "Sa labas ng building na ito ko siya nakitang may..." huminto siya at ibinaba ang tingin sa mesa, "...kahalikan..."
Tinitigan siya nito at sandaling napapikit. "Bakit dito mo pa sinuggest kung may ganyang experience ka pala rito? Nakakaloka ka rin eh." pabulong man ngunit may diin sa mga salita nito.
Bukas ang mga palad na nagkibit-balikat siya. "Malay ko bang pupunta siya ngayon dito."
Naubos na ang cocktail nito kaya sumenyas ito sa waiter na kaagad namang lumapit. "Sex on the Beach ulit at Jack Rose."
"'Yun lang po ma'am?"
"Ano Cas, may ipapadagdag ka pa?"
Umiling siya. "Wala."
"'Yan lang po."
"Okay po." saka umalis ang waiter.
"Cas, may umupong babae sa tapat niya." bulong ulit nito.
Pinilit niyang kumilos ng normal na hindi siya apektado. "'Di ba sabi mo may mga sariling mundo rin sila? Bakit binabantayan mo pa?"
Natigilan ito. Ang manhid lang nito kung hindi nito napapansin ang pag-iba ng kilos niya at sa baba na nakatingin. Inabot nito ang kanyang kamay. "I'm sorry, Cas. Ang insensitive ko para hindi pansinin na hindi ka na okay."
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
General FictionNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...