Ch. IV; Prt. VIII: Chopity~chopoty~sticks

669 16 0
                                    

Kinagabihan nasa mall parin sila at napagpasyahan ni Ronald na doon na sila maghapunan, bago sila umuwi. 

Nasa Tokyo-tokyo sila noon dahil narin sa pagiging curious nitong sina Maia at Electra. Nakakita kasi sila ng tao doon na kumakain ng naka-chopsticks sila. Syempre, nahiwagaan ang magkapatid kaya doon nalang sila kumain.

Habang nandoon sa counter si Ronald at pati si Electra, ay magakatabi naman na nakaupo itong dalawa ni Adrian at Maia. Natatawa nalang rin si Adrian sa ginagawa ni Maia dahil pinapanood niya yung isang tao na nakatalikod sa kanila kung paano kumain ng may chopsticks. Kitang-kita niya ang pagkamangha nito.

Tiningnan din ni Adrian yung pinapanood nito at  nakita niya, sa harapan nung kumakain, ay ang isang malaking lalaki, na masama ang tingin kay Maia. Napalunok nalang si Adrian at agad niyang kinuha ang atensyon ni Maia.

"Grabe ang galing naman. Talaga bang may kumakain ng ganoon dito? Bat hindi ko alam." sambit ni Maia at ng akmang titingin ulit ay pinigilan nalang siya ni Adrian.

"Hahaha tama na ang panood, oo may mga culture talaga na ganoon." sagot nalang ni Adrian.

"Eh bakit yung culture niyo hindi ganoon?" tanong ni Maia.

"Eh nasanay na siguro kaming kumain ng gamit ay kutsara at tinidor." sagot naman niya at napatingin nalang si Adrian sa kanyang ama at si Electra, ay napansin niya ang pagiging masyadong masiyahin ng tatay niya. Napakunot naman ang noo nito at tumingin kay Electra ay siyang tawa rin ng tawa.

"Saya ng kapatid mo ah," sambit ni Adrian. Napatingin si Maia sa kanila.

"Ah, ganyan naman talaga yang si Electra eh." Sabi nito at napansin ni Adrian na panay ang hawak nitong si Electra sa tatay niya.

"Paanong ganyan talaga siya?" Tanong nito habang nakatingin sa dalawa.

"Ah, mahilig kasi sa matanda yang si Electra." Sambit niya at napa-nganga si Adrian sa narinig niya.

Tumingin ulit siya sa dalawa at doon nakita niyang naka-akap na sa braso ng tatay niya itong si Electra.

"Teka bat di mo naman ako sinabihan?" tanong ni Adrian.

"Ha? Eh normal lang naman yun eh. Diba?" sambit ni Maia pero napa-facepalm na sa mga oras na yun si Adrian. Maya-maya pa ay dumating na ang dalawa galing counter at umupo.

"Teka lang ah, mag-cr lang ako." paalam ni Ronald at umalis. Sunod tingin naman si Electra sa kanya habang si Adrian naman ay ganoon din sa kanya.

Napansin niya ang ngiti na abot tenga sa mukha ni Electra. 

"Alam mo, Adrian. Kung interesado ka sakin. Siguraduhin mo na wala si Maia dito, nakakahiya kaya." pagbibiro ni Electra.

"Ha? Ano yun?" Sambit ni Maia ng marinig ang pangalan niya.

"Ay wala yun, Ate. wag mo pansinin. Ano ba kasing ginagawa mo?" tanong ni Electra sa Ate niya.

"Ah, tinitingnan ko kung may iba pang tao nagagamit nung chopsticks." tapos lumingon na ulit sa paligid itong si Maia  sa kung saan.

Nagkatinginan naman si Electra at Adrian. "Hmm, kailangan masanay kana nalaging kung saan-saan napupunta ang atensyon ni Ate. Dali lang kasing pukawin ng interes ni Ate eh." sabi niya ng dumating na si Ronald at nag-aantay ng pagkain nila.

"Ano pinaguusapan niyo, mukhang seryoso ah." sambit ni Ronald.

"Ah wala naman, Ronald." sagot ni Electra habang humawak sa braso niya. 

first name basis agad? pumasok sa isip ni Adrian.

"Napag-usapan lang naman namin kung ano nga ba plano nitong anak mo sa kapatid ko." sambit bigla ni Electra na siya namang napanganga nalang si Adrian. 

"Oo nga pala. Hindi mo sinagot tanong ko kanina nung namimili tayo, Anak. Paano ba yan eh parang kailangan palang bumalik nitong si Maia sa kanila." sabi ni Ronald.

"Ho?" biglang lingon ni Maia. at napakapit nalang siya sa braso ni Adrian. "Di ako mag-sstay?" tanong nito bigla sa kanila.

"Hindi, mag sstay ka. Wag ka mag-alala." sambit ni Adrian.

"So committed kana sa kanya, Anak?" biglang sambit ni Ronald.

"Ha? Ang bilis naman ho ata niyan, Pa!" sabi ni Adrian,

"Eh paano naman kasi, kung makapagsalita ka, akala mo paghihiwalayin namin kayo. Hehehe, uie si anak. Grabe talaga ang pagiging bata." sambit ni Ronald.

"Ano kaba Ronald, di ko ba nasabi sayo? Si Adrian din ang first nitong nakaka-bata kong kapatid." tapos  natawa siya at bigla siyang sinipa ni Maia sa ilalim ng lamesa.

"Ah ganun ba. So Maia, kaya naman pala gusto mo mag-stay kasama ng anak ko." sabi ni Ronald.

"Opo. Tutuparin ko po kasi ang hiling niya. Tutuparin ko yun dahil is--" biglang tinakpan ni Adrian ang kanyang bibig.

"Hayaan mo na siya papa, alam mo naman pag lumaki sa probinsya, hehehe." sambit ni Adrian.

"Well babalik ang tanong namin sayo, Adrian. Anong plano mo? Di nako magpapaligoy-ligoy kasi naman ngayon lang kita nakitang ganito. Tsaka mukhang seryoso naman kayo sa isa't-isa. So tanong ko lang naman, Anak, nahulog kana ba kay, Maia?" sambit ni Adrian.

Di agad siya nakasagot sa tanong ng ama niya at naghihintay lang ng sagot itong si Maia at si Electra. Namumula si Adrian sa hiya nung mga oras na yon at napatingin narin siya kay Maia na sinalubong nalang siya nito ng ngiti.

"Ronald, tama na. Mukhang alam ko na isasagot nitong si Adrian. Kakausapin ko nalang mga kapatid at magulang ko para tingnan kung pwede ba siya mag-stay dito." sabi ni Electra ng dumating na ang pagkain nila. 

Hinahain na sa kanila ng server ang pagkain ay tiningnan siya ni Electra at nakangiti ito sa kanya, pagkatapos ay kinindatan.

Di naiintindihan ni Adrian ang nangyayari. Napatingin nalang siya kay Maia at nakita ang tuwang-tuwang reaksyon nito ng nakaharap na sa kanya ang ramen na nagustuhan niya. Tumingin si Maia sa kanya pabalik at doon, tumalon ang tibok ng puso niya. 

Mahal na nga niya si Maia.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon