"Te-teka, paki-ulit nga yung sinabi mo?" sabi ng naguguluhan na si Adrian.
"Sabi ko, ditto ako maninirahan sa inyo. Para bantayan ang ate ko." sagot naman ni Taygeta.
"Ha? Di mo na kailangang bantayan ang Ate mo, Taygeta. Ok naman ako ditto." sagot nitong si Maia.
"Ay basta. Dito ako ate. Wala akong tiwala diyan sa taong-lupa na yan." sabay sama ng tingin niya kay Adrian na siya namang kinasindak nito.
Natawa nalang si Maia at tumayo, lumapit kay Taygeta at niyakap ito, "Ka-touch naman itong kapatid ko! Nakakatuwa." tapos tiningnan niya si Taygeta sa mata, "Taygeta, ayos na ako dito. Madami namang tinuturo sakin si Adrian dito na magaganda at tiyak na makakatulong sakin." dagdag.
Kumunot ang noo ni Taygeta, "At katulad naman ng ano?"
Sandaling napaisip itong si Maia, "Katulad ng paano alagaan ang tirahan mo. Paano gumawa ng iba't-ibang pagkain. Ano pa ba?" nagisip pa ng kaunti si Maia. "Tsaka tinuturan din ako ni Adrian ng mga bagay na makakapagpa-saya sa kanya." medyo nanlaki ang mata ni Taygeta doon.
"Makakapgpasaya?" inulit nito, "Tulad ng ano?"
"Uhmm, basta. Samin nalang yun. Yung talagang nakapag-papasaya sa isang lalake ng lubusan!" sagot nito ng may malaking ngiti sa mukha niya.
Nagkatitigan lang naman ang dalawa. Sa feeling ni Maia ay na-gegets na ng kapatid niya ang gusto niyang iparating.
"E-e-eto ba yung tanging ang dalawang magkasintahan lang ang maaaring gumawa sa isa't-isa?" tanong ni Taygeta.
"Hmmm. Oo. Tama, yung tanging ako lang ang makakapag-bigay nito sa kanya. Ok naba?" sagot muli ni Maia na may malaking ngiti.
Tila hindi makapaniwala si Taygeta. Tumingin siya kay Adrian na may ngiti rin sa kanyang mukha. Tumungo siya ng Oo ng ilang ulit. Napanganga nalang si Taygeta at tumingin ulit sa ate niya na ginawa rin ang ginawa ni Adrian.
Maya-maya ay tila nanginig na itong si Taygeta dahil ilang ulit niyang ginawa yun, habang unti-unti na siyang namumula.
Nagtaka nanaman nito si Maia, "Taygeta ayos ka lang ba? Bat namumula ka? Pinagpapawisan ka rin oh." tapos chineck niya kung tila nagkaka-lagnat ang kapatid niya.
"Yaaaahhh! Walang hiya ka! Anong ginagawa at pinapagawa mo sa ate ko!" sigaw ni Taygeta at sinugod ang nagtataka, at nalayong si Adrian, na tila hindi alam ang dahilan kung bakit nag-react si Taygeta ng ganoon.
"Ang kapal ng mukha mo na hilinging maging kasintahan mo ang kapatid ko, tapos yoon lang pala ang habol mo! Wala kang kwentang lalake!" dagdag pa nito.
"Ha?" sabing malakas ng tila naguguluhan paring si Adrian, "Te-teka Taygeta ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." paliwanag nito habang lumalayo parin siya kay Taygeta.
"Taygeta, wag mo na siyang habulin. Ano ba kasi yung gusto mong sabihin?"
"Ate! Kung ano man yung ginagawa at pinagagawa sayo ng lalaking to, mali yon! Hindi niyo pa dapat ginagawa yon! Para lang sa mag-asawa na nagmamahalan ang bagay na yon!" sigaw ulit ni Taygeta.
Nakatingin lang ang dalawa ni Maia at Adrian kay Taygeta. Lumipas ang ilang minuto at tila di parin ma-gets ni Maia ang sinasabi ni Taygeta.
"Aahhh! Hinde!" biglang sigaw ni Adrian na medyo namumula-mula pa, "Hindi namin ginawa oh ginagawa yon!"
"At papapano ko masisigurado na hindi nga yan ang itinuro mo sa kapatid ko! Walang hiya ka!" sigaw naman pabalik ng namumula ring si Taygeta.
"Teka bat kayo nagsisigawan? Ano ba kasi yon?" sabi ng wala parin talagang alam na si Maia.
"Hinding-hindi ko magagawa sa kapatid mo yon! Hindi ako ganoong klase ng lalake!" pagtatanggol naman ni Adrian sa sarili niya.
"Papano nga ako makakasiguro! Siguro sa iisang kwarto lang kayo natutulog no?" sambit naman ni Taygeta.
"Oo nga sa isa lang. Ayoko kasi matulog doon sa kwarto na binigay niya sakin." biglang singit naman ni Maia.
"Ha! Sinasabi ko na nga ba! Walang hiya ka talaga!" sigaw naman ni Taygeta.
"Hindi kami magkatabi natutulog, sa sahig ako my nilalatag ako para sakin! Pero tumatabi talaga siya saken! Wala akong ginagawang masama, pangako!"
"Kung matinong lalake ka talaga, hindi ka papayag na maulit yoon ng ilang beses pa!" sabi naman ni Taygeta.
Hinawakan naman ni Maia ang kapatid niya, "Ano ba kasi yon?" tanong nito.
Lumapit si Taygeta para bumulong kay Maia. Napalunok nalang si Adrian habang hinihintay niyang matapos ang dalawa. Binubulong na ni Taygeta ang ibig niyang sabihin at doon nga. Namumula narin si Maia at napatungo. Tila nahiya.
As in namula siya ng sobra. Ng matapos itong bumulong ay hindi niya matingnan si Adrian.
"A-a-adrian, kung ganun naman ang ginagawa ng magkasintahan," tumingin siya bigla kay Adrian ng diretyo, "Handa ako. Para maging girlfriend mo talaga ako."
"Ha! Hindi ano kaba! Wala akong gustong gawin na ganoon sayo, peksman Maia!"
"Weh? Di pumasok sa isip mo yon? Lalake ka, kaya hindi malabo!" sagot naman ni Taygeta.
"Maia, ano kaba. Hindi kita pipilitin na gawin ang isang bagay na hindi mo magugustuhan. Tsaka teka- wala talaga akong balak gawin sayo yun! Promise!"
Nung binanggit ni Adrian yun ay tila parang nalungkot si Maia, "Ayaw mo ba sakin..." namumugto ang mga mata ni Maia nung sinabi niya yun. Tila mapapaiyak.
"Ano kaba ate! Wag na wag mong gagawin yon hanggat di siya sigurado sayo!" pauwil naman in Taygeta habang parang iiyak na si Maia.
"Wala akong sinabing ayaw ko sayo..."
"Eh bakit ayaw mo?" dagdag bigla ni Maia.
"Eh kasi- pano ko ba papaliwanag to?" napakamot nalang si Adrian dahil lalo atang lumalala ang sitwasyon dahil sa mga sagot niya.
"Ah basta. Simula ngayon dito nako mag-stay! Babantayan ko ang ate ko baka kung ano pa gawin mo sa kanya." sabi ni Taygeta kay Adrian tapos tumingin kay Maia, "Ate sa iisang kwarto na tayo matutulog. Ok?"
"Eh pano si Adrian. Napanood ko kasi na magkatabi magkasintahan matulog eh."
"Ano ba yang pinapanood mo? Iba naman ata yan eh." sabi ni Taygeta.
"Ok Maia, simula ngayon. Di kana pwedeng manuod ng kung ano-ano tungkol sa magkasintahan ng hindi ako kasama." sabi ni Adrian.
"Anong ikaw? Ako! Mamaya kung ano pa yan! Bahala kana diyan aakyat na kami sa kwarto!" sigaw ni Taygeta habang hinila naman niya ang kapatid niya tapos napatigil. "Ate saan ba yung kwarto na tinutulugan mo?"
"Doon sa taas."
"Tara. At naku, ako ang magtuturo sayo ng tama!" sinasabi ni Taygeta habang umaakyat pa sila.
Doon napagtanto ni Adrian, na mukhang hindi magiging normal ang buhay niya sa mga susunod na araw.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Novela JuvenilImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...