Di na maalis ni Adrian sa isip niya si Maia. di niya maalis sa isip niya na wala ang ngiti na laging nitong pinapakita sa kanya. Di siya makapag-focus sa klase niya. Habang lumilipas ang mga oras sa umaga ay tila tulala nalang itong nakatingin sa kawalan.
Napapaisip rin siya kung ano nga ba talaga ang balak niya sa relasyon nila, na sa una palang ay hindi naman niya inasahan. At di rin niya maisip kung bakit nga ba ginawa niyang maging sobraang malapit kay Anastacia-- ay hindi, si Asterope pala. Dahil nga ba gusto niya ng tao na girlfriend?
Ganun nga ba siya kababaw? Di niya maisip kung resonable ba yung ginawang iyon. Di narin niya kung ano pa ang dapat niyang isipin at kung nasa tama nga ba siya oh hinde.
Maya-maya habang naglalakad siya sa labas papunta sa Planetarium ay bigla nalang siyang nakarinig ng nag-aaway sa kalsada. Napatingin siya dito at nakita niya ang pagtatalo ng dalawang mag-syota. Halata naman kasi, sa paghabol ng lalaki sa babae at sa pagsampal naman nito sa kanya, masasabi mo na mag-syota nga sila. Well, mukhang hindi na ngayon.
"Babe naman! Hindi nga yun date, namamasyal lang kami. Wala yung halo na iba." paliwanag ng lalaki habang sinampal muli ito ng babae.
"Namamasyal! Ako pa talaga ang gagaguhin mo! Namamasyal tila akala mo kayo na kung makakapit siya sa braso mo!" sigaw ng babae at naalala rin ni Adrian kung papano siya hawakan noon ni Asterope. Sa mga simpleng haplos ng kamay niya tuwing tatawa siya. Sa pagkapit sa kanyang braso tuwing lalakad sila. At sa mahigpit na paghawak nito sa kamay niya kahapon.
"Sige ipaliwanag mo sa akin yon! Siguraduhin mong tama yan kung hinde talagang tapos na tayo!" dagdag ng babae.
Pinagkakaguluhan na sila ng mga tao, at isa na siya roon para makinig narin.
"Babe naman! Friendly lang talaga at touchy yung si Mika! Ano ba naman Babe." paliwanag ulit ng lalake, pero isang palad lang muli ng kamay ang sumalubong sa mukha nito.
"Putang inang babae wow ah! Sobrang friendly niya, kulang nalang nga maglaplapan kayo sa sobrang lapit ng mukha niyo para mag-usap lang!"
"Bulong lang yon!" katwiran ng lalake pero bag na ng babae ang nagpakilala sa mukha nito.
"Fuck you yang bulong mo!" sagot ng babae habang mabilis na naglalakad papalayo. Napaisip nanaman si Adrian. Halos ganun din ang mga kilos nitong si Asterope nitong mga araw na magkasama sila.
"Shit." nasabi nalang ng mahina nitong si Adrian. Mali nga siya.
Siya nga ang nasa mali. Tao man oh Star si Maia, girlfriend niya to. Girlfriend.
Napahinga nalang siya ng malalim ng naisip niya yon. Ang tanga niya. Ang tanga-tanga talaga niya. Di niya alam na may linya siya na hinding-hindi niya dapat nilampasan. Linya na dapat ay kitang-kita niya sa harap niya.
Napatigil nanaman siya sa paglalakad ng ma-realize niya, hindi sa hindi niya alam na may linya. Meron. Di nga lang inya pinansin. Parang ipinag-sawalang bahala niya na wala lang ang linya na nasa harap niya.
Dumating siya sa Planetarium na tahimik lang at tila wala sa sarili. At napapansin naman ito ng mga kasamahan niya doon. Ginagawa niya naman ang mga bawat i-utos sa kanya at ang mga bagay na kailangan niyang gawin. Pero mistula siyang isang empty shell na marunong lang gumagalaw. Parang robot na naka-program na ang gagawin. Tao na naka-auto pilot.
~~~~~~~~~~
"Ate, please. Sumama ka nalang samin. Umuwi na tayo." pakiusap ni Asterope kay Maia habang nasa kama niya ito at yakap-yakap ang unan. "Wag mo ng hintayin na sina Ate Alcyone pa ang sumundo sayo." dagdag niya.
"Dagdag mo narin si Ate Electra at Calaeno. Pati narin si " sabi nitong si Merope.
"Ay nako ate, wag mo ng hintayin na si Ate Calaeno pa ang sumundo sayo! Baka kung ano pa gawin noon!" dagdag ni Taygeta at tila kinilabutan silang dalawa ni Merope at napa yakap nalang sa isa't-isa dahil sa kilabot na naramdaman nila nung naisip nila bigla ang ate Electra nila.
"Grabe wag niyo naman akong takutin ng ganyan." sambit bigla ni Maia.
"Ano kaba ate, eh mas matanda ka nga kay Ate Calaeno eh, bat ba natatakot ka sa kanya?" katwiran naman nitong si Asterope. Pero hindi nalang siya pinansin nito at nakiyakap narin sa dalawang magkapatid na magka-yakap rin.
Napahawak nalang sa mukha niya itong si Asterope sa naging reaksyon ng ate niya. "At naturingan kapang ate namin tatlo." bulong niyang mahina. Napahinga nalang siya ng maluwag at umayos ng muli.
"Ate, seryoso na kasi. Sumama ka nalang samin pabalik satin. Di rin naman magtatagal malilimutan ka rin ni Adrian eh. Mukha nga na malakas narin loob niya kasi nga kinausap niya ako oh. Di ko nga alam na kakausapin niya ako at tatagal kami ng ganoon eh." paliwanag ni Asterope.
"Bakit kasi ginawa mo yun." sambit nalang ni Maia.
Napakamot nalang sa inis itong si Asterope, "Eto nanaman tayo ate eh. Para nga ipakita sayo na madali mag-sawa ang mga tao! Mapapalitan ka rin nung si Adrian! Makakalimutan ka rin niya." sambit niya at nalumbay nalang muli si Maia.
Bumalik nalang ito sa pagkakahiga niya at tumalikod sa mga kapatid niya. Napaisip si Maia noon at nagpaulit-ulit sa utak niya ang sinabi ng kapatid niya.
Makakalimutan ba talaga siya ni Adrian? Naluluha-luha siya habang naiisip ang mga bagay na pwedeng mangyari kung sakali nga na ganun ang mangyari. Napaisip rin siya ng mga sandaling iyon.
Bakit gustong-gusto niya na tuparin ang wish na iyon ni Adrian? Bakit gugustuhin niya na mag-stay sa lupa kung pwede naman siyang doon na lamang sa kalangitan. May nakita siya kay Adriaan, di niya rin maipaliwanag sa sarili niya ngayon kung ano yung nakita niyang iyon. Pero na-aalala niya pa na iyon ang mismong dahilan kung bakit niya pinagbigyan yung hiling ni Adrian na yun.
Tahimik nalang ang magkakapatid noon ng biglang bumangon si Maia, tumahan narin siya sandaling iniyak niya. Nabubuo na ang desisyon sa isip niya, ang tanong nalang ay kung i-tutuloy ba niya ito.
Uuwi na ba siya?
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Teen FictionImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...