Chapter 14: Disclosure

187 45 5
                                    

Pinupunasan ni Carys ang coffee machine nang muling sumilip si Malene at mahina siyang tinawag nito. "Carys!" kumaway pa ito.

Nagtataka naman siyang lumapit. "Yes? Ano 'yun, Malene?"

"Sabi ni Tom may gusto raw kumausap sa'yo."

Kumunot ang noo niya. "Sino raw sila?" at nilapag muna sa gilid ang cloth na hawak niya.

"'Yung mga kasama mo raw na pumasok kanina." saka bahagyang lumapit at bumulong, "Ang gagwapo lalo na 'yung isa, huh?"

Batid niyang kinikilig ito. "Aah... sila Kuya Eethan." tapos pasimple siyang bumulong, "Si Zion 'yung isang'yun, Malene."

"Woa?" Nagulat ito ngunit nanatiling mahina ang sagot nito. "Siya pala 'yun?"

Tumango siya.

"Sige na, puntahan mo na. Wala naman tayong masyadong customers pa eh."

"Sige, salamat ah." saka lumabas na ng counter para puntahan ang mga ito.

"Akala ko nakaalis na kayo. Uhm, kakausapin niyo raw ako?"

"Magpapaalam lang kami." tumayo na sila ni Zion.

"Ay, kayo naman po. Magpapaalam pa eh." napahawak siya sa batok. "Sige, salamat sa inyo. Please come again, ah?" ngumiti siya, "Ingat kayo."

"Ikaw rin pag-uwi mo mamayang umaga. At!" tinaas pa ang hintuturo. "Ikumusta mo na rin kami sa mga kaibigan mo."

Ngumiti ulit siya. "Sure, makakarating po."

Inayos nila ang mga inupuan. "Bye~" sabi pa bago lumakad palabas.

Tumango siya at nakangiti pa ring kumaway sa kanila.

"Ingat ka."

Hindi niya inaasahang marinig iyon mula kay Zion dahil ang buong akala niya ay wala itong balak magsalita. She stared on his back as they walked away. Saglit siyang natulala.

......

Nag-send muna siya ng group message bago mahiga sa kama. Hindi na rin niya hihintayin ang mga replies ng mga ito, kung meron man, dahil hindi na niya kaya ang antok.

======
To ses-Lorei ; ses-Rachi

gm

Girls! Kinukumusta kayo ni Kuya
Eethan! Binabati niya ako pag
nagkikita kami. Nagpaalam pa
nga bago umalis eh. :) Si Zion
lang ang kasama niya na hindi
naman masalita... Good
morning!

~carys
======

......

======
From ses-Lorei

Bakit gabi naman sila
pumupunta? Pano naman namin
sila maaabutan kung ganyan? :3
======

Binasa niya agad iyang nag-iisang natanggap paggising. Alam na niyang walang load ang isa dahil kung meron magre-reply naman iyon.

======
To ses-Lorei

Dont be sad. Nagkataon lang
yan. Diba una ko silang nakita
sa cafe afternoon? Pero
nakakatawa na dun pa sila
pumunta kasi hindi raw
makatulog. lol Ano ba akala
nila sa kape? Pampatulog?
haha
======

======
From ses-Lorei

Haha! Mga ayaw yata matulog
eh. Sana naman maabutan
namin sila pag pumunta kami.
Magchange career na kaya
ako? haha
======

======
To ses-Lorei

Sabay ganun? Adik lang eh.
haha Magkukrus din landas
nyo dun. Keep the faith lang.
======

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon