Maganda ang gising ng magkakaibigan nang sumunod na araw dahil hindi sila masyadong puyat. Maaga silang naghiwalay sa event kahapon at nagpasyang sa kanya-kanyang bahay na lang maghapunan. Nakatulugan na lang rin nila ang pagsalamisim sa mga naranasan ng araw na iyon dala na rin ng pagod at sakit ng katawan sa pagkakaipit sa crowd control barricade.
Panay ang pagsuntok sa ere at pag-inat ni Carys kada matatapos sa paggawa ng mga orders. Mas naramdaman niya kasi ang sakit ng mga braso buhat ng pagkapit ng mahigpit sa steel barrier sa tuwing matutulak sila ng mga nasa likuran. Animo'y nag-push up ang pakiramdam niya. Pero napapangiti siya tuwing titignan ang kanang palad, ang nakadikit ng palad ni Zion.
"Napano ba 'yang mga braso mo?" napuna na naman siya ni Rye. "Kanina pa kita nakikitang suntok nang suntok eh."
"Ah wala, ayos lang 'to." Alam na niya kasi ang magiging reaksyon at sasabihin nito kapag ikuwento pa niya.
Si Loreleigh naman ay hanggang sa clip board nito nakaipit ang notebook na may autograph ni Eethan. Kahit saan ito magpunta ay bitbit nito iyon. Malamang tinabi pa ito sa pagtulog. Samantalang si Rachell ay wala yatang balak maligo pa. Mawawala raw kasi ang 'skinship feels' ni Yeshua sa kanya. May mga hangover man, nagagawa pa rin at hindi sila nagpapabaya sa kanya-kanya nilang gawain kahit din masakit pa ang mga katawan nila.
Nilingon niya ang wall clock nang makita si Don sa labas. Pasado ala-sais pa lang ng umaga. "Oh! Good morning! Ang aga mo ngayon ah?" mabilisang bati niya pagtulak nito sa pinto. Naghatid kasi siya ng inorder na kape sa table malapit doon. Wala kasing naka-stand by, kung hindi naghatid ay nakaabang ang iba sa bread counter na kapares ng inorder na kape na natapat sa mga ito.
"Good morning, Carrie." nginitian siya nito. "Baka kasi hindi na naman tayo magpang-abot kung hindi ako magko-coffee ng ganitong oras eh. Gusto ko kasi 'yung ikaw ang nagtimpla."
Lumingon muna siya sa counter para tingnan kung may pila. Mabuti na lang isa lang iyon at nandoon naman si Rye. Pinaningkitan niya ito ng mata. "Don, kaming mga barista rito pare-parehong dumaan sa parehong training ng tamang pagtimpla ng mga 'yan kaya iisa lang ang lasa ng bawat kape 'no."
Lumabi ito nang may pagkibit ng balikat. "Ewan ko, gusto ko talaga 'pag sa'yo eh. Mas yummy sa panglasa ko."
"Yummy ka pa r'yan. Gusto mo lang yatang makalibre eh. Pero sige, pagbibigyan kita ngayon. Ngayon lang ha. Pasalamat ka maganda ang araw ko."
Humalakhak ito. "Hindi kita binobola. Totoo lang naman ang sinabi ko. Anyway, kung bawat compliment ko ba may kapalit, hindi ako magsasawang purihin ka." ngisi nito.
Tinaasan niya ito ng kilay at muling tumingin sa counter.
"Pero syempre joke lang 'yun." bawi naman nito.
Hindi na niya iyon narinig, nagmadali na siyang nagpaalam dito. "Babalik na ako sa loob. Maupo ka na at alam ko na ang order mong coffee and bread. Ipahatid ko na lang. Hintayin mo na lang ah." saka tumalikod na para umalis.
"Salamat~!" hinatak pa siya nito at pinisil ang braso na parang nanggigigil.
Pinandilatan niya ito na natatawa at iniwan na nga niya ito.
"Hmm, may maganda sigurong nangyari at nanlibre." isip ni Don.
Ilang saglit lang ang pagitan nang makapasok na si Carys ay siyang dating naman ni Bb. Geralyn. Nasilayan nito si Don na nag-iisa sa table at nakapangalumbaba. Batid nitong naghihintay ito.
"Hey Mr. Litton! Nice to see you here again. Good morning!" bati nito ng may malapad na ngiti.
"Uhm, magandang umaga rin po sa'yo Miss ugh Bb. Geralyn."
![](https://img.wattpad.com/cover/44860647-288-k30503.jpg)
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
General FictionNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...