kabanata 58

9 2 1
                                    

Halos tahimik kaming nanood sa pag gagamot nila kuya cloud at juan kay Roberto. Si florencio naman ay nabigyan na ang paunang lunas kanina kaya medyo ayos na sya. Hindi kasi ganon karami ang tinamo nyang sugat, hindi katulad ni roberto na hangang ngayon ay tinatahi ang tinamo nitong saksak sa bandang binti nya. Kaya pala ni hindi sya makalagad kaninang binuhat sya nila maria.
May bali din daw ito sa braso, at halos hindi na rin makilala ang muka dahil nga sa sobrang maga ito, para syang naki pag boxing sa professional boxer.

Nakasubsub si maria kay marco habang hangang ngayon ay parang naiiyak parin, si flora naman ay may mga luha parin akong nakikita ngunit nakatulala ito sa dingding. Si kuya joselito at kambal ay naka subsub sa kanilang palad na parang nagdadasal o pwedi rin galit ngayon dahil sa nakikitang halos mag-agaw buhay ang kaibingan namin. Nasa tabi ko naman si Manuelito na nakatitig lang din sa nakahigang Roberto. Napansin ko ang pangingining ng kanyang kamay, dahil narin siguro ito sa galit. Kaya hinawakan ko ito para kahit papaano ay pakalmahan sya. Bigla naman itong napatingin sakin, ng walang sinasabi pero ramdam ko ang paghawak rin sa aking kamay.

"Walang puso ang gumawa sa kanya neto. Parang wala talaga silang balak na buhayin sya." Saad ni kuya cloud.
Mukang tapos na sya kaya lumapit ako sa kanila.

"K-kumusta sya kuya?"

"Sa tingin ko ay magiging maayos naman sya pero hindi ako sigurado kung ilan araw syang tulog, medyo marami ang nawalang dugo sa kanya at may mga bali pa sya. Kailangan nyang magpahinga. Si juan na ang bahala sa kanya."
Tumango nalang ako sa kanya at humarap naman kay juan.

"Kaya mo syang pagalingin hindi ba mahal."

"Ang iyong kapatid ang gumamot, akin lamang syang tinulungan sa maliliit na bagay."

"Hindi maliit iyon juan." Sabat ni kuya samin.

Magsasalita pa sana ako pero rining namin ang iyak ni florencio.

"K-kung hindi kayo dumating Luna, m-malamang ay b-bangkay na k-kami ngayong d-dalawa." Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Wag ka ngang umiyak! Marining ka ni roberto pagtatawanan ka nyan! Sige ka!" Habang tinatapik ang kanyang likuran. "Tahan na magpahinga kana muna, may mga sugat karin."

"S-salamat. Maraming salamat sa inyong tatlo ni m-maria at flora."

"Wala yun ano kaba, pero natakot ako don hehe."

"U-utang na loob namin a-ang pag s-sagip nyo sa amin."

"N-magkakaibingan tayo florencio, kaya hindi mo kailangan sabihin iyan." Wika sa kanya ni maria.

pinunasan na nya ang kanyan luha at parang natawa narin sa sitwasyon namin.

"Paumanhin kung naiyak ako sa inyong harapan mga magagandang binibini, ngunit hindi ko talaga akalain na kayong tatlo ang naglistas sa amin. Kayo rin ba ang gumawa ng sunog?"

"Kami rin! Hindi parin kami makapaniwala sa nangyayare!!" Malakas na sabi ni kambal, kaya kapaharap kami sa kanila. Ang mga pag-aaalang muka kanina ngayon ay napalitan na, na parang galit o ewan. Kaya napayuko nalang ako, maging sina maria.

"Baka gusto nyo munang magpalit ng damit." Si kuya joselito naman na parang may galit din.

"At tangalin narin ang mga hilaw nyong bigote!!" Madiing sabi ni juan.

"Tangalin mo na rin yang nasakpit na pana sa iyo luna!!" Pasigaw na sabi ni Manuelito. Ni hindi ko napansin na nasakin pa pala to, Nakalimutan ko palang ibigay don sa lalaki.

"Baka gusto nyo ng kimilos tatlo!! Hihintayin namin kayo sa sala!!" Sigaw ni kambal kaya mabilis kaming gumalaw at kumuha ng damit at tumakbo na nga papuntan cr.





LUNAWhere stories live. Discover now