Ilang minuto na lang bago mag-ala una ng madaling araw natapos ang shoot kaya nag-alala siya kung paano uuwi. Madalang na lang ang dumadaang jeep sa lugar at kung mayroon man, panay mga lalaki ang mga pasahero. Pansamantalang naputol ang pag-aalala niya nang may nagsalita.
"You did a good job." puri ni Eethan.
“Thanks kuya pero nakakahiya nga po eh.”
"Carys! I heard kung taga-saan ka. Nadadaanan ko 'yun kaya sabay ka na sa'kin ah?" biglang sumulpot si Eva.
"Oh, sabi ko pa naman dahil kami ang nagdala sa kanya dito, kami rin ang magbabalik." nasa likod na rin pala nila si Roxanne.
"Ay, kayo pa rin po ba?" tila bumagsak ang balikat ni Eva.
"Hmm, I think hayaan na lang natin sila darling.” si Euno at umakbay ito sa asawa. “Basta sa messenger group, inform us kung nakauwi na kayo. Inadd na kita Carys." sabi pa nito.
"Ay salamat po! Hindi na po ako mag-iisa sa byahe." natuwa na naman si Eva.
Paglingon niya, wala na si Eethan. Saan na nagpunta ‘yun?
......
Hindi tumatahimik sa kotse dahil sa pagkukuwento ni Eva. May mga tanong rin ito na animo host ng isang showbiz news. "Hindi tayo nakapag-usap na noong isang araw. Anong feeling na si Zion ang nakakayakap tapos nakiss ka pa?" kinikilig nitong tanong.
"Uh..." namula siya. “Uhm, may tanong nga po pala ako tungkol doon.”
Kumunot ang noo nito. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko pero sige, anong tungkol doon?”
“Mukhang kayo lang naman po ang mapagtatanungan ko baka kasi sabihin nagrereklamo po ako.”
“Sige Casy, handa akong sumagot.” kumindat pa ito. “Tsismosa ako at times but you can trust me. Promise.” itinaas pa nito ang kanang kamay.
Huminga muna siya nang malalim. “Bakit po naging kiss ‘yung dapat hug lang?”
Biglang napatingin ito sa kanya. “Oh!? Hug lang ba dapat ‘yun?!”
“’Yun po ang sinabi sa’kin ni Ms. Amy eh.”
Tumawa ito nang malakas. “Naku sweetie, hindi ko pala masasagot 'yan, hindi ko alam ‘yan eh. Hanggang sa pag-aayos lang kasi ako sa talent.”
"Oh..." napangiwi siya, "Sabi ko nga po.”
“But then, ang ganda kaya! The way he held you and everything! Tapos biglang umulan pa, ‘di ba?” ngingisi-ngisi pa ito.
Hindi na niya alam ang sasabihin.
"Alam mo, kahit hindi ko makita masyado ang mukha mo ngayon, I know nagba-blush ka. Haler? Si Zion 'yun, 'no? 'Di ba siya rin ang gusto mo sa kanila?"
Eh? Paano naman niya nalaman?
"Pasensya na ah, tsismosa talaga ako minsan lalo kung interesting."
Siya naman ang kumunot ang noo. "I-interesting?"
"Oo, for me. Alam mo crush ko rin 'yang si Zion eh. Hanggang doon lang naman. May pagkaseloso ang fiancé ko eh." Left hand naman ang tinaas nito para ipakita sa kanya ang engagement ring tapos binalik rin sa pagkakahawak sa manibela. "While pinapanood ko kayo since day 1, may kilig factor na eh. Kaya from that day on, ZiCa or CarIon shipper na ako."
"ZiCa? CarIon?"
"Yeah, pero mas sounds good ang ZiCa kaya ZiCa na lang." nangingiti nitong sabi.
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
Genel KurguNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...