"matagal napo akong kasali sa pangkat ni señor, ngunit noon ay ang pakay ng pangkat ay magbigay ng tulong sa karamihan, sa pagkain, materyal o ano pa, ngunit biglang nagbago ang lahat noong dumating ang mga taga timog rito sa bayan, na impluwensyahan si señior na gumawa ng hindi magagandang bagay."
Paliwanag nito samin. Nag malaman nila kuya na miembro sya ay imbis na paalising agad, eto pinapasok pa. Sinabi din nito kung paano ako natunton, nakilala daw nya si kambal at minsan narining nga nya na kapatid ko sya at pinagtanong nga ang bahay namin. At nakilala na daw nya ako dahil daw sa galaw ko sa pag pana, at dahil nakita na nya ko minsan noong pista kung saan kasali din sya sa paligsahan.
"Kaya sumali ba si Roberto sayo dahil akala nya ay mapapabuti sya sa inyo?" Si flora na ang nagtanong na katabi ko ngayon.
"Maharil ganoon na nga binibini, ngunit noong nakilala nya si pacio ay pilit itong umalis sa pangkat, at binangit nya nga roon na magsusumplong sya sa pamahalaan at kaibingan nya pa raw ang gobernadorcillio. Ilang lingo sya nagtago ngunit natagpuan din sya."
"Sabi mo matagal kanang kasali ron, edi loyal ka sa kanila?"
"L-loyal?"
Ano bang tagalog non?"Tapat ka raw ba sa inyong grupo?"
Si kuya cloud na ang nagtranslate."Ang bobo mong magtanong beb! Siempre hindi! Tinulungan nya kayong tumakas dba! Kung loyal yan edi nagsumbong sya!"
"Mas bobo ka! Malay natin na kinukuha lang ang tiwala natin dba!!"
"Edi pinaka bobo ka! May hinala kana palang kasali sya don e nakikipag -usap kapa sa kanya."
Sasagot pa sana ako, pero nakisali si kambal samin. "Wag mo nang asarin, pikon yan! Medyo may paka tanga din haha." Tsaka sila nagtawanan. Sanay ako sa asar nya pero parang iba ngayon, sumusobra na sya. Sa isip yata nya ay hindi masakit ang lumalabas sa bibig nya.
Kaya imbis na sumago ako ay hinayaan ko nalang. Humingi nalang ako ng malalim at nagpatuloy sa pakikining kila kuya sa lalaking kaharap namin, at dahil nga kanina pa ako badtrip ay wala na akong na gegets sa usapan nila.
Mas nanaisin kong pumunta nalang sa labas at sa duyan magpahinga.Sa ilang minuto ko dito ay narining ko na nga na parang tapos na sila.
"Ang usapan natin ginoo, kapag nalaman kong hindi ka sumunod alam mo na ang mangyayare." Rining kong sabi ni Manuelito sa kanya.
"Oho, maraming salamat po gobernador, ako ay lalakad na." Sabi naman ng lalaki sa kanya.
"Uuwi narin ako. Maraming salamat sa pagpapatuloy sakin dito." Rining kong nagpaalam si flora kaya napa tayo ako.
"Uuwi kana? Ihahatid kita." Sabi ko sa kanya.
"Wag na Luna, papasyalan kita bukas."
"Ako na ang maghahatid sayo." Sabi ni kuya cloud sa kanya, parang naman syang nagulat at hindi agad nakasagot.
"Kami na ang maghahatid, l-lo.. flora hehe."
Mo
"Kahit wag ma ho. Maglalakad lang naman po ako.""Edi maglalakad tayong tatlo." Wika ni kram at nag-umpisa na nga syang maglakad palabas. Ganon din si kuya kaya wala ng choice si flora kaya lumakad na din, pero bago sa tumalikod ay nagpaalam muna sya sakin.
"Ang sarap ng buhay ng iba dyan! Kami ang nanonomblema sa pinasok nyang gulo, samantalang sya nakahiga lang." Pagpaparining ni kambal. Para syang bata bakit hindi nya ako diretsohin kung anong gusto nyang sabihin. O kung anong ayaw nya.
Tumayo nalang ako at pumasok sa loob ng hindi sya tinitignan.
Nadatnan ko si maria na nasa kusina at mukang naghahanda ng kung ano.
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...