Ch. III; Prt. X: Pillar of Light

789 25 0
                                    

Mabilis ang pagtibok ng puso ni Adrian habang nakasakay siya sa taxi. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Maya't-maya ang tingin niya sa lagay ng traffic sa harapan, at babalik sa kakaibang liwanag na tila nagiging isang "Pillar."

"Manong pwede po bang bilisan natin?" bigla nitong nasabi sa driver na napatingin naman sa kanya at tumuro sa kalye sa harapan niya.

"Gustuhin ko man. Kung ganito naman bigla ang bigat ng traffic, eh wala akong magagawa." sagot nalang ng taxi driver.

Di alam ni Adrian kung bakit nagkakaganoon siya. Ang alam lang niya, ay ang nararamdaman niya. At ang nararamdaman niya ay hindi niya rin maipaliwanag.

Naiinis siya sa sobrang gulo ng nararamdaman niya. Pero isa lang ang sigurado siya tungkol rito, at yun ay ang hindi maganda ang paglabas ng pillar sa kalangitan sa kalagitnaan ng gabi. 

Tumingin siyang muli sa labas, tila naghahanap ng paraan para mapadali ang pag-usad ng taxi na sinasakyan niya na tila pagong na pinili pang maglaro sa gitna ng napakalawak na daan. Tiningnan niya ang mga eskinita sa paligid. Naghahanap ng pwede nilang labasan para mapabilis pa ang kanyang pag-uwi. 

~~~~~~~~~~

Sa taas ng roof topng bahay ni Adrian ay nakatayo at tila naka-focus lang si Merope habang nakataas ang mga kamay nito. Lumipas pa ang ilang minuto ay mumulat na ang mga mata niya.

"Ayan tapos na." sambit nito.

"Ayos na ba yan?" biglang sambit ni Asterope na kaka-akyat lang ng rooftop. Humarap sa kanya ang kakambal niya.

"Oo. Ready na to." sagot niya at nakita niya ang ate Maia niya na inaalalayan ni Taygeta. "Si Ate Maia ba ayos lang?" bigla nitong natanong.

Tumingin si Asterope kay Maia habang papa-akyat ito. "Oo ayos lang si Ate. Handa mo na yung mga pwesto namin." tila pag-uutos nito sa kapatid niya. Napatingin muli siya kay Maia. Alam niyang hindi siya ok. Alam niyang hindi ok ang Ate niya. Pero alam niya at  naniniwala siya, na ito ang nararapat. Na ito ang tama. Pinaniniwalaan rin niya, na ginagawa niya ito, para rin sa Ate niya. 

Nagkatinginan silang saglit ni Taygeta. Ang bunsong kapatid nila, at doon nakita niya sa mga mata nito ang tila pagka-dismaya sa ate niya. Napa-singhap siya, dahil kahit kailanman hindi niya nakita ang mga matang ganoon katulad ng pinapakita ng bunsong kapatid niya.

Umupo muna sina Taygeta at Maia sa isang tabi habaang hinahanda ni Merope ang mga pwesto nila sa paguwi nila. 

"Ate. Pwede ka naman magpa-iwan eh. Sabihin mo lang." sambit ni Taygeta. Pero umiling lang si Maia ng hindi habang tila pinpigilan ang sariling umiyak. 

Napahinga nalang ng malalim si Taygeta at napatingin sa ate niyang si Merope. Nakasulyap lang si Merope ng magkaroon silang dalawa ng eye contact. Ilang segundo rin silang magkatinginan bago muling nag-focus si Merope sa Ginagawa niya.

~~~~~~~~~~

Lumipas na ang ilang minuto at malapit na si Adrian sa gate ng subdivision nila. Well, hindi ganoon kalapit, pero malapit na. Napapansin din ni Adrian na ang kaninang pillar ng liwanag na tila inaabot ang isa't-isa ay magkadugtong na. At nakikita rin niya ang unti-unting paglakas ng liwanag nito at tila pagtibok nito. 

Tumingin siya sa paligid at nakakita siya ng daan na pwede nilang daanan. 

"Ser! Dito ka dumaan! Dali!" sigaw ni Adrian sa driver.

"Ha? Loko-loko ka ba?! Nakita mong ginagawang center island yan. Malapit na tayo. Chill ka lang." katwiran ng driver.

Nainis si Adrian, pero di rin nagtagal yon dahil nakaisip siyang paraan, "Ser bigyan kitang isang libo dumaan ka lang diyan para makatuloy na tayo sa bababaan ko." sambit niya na kinagulat naman ng driver. 

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon