Nasa may pool sina Adrian at Maia nung araw din na iyon. Halos kakatapos lang nilang magtanghalian pero ine-enjoy na ni Maia ang paglalaro sa pool. Si Adrian naman ay nakaupo lang at pinag-mamasdan lang niya ito habang kasama niya si Calaeno, na pinili narin mag-enjoy kasama sila.
Di maiwasan na maisip ni Adrian yung sinabi ni Calaeno kaninang umaga. Di niya alam kung ano yung iisipin doon.
Dapat na ba siyang kabahan? May dapat ba siyang ipag-alala sa sinabing iyon ni Calaeno.
"Adrian sama ka dito! Dali! malamig ang tubig!" sigaw ni Maia habang panay ang pag-kaway nito sa kanya.
"Hindi na! Mamaya nalang, hehehe. Enjoy ka lang diyan!" sabing pabalik ni Adrian. Nagkatinginan naman sila bigla ni Calaeno at nakita niya na kakaiba ang kinikilos nito.
Tuloy lang sa paglalangoy si Maia. Panay ang sisid nito at talagang enjoy na enjoy siya.
"Calaeno, tara langoy ka." pag-aaya nito sa kapatid niya na nakaupo lang sa side ng pool.
"Di na, Ate. Ayos na ako dito. Enjoy ka lang." sambit naman ni Calaeno habang dinadaw-daw ang mga paa sa pool.
"Eh, bat kapa nag bathing suit?" tanong ni Maia.
"Wala lang. Nasa resort tayo. Minsan lang ako bumaba sa mga ganitong lugar. Tsaka ayoko rin mabasa." sagot naman nito.
"Eh bat naka-buntog yang binti mo?" tanong ulit ni Maia tapos sumisid saglit sabay ahon.
"Eh sila lang ang gusto kong mabasa. Tsaka ayokong mabasa sun hat ko." dahilan in Calaeno.
"Alam mo, lagi ka nalang may sun hat. Or kahit ano pa mang sumbrero, lagi kang may-suot." nasabi nalang ni Calaeno.
"Eh gusto ko may sumbrero eh. Ano bang paki mo?" sagot nalang ni Calaeno.
Napangiti nalang naman si Maia na tila may binabalak, "Aba, wala kang galang sa nakakatanda mong kapatid ah? Ganyan ka ba dapat mag-salita sa Ate mo?" sabi nito habang unti-unti itong lumalapit.
"Eeh, wag kang lalapit kung hindi--"
"Kung hindi ano? Anong gagawin mo!" sabi ni Maia ng biglang hinila nito sa pool si Calaeno.
Isang malakas na pag-splash ang naganap habang tuloy parin sa paghaharutan sa tubig ang magkapatid. Napatayo naman si Adrian sa pagkakaupo niya noong mga oras na yun.
"Ano ba naman-- Ate naman eh parang tanga!" sigaw ni Calaeno habang lumalayo siya kay Maia.
"Ikaw talaga kahit kelan, halika dito! Di ka makakatakas!" sigaw pabalik ni Maia habang dinamba nito si Calaeno.
"Ayoko na, sorry na!" tapos nahila ulit ni Maia papa-ilalim si Calaeno.
Umahon agad sila at todo tawa naman si Maia habang si Calaeno naman ay kitang-kita ang inis sa kanyang mukha. Nilangoy niya ang basa niyang sun hat at lumangoy sa side ng pool para umahon.
"Maia, tama na yan. Binubully mo naman kapatid mo eh." pagsaway ni Adrian.
Pinalobo nalang ni Maia ang pisngi niya bago sumagot, "Eh, ganti ko narin yan sa ginawa niya sakin. Hehehe. Patas na kami." sabay ngiti at peace sign nito kay Calaeno na mangubo-ubo ng makaahon at umupo ulit sa may side ng pool.
"Regalo ko nga sa inyo yun eh! Di naman sinamantala nitong boyfriend mo." sabi ni Calaeno sabay piga ng sunhat niya.
"Hindi ganun si Adrian ko. Wag mo siya itulad sa iba, Calaeno." sabi nalang in Maia habang nag-baback stroke sa pool.
"Bakla ata boyfriend mo ate eh." pang-aasar ni Calaeno at tila natigilan ang dalawa ni Adrian at Maia na biglang lumubog sa sinabi ni niya.
"Hindi ah!" sagot bigla ni Maia habang papa-ahon na siya at medyo mamula-mula ang kanyang mukha.
"Paano mo nasabi?" tanong ni Calaeno na halatang napansin ang pamumula ng mukha ng ate niya. Tumingin naman si Calaeno kay Adrian at nakita rin nito bago pa ito tuluyang makaiwas na namumula rin ang mukha niya.
Nakailang ulit na nagpabalik-balik ang tingin niya kay Maia na papaahon at papunta sa upuan nila at kay Adrian na biglang nagbusy-busyhan sa pagkakaupo niya.
"Oh my god, no way." nasabi nalang niya habang dahan-dahan siyang lumapit sa dalawa. "May Nangyari sa inyo kagabi noh! Yung totoo!" sigaw niya.
Napatingin naman silang dalawa na sabay kay Calaeno at sabay na sumagot, "Wala!"
"Nag-mamaang-maangan pa kayo! Kitang kita ko ang bakas sa mga mukha niyo!" tila galit na sabi ni Calaeno at tahimik nalang si Maia.
Bigla nalang naman tumalon sa Ate niya si Calaeno at niyakap, tila tuwang-tuwa. "Yiee sawakas at least na enjoy niyo na!" tapos tumingin naman si Calaeno kay Maia ng malalim.
"Ano, masarap ba? Malaki ba? Kumusta?" mga tanong niya, habang kagat labi at nagtaas-baba ang kilay.
"Walang nangyari, Calaeno, naghalikan lang kami kanina!" sigaw ni Maia at agad naman silang sinaway ni Adrian kasi ang lakas ng boses nila at tinitingnan na sila ng mga dumadaan.
"Tapos? San napunta? Kwento mo." excited na tanong ni Calaeno.
"Tapos, nag ring yung telepono at nag-breakfast na kami." sagot ni Maia.
Naglaho bigla ang excitement ni Calaeno at napatingin nalang siya kay Adrian.
"Hinayaan mo, na tapusin ng isang telepono ang dapat sana'y magandang pangyayari?" sabi ni Calaeno habang nakatitig lang kay Adrian. "Baligtad yang libro mo, kaya wag mo akong gawing tanga."
Nagulat si Adrian doon at binaligtad nalang niya ang libro niya. Tapos tinuloy ang pagkukunwari.
"Aba, loko to ah." ang nasabi nalang ni Calaeno. "Bakla." dagdag nito at tila nagulat doon si Adrian, pero pinili nalang niyang wag mag-react pa.
Tumayo naman si Maia sandali, "Teka mag-cr lang ako." tapos umalis na at iniwan lang muna niya ang dalawa.
Habang naglalakad si Maia papunta sa CR ay nagulat nalang siya sa sumalubong sa kanya.
"Ate Alecyone? Anong ginagawa mo dito." ang nasabi nalang ni Maia.
"Para dalhin ka papauwi." ang sagot naman ni Alice.
![](https://img.wattpad.com/cover/56788006-288-k57172.jpg)
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Ficção AdolescenteImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...