Nakarating na si Adrian sa bahay niya. Agad na binuksan ni Adrian ang kanyang phone para sa mga possibleng messages na nai-record nito.
Oh anak, kumusta kana? Have you received my gift to you? I hope you like it anak ha. I'm sorry I won't be able to come visit you again this year.
Nakikinig lang noon si Adrian habang naghahanda ng kakainin niya para sa gabing yon.
Wag ka sana maging sad anak ha? This is for you. Sige na anak pakabait ka diyan. Mama loves you. Bye
At nag beep na ng malakas at sinabing may is a pang mensahe. Tinitingnan lang ni Adrian ang phone habang kumakain siya ng cereal.
Hi son. How are things there in Manila? How's your Lola? Did you receive the allowance that I sent you? More importantly, how's your studies?
Tapos napahinga nalang siya ng malalim. Sesermonan nanaman siya ng tatay niya. Simula nung kinuha nya astronomy sa RTU. Medyo na disappoint ang tatay niya dahil iniisip nitong sayang lang talino niya.
Well anyway son. If you happen to still continue with your studies. You still have my support. Plus I got something in store for you once you graduate. Ok bye now son. Love you from London.
At nag beep narin muli. Sandaling napatigil si Adrian noon at nahinga nalang siya ng malalim. Nilapag niya ang cereal sa lamesa at tumungo siya ng kwart niya. Hinanda niya ang mga dadalhin niya sa rooftop at agad siyang tumungo sa taas.
Pagkarati niya ay my ngiti sa mukha niya dahil sa ganda ng kalangitan. Hindi gaanong maulap at hindi rin masyadong makakasagabal ang liwanag ng syudad. Dahil narin sa telescope na padala daddy niya. Kahit malayo ang mga magulang niya ay nagpapasalamat parin siya dahil hindi siya pinababayaan ng mga ito.
Handa na ang lahat at ang tanging hinihintay nalang niya ay ang oras. Umupo siya at binuksan ang laptop niya para may magawa naman siya habang naghihintay. Sa pag-surf niya sa internet ay naalala niya ang nakita niya kaninang shooting star.
Naisip niyang muli i-search ang tungkol dito. Habang nag-babrowse siya ng mga articles ay medyo nagulat siya dahil meron pa nalang mas-maraming impormasyon tungkol dito. Skeptic siya. At lalo pang napgtitibay to dahil sa binabasa niya. Titigil na sana siya sa pagbabasa ng mabasa niya ang isang sentence tungkol sa blue meteor.
"If you saw this shooting star once and made a wish; it won't come true. But if you happen to see it again; at the same day and made the exact same wish, then it will come true..."
Sandaling napatigil noon si Adrian. Ilang beses niyang binasa ang sentence na yun. Ilang beses din itong tumakbo st nagpaulit-ulit sa isip nito. Sa pagiisip niya ay unti-unti niyang narinig ang pagiingay ng alarm clock niya. Tila naalimpungatan nalang siya at tumingin sa madilim na kalangitan. Pinapa-ilaw na ito ng mga bituing nagbabagsakan.
Agad siyang lumapit sa teleacope niya para i-adjust. "Wow." sabi niya habang pinagmamasdan niya ang meteor shower. Naayos na niya ang kanyang telescope at agad niyang pinanood ang pag-lalaro ng mga butuin, sa kabila ng mga lense nito.
Malaki ang ngiting nakapinta sa mukha nito habang nagaganap ang meteor shower. Tila kulang pa ang kanyang ngiti para maipakita ang labis na saya niya. Hindi siya makakagalaw sa pagkakaupo niya dahil baka magulo ang kanyang setup. Kaya hanggang ngiti nalang siya sa mga oras na yun.
Lumipas pa ang ilang mga sandali ng biglang mapawi ang ngiti ni Adrian. Napa-urong siya ng kaunti at kinusot ang mga mata niya. Tumingin siyang muli sa telescope niya at doon, nakita niyang muli ang blue meteor. Hindi siya makapaniwala na nakikita niya itong muli.
Sa mga oras na yun ay pumasok sa isip niya ang nabasa niya kanina. Napalunok siya habang pinag-mamasadan ang napaka-gandang bulalakaw. Sa mga oras na yun, ay napag-desisyunan niya na hilingin muli ang hiniling niya, kaninang hapon.
Ang pinaka-imposibleng hiling na naisip niya. Umurong siyang muli at huminga ng malalim. Pinikit niya ang kanyang mga mata at doon, hiniling niyang muli ito.
Lumipas ang maikling sandali ng matapos na ang pag-hiling niya at agad siyang tumingin ulit sa telescope. Nasusundan parin niya ang mahiwagang meteor hanggang sa unti-unti na itong nawala. Tumingin siya sa kalangitan at nakikita nga niya na patapos na ang meteor shower na matagal niyang hinintay.
Tumayo siya habang pinagmamasdan muli ang kalangitan hanggang sa tuluyan na ngang nawala ang mga ito. Napangiti siyang muli. Nakahinga ng maluwag, dahil natapos na ang Meteor shower. Agad siyang nag-impis ng mga gamit niya at isa-isa niyang binaba ang mga ito.
Ng matapos na siya sa pagbaba ng telescope niya ay deretyong naligo na siya para matulog. Pumwesto na siya sa kama niya at nagpalipas ng ilang sandali. Napatingin nalang siya sa poster ng Pleiades Constellation sa ceiling niya dahil hindi niya maalis sa kanyang isip ang nabasa niya. Ganun narin ang blue meteor na nakita niya ng dalawang beses.
Lumipas pa ang ilang minuto at napag-pasyahan niya na matulog na siya. Pinikit na niya ang mga mata niya at doon, hinayaan na niya ang sarili na mahulog sa mahimbing na duyan ng gabi.
Sa kalagitnaan ng pagtulog niya ay nagising ito. Nakakaramdam siya ng kaunting pag-ugong at pag-galaw. Di niya alam kung lindol ba to, oh may ginagawa lang sa subdivision nila. Hinayaan nalang niya ito ng maramdaman niya ng lalo itong lumalakas. Napabangon siya sa pagkakahiga niya. Napatingin siya sa may balcony niya ng mapansin niya na tila may asul naliwanag unti-unting papalapit.
Dahan-dahan siyang lumapit para buksan ang pinto ng bigla itong bumukas ng malakas. Nasira na ang mga ito at tumilapon si Adrian sa sahig niya. Pumasok ang napakalakas na hangin na tila may bagyong pumasok doon. Nabasag rin ang ilang salamin sa kwarto niya, at maging ang salamin sa pintuan niya.
Pilit niyang minumulat ang mga mata niya dahil narin sa napaka-tingkad na asul na kulay na pumapaligo sa kwarto niya. Medyo nawawala na ang tingkad nito, at unti-unti na niyang minulat ang mga mata niya. Hanggang sa nakita na niya kung ano ang pinanggagalingan ng matingkad na ilaw-asul.
Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Sa sahig niya, ay isang babae. Isang babae na nakaupo sa kanyang sahig. Sa mga oras na yun, alam niya. Na ito ang hiling na akala niya, ay ipagdadamot ng langit sa kanya.
Napanganga lang siya at tila naging isang bato sa pagkakaupo niya habang pinagmamasdan ang babae na nakaupo. Minulat ng misteryosong babae ang mga mata niyang kasing kulay ng matingkad na asul.
Doon, nagkatinginan silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Teen FictionImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...