Chapter IV; Part I: Back to normal?

845 27 1
                                    

Unti-unting mumulat ang mga mata ni Adrian sa pagkakahiga niya. Tumatama sa kanyang mukha ang sinag ng araw. Naririnig niya ang mahinang huni ng mga ibon sa labas. Umunat siya sa pagkakahiga niya at maya-maya pa ay bumukas ang pinto.

Napatingin siya at doon nakita niya, si Maia. Ang napakagandang mukha ni Maia, na may kasamang ngiti. Ah ang ngiti na talagang nababagay sa umagang iyon.

"Good morning, Adrian," sambit nito, may dala-dala siyang pagkain na kinagulat naman ni Adrian.

Umayos nalang siya sa pagkakahiga niya habaang si Maia naman ay ipinatong sa kama ang pagkain na nasa tray pa, "Breakfast in bed," sambit nito habang nakatingin kay Adrian.

Napangiti naman si Adrian at sumubo ng niluto sa kanya ni Maia, "Ang sarap," sambit nito habang ngumunguya, "dapat nag-sabay na tayo sa baba, Maia. Naabala kapa tuloy."

Pinag-masdan lang naman siya ni Maia habang kumakain, "Ano kaba. Ayos lang. Girlfriend mo ako diba?" sambit nito.

Oo. Girlfriend niya nga si Maia. At ngayon, totoo na. Napangiti nalang si Adrian at tinuloy ang pagkain. Habang kumakain ay naalala niya na bati na sila simula pa kagabi.

"Wala akong pasok ngayon," sabi ni Adrian, "gusto mo ma-masyal tayo?"

Napaisip ng sandali si Maia at umiling ng hindi, "dito nalang tayo Adrian." sabi ni Maia.

"Oh bakit naman? Ayaw mo ba lumabas or may gawin?" sabi naman ni Adrian.

"Hindi naman sa ganun. Kasi, Adrian-" tapos tila parang nahihiya pa siyang ituloy ang sasabihin niya na ikina-taka naman ni Adrian.

"Ano ba yun, ituloy mo na, Maia," sambit nito habang kumakain at uminom ng juice.

"Kasi, ngayon nalang tayo naiwan ulit ng tayong dalawa lang," sabi niya na ikinagulat naman ni Adrian.

Oo nga pala. Matagal-tagal din naging sila lang ang tao sa bahay. Nagmadali si Adrian sa pagkain at agad na uminos ng juice.

"Tapos na," sabi niya at agad na tumayo na ikinataka naman ni Maia.

"Ayos ka lang ba? Masarap ba yung pagkain?" tanong ni Maia.

"Oo masarap. Salamat nga pala sa pagkain ah," sambit ni Adrian. Napangiti naman sa kanya si Maia.

"Natuwa mnaman ako at nagustuhan mo pagkain na niluto ko!" habang may magandang ngiti. Namula naman ang pisngi ni Adrian at agad na umiwas ng tingin. Naisipan nalang niya na kumukuha ng damit para makaligo agad. Di niya rin alam kung bakit siya napatayo, pero tutal nakatayo narin naman siya, eh maliligo nalang siya.

"Hintayin mo nalang ako sa baba ha?" dagdag ni Adrian.

"Oh sige," sagot nalang ni Maia habang dala-dala ang pinagkainan ni Adrian. Narinig niya na bumukas na ang pinto ng banyo ng bigla siyang may naalala, "nga pala Adrian. May nag-sasalita kanina sa telepono mo. Di ko alam kung ano yun. Tingnan mo nalang ah, sa tono palang nung tao, mukhang importante eh," sabi niya. Pero mukhang hindi na narinig ni Adrian yung sinabi niya.

Nag-hintay siya ng ilang minuto, "Hmm, mamaya nalang." tapos tumuloy na siya sa pag-baba at sinimulan na maglinis sa kusina.

~~~~~~~~~~

Sa loob ng banyo habang nagsa-shower si Adrian ay tila tulala siyang nakatingin sa pinto. Tila iniisip niya kung papano siya makakabawe kay Maia. Gusto niyang ipakita sa kanya ang beach man lang. Or kahit papano makapag-saya naman sila ng hindi lang dito sa bahay.

Naisip rin niya na dalhin si Maia sa community pool sa subdivion nila para ma-ihanda narin siya sakaling tumuloy nga sila ng beach.

Napangiti nalang si Adrian sa naisip niya. Oo, mukhang magandang ideya nga yun. Tinuloy na niya ang paliligo para sabihan si Maia ng plano niya. Napakanta nalang siya sa paliligo dahil sigurado siyang matutuwa si Maia pag nalaman niya to.

Maya-maya pa ay natapos na siya sa paliligo at agad na nagbihis, dala-dala parin ang ngiti sa mukha niya. Pag-baba niya ay tapos narin si Maia sa pagliligpit at tanging nanonood nalang ng TV. Napansin niya agad na natapos na si Adrian at agad na tumayo.

"Hmm, ang bango namaan ng Adrian ko," biglang sambit ni Maia.

"Ha?" ang naging reaksyon nalang ni Adrian.

"Adrian ko, ayaw mo ba?" tanong ni Maia.

"Ha? Ah, hindi ah! Gusto ko nga eh. Bakit mo naman ako tinawag na ganun?" tanong ni Adrian.

Umakyat na si Maia at sinabi, "Kasi diba ako ang Maia mo? So ikaw ang Adrian ko. Hehehe."

"Teka san ka pupunta?" tanong ni Adrian.

"Maliligo. Gusto ko mabango din ako habang kalapit kita. Hehehe, wait mo ako ah." sambit ni Maia.

Napangiti nalang si Adrian doon at nagpahinga. Kinuha saglit ang kanyang laptop at umupo sa sofa at inasikaso na ang asikasuhin niya sa laptop niya.

Habang nagta-type siya sa laptop niya ay napansin niya ang munting ilaw sa telepono niya. Tiningnan niya ng malapitan iyon at doon nakita niya na may isang voice mail. Napaisip agad siya kung sino ang pwedeng mag-iwan noon. Maya-maya pa ay plinay na niya ang recording.

"Anak, this is dad," laking gulat nalang ni Adrian ng marinig niya ang boses ng tatay niya.

"I called but I think you we're still sleeping. Anyway anak, I'll be coming home today. I'm already here at the Dubai Airport. Should be landing in within today there in Manila. Sorry din kung biglaan kasi biglaan din naman itong pagkakaroon ko ng bakasyon. Anyway son, I'll not make this long. See you nalang tomorrow okay? Love you son, bye."

Napanganga nalang si Adrian. Di niya alam ang gagawin niya. Papauwi pala ang papa niya. Natataranta na siya kung papano niya papaliwanag kung bakit doon nakatira si Maia.

Habang natataranta sa kakaisip itong si Adrian ay bumaba na si Maia ng naka-tuwalya lang. Di narin siya napansin ni Adrian dahil nakarinig din siya ng katok mula sa pinto. Tumayo nalang agad si Adrian para pagbuksan to at laking gulat niya na isang babae ang nasa pinto.

Nakatitig lang ito sa kanya at tila nagulat sa isa't-isa.

"Ikaw ba si Adrian?" tanong ng babae.

"Ahh, oo. Sino ho sila?" tanong naman ni Adrian.

"Electra!" sigaw nalang ni Maia. Nagulat naman ang dalawa sa kanya.

"Bakit ka nakatuwalya lang!" pagkagulat ni Adrian.

"Maia?" sambit ni Elektra na may ngisi sa mukha niya. Napatingin naman ulit sa kanya si Adrian at nakita niya ang kakaibang ngiti nito.

"Ako lang naman ang kapatid ni Maia, Adrian. Electra ang pangalan ko. Di ko alam na ganito na pala kayo kalayo sa relasyon niyo. Ang bilis ah," sambit ni Elektra.

Naguguluhan na si Adrian. Tila hindi na niya alam ang gagawin niya. Papauwi pa ang papa niya. Dumagdag pa ang kapatid nanaman ni Maia.

Halos kakaalis lang nung tatlo niyang problema, at agad naman itong napalitan ng isa pa.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon