Ch. II, Prt. IX: Boggling Cafeteria

1K 32 3
                                    

Nasa classroom noon si Adrian. Nagsimula narin ang klase nila kanina pa, pero sa itsura palang niya, tila nasa ibang lugar ang isip niya. Di parin niya kasi malimutan ang sinabi ni Taygeta sa kanya. Naisip tuloy niya kung ano nga ba talaga ang planong niyang gawin sa "accidental wish" na niya. Napabuntong hininga nalang siya noon habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Mr. Andrada. Can you kindly enlighten us on what made you sigh in the middle of my class?" pagtawag sa kanya ng professor niya na kinagulat naman niya.

"Ah, sorry sir. It's nothing." sagot ni Adrian.

"Nothing is not the answer I'm looking for from you, Mr. Andrada. Focus and listen." sabi nito at nagpatuloy na siya sa pagdidiscuss niya habang medyo nagtawanan ng mahina ang buong klase niya.

Nagkunwari nalang siyang nakikinig, para hindi narin mapagalitan. Mala "Snape" kasi itong professor nila sa Literature eh. Bakit rin sila may literature? Biglang pasok sa isip niya ng may bolang papel na tumama sa ulo niya. Tiningnan niya kung saan galing to. Nakita niya ang isa niyang classmate na sumesenyas na buksan to. Tiningnan naman niya ito at binasa ang nasa loob ng biglang tinamaan na siya ng takip ng marker.

"Mr. Andrada! Ano ba!" sigaw na ng prof niya dahil nakita nanaman niya itong nagbabasa ng papel at nagtawanan nanaman ang klase. Napa-sorry nalang ulit itong si Adrian at doon nagsermon na ang professor nila. Sinubukan na niyang mag-focus pero isa parin ang napasok sa isip niya, si Maia.

Di katagalan ay natapos ang klase ay lumalabas na agad ang ilan sa classmates niya. Paalis narin sana siya ng tinawag siya ng professor niya naroon parin. Lumapit agad itong si Adrian.

"Mr. Andrada. This following days you have been distracted. May gumugulo ba sa isip pmo hijo?" tanong nito.

"Wala naman po sir. Iniisip ko lang po yung sa internship ko." sabi niya.

"Sigurado kabang yang internship mo yan? Hindi ba yan dahil sa paghihiwalay ng magulang mo?" biglang nasabi nito. shinake nalang niya ang ulo niya ng hinde sa professor niya habang nakangiti.

Napabuntong hininga nalang ang professor niya, "We all know what happened to your parents hijo. Ang ganda ng grades mo. Top Student ka sa buong RTU. Considering na hindi rin basta-basta ang kurso mo. I'm concerned about your academic performance if we suddenly see that the annulment of your parents is affecting now."

"Wag po kayo mag-alala sir. Hindi po yun ang gumugulo sa isip ko. Promise po. Pagbubutihin ko nalang po. Sorry po talaga." sagot nalang ni Adrian ng may ngiti.

"Anyway baka naman dahil nagka-girlfriend kana?" bullseye si Adrian at kitang-kita ito sa mukha niya. "Nako Adrian, pinagbigyan ka na ng school sa hiniling mong internship, dagdag mo pa na may studies kang sinasabay. Ngayon nag-girlfriend ka naman? Kaya mo pa ba yan?" sabi ng professor niya.

"Ah, eh, ano, hindi po yun--"

"Ah, eh, ih, oh, uh? Hijo hindi ko tanga. Lalaki rin ako, nanggaling ako sa edad mong yan. Hala sya, siguraduhin mo lang na hindi maapektuhan ang studies at internship mo at ayos ang buong faculty niyan." sambit nito habang nag-liligpit na ng gamit niya para umalis.

"Pero hijo, kung totoo nga yan. I'm happy for you. Sigurdahin mo lang na masaya ka diyan sa relasyon mo. Not all students like take everything for granted. Make sure na masaya kayong pareho sa relationship niyo. Ok? sige na hijo, I'm leaving now." at lumabas na ito.

Napaisip bigla si Adrian habang naglalakad siya. Masaya ba si Maia? Mukha naman siyang masaya sa tingin ni Adrian, pero Masaya nga ba talaga siya? Iniisip niya ito habang naglalakad siya papuntang cafeteria. Tapos pumasok pa ulit yung sinabi ni Taygeta sa kanya kagabe. Sa mga oras na yun ay nakaupo lang siya habang umiinom ng juice at pinpilit nalang ang sariling basahin ang libro niya.

Pero iba ang pumapasok sa isip niya. Tama rin ba kaya si Taygeta sa sinabi niya? Malungkot nga ba ako kaya ko hiniling sa blue comet na yun? Tila naging isang collage ang imahe ni Maia ng nakangiti at masaya ang tumakbo sa isip niya. Napangiti nalang siya ng hindi niya namamalayan. Naisip rin niya na masaya siya nitong mga huling linggo na magkasama sila ni Maia.

Naalala niya yung mga panahon na mag-isa lang siya. Masaya siya tuwing dadalaw ang lola niya, pero pagkatapos noon pumasok sa isip niya, na madilim pala ang bahay niya pag siya lang magisa. Hindi ganoon ka buhay. Until nga nung dumating si Maia. Hindi rin siya ganoon ka-pala ngiti pero nahuhuli na niya ang sarili niyang ngumingiti tuwing naiisip at kasama siya ni Maia.

Napahinga nalang siya ng malalim. Alam niya kasi ang nangyayari, pero conflicted siya. Hindi dahil sa ayaw niya kay Maia, pero hindi kasi siya tao. Star siya, star. Tuloy parin siya sa pag-iisip kung ano nga ba talaga si Maia sa kanya at sa sarili niya. Habang iniisip niya si Maia, unti-unting bumilis ang tibok ng puso niya at hindi nagtagal, tinago niya ang mukha niya sa libro.

Napahawak nalang siya sa dibdib niya, "Nako. Ito na nga ata to." nasabi niya sarili niya. Umupo na siya ng maayos at uminom muli ng juice niya at pinalo ng mahina ang kanyang sariling pisnge. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim "Mamaya. Aalamin ko sa kanya kung masaya siya. At depende sa sagot niya, malalaman ko na ang gagawin ko at kung ano ba talaga kami." sabi nito sa sarili na may malaking ngiti. Huminga muli siya ng malalim at doon sinimulan na niyang mag-impis. Nagmamadali kasi mag-sisimula na ang klase niya.

Pagkatayo niya, hindi nalang niya namalayan na may sumalubong pala sa kanya at nagkabanggaan sila. Pareho silang natumba. Nakita ni Adrian na nasaktan ang babae. Tumayo agad siya para tulungan itong tumayo.

"Sorry ate hindi kita nakita--" di na nakapagsalita si Adrian. Habang ang babae tila hindi rin agad naka-react kay Adrian.

"So-sorry kung nabunggo kita. Nasaktan ba kita?" sabi ni Adrian.

"Hin-hinde. Ayos lang ako, sorry kung di ako nakatingin sa dinaraanan ko." sambit ng babae.

"Hinde kasalanan ko yun." pagpipilit ni Adrian. Natawa naman ng mahina ang babae. "Uhm, bakit?"

"Wala, nakakatuwa ka kasi. Anong pangalan mo?" tanong ng babae.

"Adrian. Ikaw?" sagot nito.

"Anastacia." sambit nito. "So pwede mo nabang bitawan ang kamay ko?" dagdag nito. Napansin na ito ni Adrian at napabitaw nalang ito. Nagtawa naman si Anastacia, habang si Adrian. Nakatingin parin sa kanya.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon