Sa gitna ng pagmumuni-muni habang nagpe-play ang kanta ng Azure Jack, naalala niya sina Loreleigh at Rachell. Hindi nagpaparamdam ang mga 'yun ah, lalo na 'yung isa. Ano na kayang nangyayari sa mga 'yun? Saka tumayo dahil nakaramdam siya ng gutom kaya naisipang bumaba muna ulit para maghanap ng makakain sa ref. Habang papunta sa kusina, narinig niyang may kumakatok. Kinabahan siya dahil wala namang inaasahang bisita tapos mag-isa pa siya. Dahan-dahan siyang sumilip sa bintana. Naningkit ang mga mata niya nang makita kung sino iyon. "Lorei?" Kaya agad siyang tumakbo sa pinto upang pagbuksan ito.
Ilang beses na rin siyang sinasadya ng mga kaibigan kahit sa malayo pa nanggagaling ang mga ito. Siya man ay minsan na ring nakarating sa bahay ng mga ito.
"Whew! Akala ko kung sino. Kaya pala walang nagte-text eh. Bakit walang pasabi kasi?" aniya.
"Para surprise." sabay tawa nito. "Kanina pa nga kami kumakatok, tumatawag na rin ako. Akala namin wala ka rito."
"Tumatawag ka ba? Sorry ah, hindi ko napansin ang phone. Nagsa-soundtrip ka ako sa kwarto. Wait, kami? Namin?"
"Hello! I'm here!" biglang tabi naman ni Rachell dito.
Nagulat siya dahil hindi niya ito nakita nang sumilip siya kanina pero naisip rin niyang hindi pumupunta ng mag-isa si Lorei. "Saan ka naman galing?"
"Miss me?" pagkalapad ng ngiti pa nito.
"No." walang ekspresyon niya namang sagot.
Sumimangot ito. "Nagpa-load lang ako doon."
"Pumasok na nga kayo."
......
Noong araw ring iyon pumunta si Kynon sa coffee shop na may kasamang babae. Iyon si Alexis, ang girlfriend niya.
"Once in a blue moon mangyari 'to, huh?" ani ng babae.
"Alexis, alam mo naman kung bakit hindi tayo pwedeng lumabas nang basta-basta, 'di ba?"
Tumango ito, "Naiintindihan ko naman 'yun eh."
Ngumiti siya. "I love you."
"I love you too." malambing na tugon ng girlfriend.
Nasaksihan ni Mikki ang eksenang iyon mula sa kitchen window. Hindi man niya naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito subalit makikita naman sa kanilang mga kilos na may something at sapat na iyon upang masira ang araw niya pero hindi niya iyon pinahalata sa mga nasa paligid niya. Pinili niyang dedmahin na lang kahit hindi iyon madali at mag-focus na lang sa mga gawain niya.
......
"Parang hindi ka naman nasiyahan na binisita ka namin." himutok ni Loreleigh. Kalalapag lang ni Carys ng merienda nila sa center table. Chicken sandwiches at Melon juice.
"Ay hindi ah! Sadyang nagulat lang ako pero of course masaya ako. Hindi rin na kailangang lumabas. Kung pang-umaga nga lang sana ako, sasabihin kong mag-overnight kayo eh."
"Naisip namin 'yan actually." sambit ni Rachell bago uminom ng juice.
"'Di bale, pwede naman sa susunod eh basta magmi-meet lang ang schedules natin." si Lorei naman.
"Aasahan ko 'yan."
Nakangiting tumango si Loreleigh. "So ngayon, sasabay kami sa'yo sa Bru Beans then mag-i-stay kami ng kahit mga two hours." dugtong nito.
"Anong oras na kayong makakauwi n'un? Teka pala, day off ko ngayon kaya hindi ako papasok. Pa'no 'yan?"
Napanganga ang dalawa.
"Kasi, dapat kinausap ninyo muna ako eh."
Napakamot si Rachell. "Hala, hindi namin naisip..."
"Pero pwede pa rin namang kayo na lang ang pumunta." sabi pa niya. "Saka kahit naman nandoon ako, hindi pa rin tayo magkakasama, so parang gan'un din kasi nasa loob ako, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
Ficción GeneralNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...