Animo'y may nagkakarerahang mga kabayo sa dibdib ni Carys nang makaharap na nila ni Roxanne ang apat na boss ng Leading Light Entertainment sa conference room. Nagalak ang mga itong makita at makilala sila at maligaya na sa kanila sila lumapit. Isa na lang ang naiwan para sa interview dahil umalis na ang iba, may mga aasikasuhin daw kasi ang mga ito at ang dalawa naman ay may meeting pa sa labas. Matapos ang interview, nabanggit ulit ang performance niya sa music video na patuloy na nadadagdagan ang views at patuloy na humahataw sa charts kaya ayon dito, hindi na nagdalawang isip ang mga ito. Hindi na raw kasi kagaya ng mga nagsisimula pa lang na kailangan muna dumaan sa ilang linggong katakut-takot na workshops sa sarili nilang trainors bago matanggap nang lubusan at tuluyang maging bahagi ng ahensya. Counted na rin naman raw kasing eksperiyensa iyon sa kanya pero magwo-workshop pa rin siya para mahasa pa lalo. At para kay Roxanne naman na tatayo bilang kanyang manager, bilang baguhan at iisa lang siyang mina-manage ay pinahintulutang maging part time lamang. Marami kasing manager doon ang full-time dahil hindi lang naman isa ang hinahawakan ng karaniwan sa mga ito. Agad-agad ring napag-usapan ang magiging schedule ng workshop ni Carys at napagkasunduang dalawang beses muna sa isang linggo iyon gawin, tuwing Martes at Huwebes na sisimulan na sa susunod na linggo. Alam niyang umpisa pa lang iyon at hindi na magiging madali ang susunod na mga araw. Malapit nang matapos ang diskusyon nang biglang may pumasok. Otomatikong napatingin silang tatlo sa bumukas na pinto na ang iniluwa ay ang walang iba kundi si Hilton Kimura. Narinig niya ang pagsinghap ni Roxanne.
"Oh Hilton, what brings you here?" sabi ng kausap na nakilala nilang si Mr. Vitto.
Sandali naman siyang natulala, na-starstruck siya rito. Para pala talaga siyang babae sa ganda. Dinaig pa ang babae sa puti at kinis niya. He's such an ethereal human being."I'm sorry, may kausap po pala kayo. Babalik na lang ako." sabi nito na blanko ang ekspresyon. Akmang aatras ito para isara muli ang pinto nang pigilan siya.
"Patapos na rin naman kami. Pumasok ka na at maupo na muna."
Sinunod naman nito ang sinabi ng nasa early 40's na boss.
Muling bumaling sa kanila si Mr. Vitto. "May questions pa ba kayo? 'Wag kayong mahiyang magtanong." pinagsiklop nito ang mga kamay sa mesa.
Napabalik siya sa ulirat. Hindi nagsasalita si Roxanne na pinagtakhan niya kaya kahit nahihiya man ay siya ang sumagot. "Uhm, sa ngayon po siguro iyon na lang muna." Pagkuwa'y marahang sinagi ang kasama sa braso.
"Ugh opo. Malinaw naman ang mga pinag-usapan natin." si Roxanne na parang nabigla pa.
"Okay, if sa mga susunod na mga araw ay may tanong kayo. Pwede ninyo naman akong pumuntahan sa office."
Sabay silang tumango.
Lumabas sila ng conference room nang natutulala pa rin si Roxanne.
"Okay ka lang po?" tanong niya kahit na batid niyang na-startstruck din ito.
"Ang gwapo niya talaga. Ngayon ko lang siya ulit nakita ng ganitong malapitan." kinikilig na bulog nito bigla sa kanya.
"Hindi po naman po eh." kunot-noo at inosente niyang turan.
Tinaasan siya nito ng kilay. "Hindi ka naga-gwapuhan sa kanya?"
Napangisi naman siya. "Hindi po, nagagandahan po ako sa kanya."
Umiling ito at humalukipkip, nangiti na rin. "'Yan talaga ang laging sinasabi tungkol sa kanya." tapos hindi na ito mapakaling lumilinga-linga sa pinto kung saan sila lumabas. "Kung wala lang sa office magpapa-picture ako eh, nahihiya lang ako kay Mr. Vitto."
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
Fiksi UmumNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...