Nagawa niyang layasan si Zion dahil marahil sa pagkapahiya at hindi niya na alam kung paano pa ito haharapin. Agad siyang sumakay sa jeep na nagbaba ng dalawang pasahero sa tapat nila.
Nakakahiya! Para na akong nag-confess sa kanya n'un ah. O nag-confess na talaga ako! Hindi siya mapakali dahil doon. Paikot-ikot siya sa higaan. Pero hindi ba normal naman 'yun sa fan? Fan ako kaya hindi dapat ako nagkakaganito. Napakalma siya sa katwiran na iyon ngunit hindi pa rin makatulog, naisipan niyang buhayin ang wifi at tumingin na lang muna sa twitter. Doon lang niyang nakitang may mga notification siya. "Hmm, may new follower at may two direct messages?" Nanlaki ang mga mata niya at napabangon siya nang makitang si Zion ang new follower at nang tingnan niya ang dm ay sa kanya rin galing ang mga iyon.
I'm sorry kanina. I didn't
mean to judge you.
11:19 PMI hope nakauwi ka na by this
time. Kararating ko lang.
11:20 PM"Si Zion ba talaga ito? Paano niya nalaman ang twitter ko?" bulong niya. "Magre-reply ba agad ako? O ipagpabukas ko na lang?" Ni-close na niya ang app pero maya-maya rin ay hindi siya nakatiis kaya binuksan niya ulit ito. "Sige na nga sasagot na. Hindi naman niya ako nakikita eh. Baka 'pag hindi ako sumagot agad, isipin naman niyang ang sensitive ko masyado." Huminga siya nang malalim bago magtipa.
Kanina pa ako nakarating before 11. Kao-open ko lang dito
kaya ngayon ko lang nakita. Paano mo nalamang ako ito?
11:49 PMMaybe natutulog ka
na kaya good night...
11:49 PMI'm still up. Naalala ko nung nagkita tayo sa mall,
you said thanks na sumagot ako sa tweet mo.
11:52 PMKahit siya lang ang nasa kwarto, pinipigilan pa rin niyang mapangiti. Nakakagat niya ang labi.
Naalala mo pala yun.
So pano, good night na.
11:54 PMI see you're still mad.
11:55 PMWorried lang naman ako na baka
nakakaabala sa pagpapahinga mo.
11:58 PMYou've forgotten I'm a night owl. Bedsides,
I was the first to approach you.
11:59 PMI appreciate it. Finollow
back mo pa ako. Thanks!
12:01 AMI need to. I can't send you a dm if I'm not following
you. Btw, marami ka palang mentions sakin ah.
12:02 AMShocks! May mga nati-weet ba akong mga kalokohan?
Tinitingnan mo ang tweets
ko huh? Who's stalking now?
12:04 AMTiningnan ko lang naman.
12:04 AMI need to sleep na. I have to get up at
4. Thanks for the short talk. Night!
12:05 AM4 hours of sleep? Bakit maaga ka bukas?
12:05 AMPara walang madodoble ng shift kaya konting
adjustment til makabalik sa shift for the month.
12:06 AMAll right. Next time na lang
ulit. Have a nice sleep.
12:06 AMThanks. Ikaw rin, good night! :)
12:08 AMHindi siya makapaniwalang nag-effort itong kausapin siya. Pero malamang nakonsensiya lang 'yan. Gustuhin man din niyang makausap pa ito nang matagal kung hindi lang talaga kailangang maaga magising. Gayunpaman, kinilig siya at isang bagay ang tiyak na niya sa gabing iyon, makakatulog na siya nang mahimbing at masaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/44860647-288-k30503.jpg)
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
General FictionNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...