Ch. VI, Prt. X: A wish upon a Star

1K 28 6
                                    

Tumatakbo noon si Adrian sa isang kalsada at tila nagmamadaling makarating sa napakaimportanteng meeting niya noong hapon na iyon. 

"Excuse me!" sigaw niya habang tuloy ang pagtakbo niya.

Muntik na siyang may mabanggang matanda noon, at muntik na siyang madapa dahil sa pag-iwas niya rito, "I'm sorry sir!" sigaw niya at tuloy siya sa pagtakbo noon.

Agad siyang pumasok sa isang restaurant noon at agad siyang umupo katabi ang ibang grupo ng mga tao.

"Well it was good of you to join us, Adrian," pabirong sambit ng isang briton habang natawa nalang ang iba niyang mga kasama.

"Sorry sir, I'm still not used to the underground," sabay ngiti niya.

"Well better get used to it because you will be here now for a very long time," sambit muli ng briton at napanganga nalang siya noon at di na nakapagreact habang biglang nagpalakpakan ang mga katabi niya. 

Pagkatapos noon ay tinuloy na nila ang kanilang pagtitipon. 

~~~~~~~~

Sa isang park noong hapon na iyon ay may isang matanda na tila ine-enjoy ang kapaligiran at ang ganda ng park. Maya-maya pa ay umupo na ang matanda sa isang bench. 

Inenjoy niya ang huni ng mga ibon, ang boses ng mga batang nagtatawanan at ine-enjoy ang pagkabata sa park na iyon. 

Maya-maya pa ay may isang babae na nakaitim na dress at shades ang dumaan at tumabi sa matanda. Huminga ito ng malalim at doon tinanggal niya ang itim niyang gloves, at ganoon din ang kanyang shades, siya si Alice.

Tumingin siya sa matanda na naka-bonnet at ganun din ang matanda sa kanya at ngumiti. 

"Nandito ka lang pala, Papa." Sambit ni Alice.

"Well, minsan lang naman ako maka-pasyal dito sa mundo ng mga tao. At wala parin silang pagbabago," habang pinagmamasdan niya ang kapaligiran.

Napahinga muli ng malalim ang si Alice, "Well. Anong inexpect mo sa mga tao, Papa Atlas?" 

"Alam mo bang binungkal nila ang burol na ito?" biglang sambit ni Atlas na pinagtaka ni Alice. "Itong park na ito. Nakatayo ang park na ito sa burol. Oo sinira nila ito, pero napa-ganda nilang muli ang lugar na ito. At mas gumanda pa dahil sa mga munting bata na ito na ine-enjoy ang pagkabata nila. Gumagawa sila ng magagandang alaala." dagdag niya.

"Anong gusto mong sabihin, Papa?" tanong ni Alice.

"Oo, may likas na taglay sa paninira ang mga tao. hindi na mawawala sa kanila iyon. Pero may potential din silang gumawa ng magagandang bagay. Mga bagay na tanging sa kanilang mga isip lamang makikita. At mula doon ay kaya nilang gawing realidad iyon." sambit ni Atlas at tila natahimik si Alice. Maya-maya ay hinawakan ni Atlas ang kamay ni Alice.

"Alam kong nasaktan ka sa nangyari sa naging asawa mo noon. Dahil namatay siya para sa kanyang paniniwala. Ganoon kalakas ang isip ng mga tao, Anak. Napaka-makapangyarihan ng kanilang imahinasyon na handa silang ipaglaban ang kanilang mga paniniwala at ang kanilang mga pangarap para sa mundo nila. At ganoon din sila sa mga kapwa tao. Kapag napagdesisyunan ng isang tao na magmahal ay gagawin nila ang lahat para dito. Para mapatunayan ito, at mabigyan sila ng kasiyahan." paliwanag ni Atlas.

Natahimik na sila noong mga oras na iyon habang naluluha si Alice pero tuloy lang siya sa pagpigil nito.

"Sa tingin mo ba, sa loob ng ten years, siya parin ang hinahanap niya?" tanong ni Alice at natawa lang naman si Atlas noon.

"Binabantayan ko siya simula noong napababa niya si Maia mula sa kalangitan at noong napauwi mo siya," sambit nito bigla at medyo nagulat si Alice.

"So alam mo all this time ang tungkol sa pagbaba ni Maia?" tanong ni Alice. Ngumiti lang naman si Atlas at tumungo. 

"Imposible ka talaga, Pa," sambit ni Alice, "So anong plano mo," tanong nito.

"Wala akong plano." sagot nito pero duda si Alice dahil sa kakaibang ngiti sa mukha ng papa niya. 

Napahinga nalang siyang muli ng malalim noon at napatingin sa kalangitan.  Napansin nalang niya na paparating na ang gabi.

  ~~~~~~~~  

Sa isang observatory, norte ng London ay tuloy ang pagmamasid sa Pleiades Constellation. Kumpleto parin ang mga bituin nito. 

Alcyone, Maia, Calaeno, Electra, Merope, Asterope, Taygeta, ang seven sisters ng Pleiades Constellation. Sila ang naatasan na bantayan ang constellation dahil sa insidente sampung taon na ang nakakalipas at ang head ng observation mission nilang ito ay ang bago nilang kasama noon, si Adrian.

"Hey Adrian. It's already late, won't you come with us at the pub?" pag-aaya ng isa niyang kasamahan.

"No mate, I'm fine. I'll just finish the final data for this week then head home." sagot ni Adrian.

"And what? Watch the constellation again from your laptop and your own telescope?" pagbibiro ng isa niyang kasamahan at natawa naman ang iba habang papalabas na ng pinto.

"Well I think it's cute. Leave the kid be." pagtatanggol ng isa pa, "Don't stay here too late okay? Lot of buggers in the street eh?" sambit ng canadian nilang kasama at tumungo nalang si Adrian noon at doon umalis na sila.

Pagkasara ng pinto, ay tahimik na ang boong observatory. 

Napahinga nalang ng malalim si Adrian at tinuloy ang pagtapos sa final checks at ng matapos na siya ay ini-unat niya ang kanyang mga braso at tumayo at naglakad patungo sa labas ng observatory.

Nakatayo lang siya sa labas noon habang pinagmamasdan ang malaking telescope ng observatory nila, habang nakatutok ito sa Pleiades Constellation.

Nakangiti lang siya noon habang pinagmamasdan ang direksyon nito at napahinga ng malalim.

"Still here, Maia." sambit niya. 

Maya-maya ay may shooting star siyang muli na nakita at napatawa nalang siya at huminga muli ng malalim, at pumikit. "Sana bumalik kana at pangako kong mamahalin kita panghabang buhay. From the earth to stars."

Maya-maya ay biglang humangin ng malakas pero deretyo lang ang tingin niya. Maya-maya ay kumulog rin ng malakas na pinagkataka niya dahil wala namang ulap sa madilim na kalangitan. Sumipa siya  ng bato at tumalikod para bumalik sa loob at doon, nakita niyang nakatayo sa harap niya, si Maia.  

Hindi makapaniwala si Adrian sa nakikita niya sa harap niya. Nakangiti ito sa kanya at tila isang normal na tao.

"Papano," pilit na sinabi ni Adrian habang naluluha.

"Regalo ni Papa," sambit ni Maia habang tumutulo ang sarili niyang mga luha. 

Di na napigilan pa ni Adrian ang sarili niya at agad siyang tumakbo kay Maia at doon naiyak na silang pareho at niyakap nila ang isa't-isa. 

Hagugol silang dalawa habang napaupo nalang silang magkayakap. Tiningnan na ni Adrian si Maia sa at hinawakan sa tigkabilang pisngi.

"Aalis kapa ba?" tanong ni Adrian.

"Hindi na. Sayo na ako. Sayong-sayo na. Hinding hindi na kita iiwan." sambit ni Maia at niyakap niyang muli si Adrian. 

"I love you," sambit ni Adrian.

Napangiti nalang si Maia noon, "I love you too, now and forever." tapos natawa siya.

Natawa din si Adrian at sambit, "From the earth to the heavens, I love you," pagkatapos ay hinalikan niya ito. 

Halik na sampung taon niyang hinintay. Ang halik ng wish niya, at ang katuparan ng wish niya ng walang hanggan.

The End


Author's Note:

Thank you so much sa napaka-habang pasensya niyo na binigay sa akin para matapos ko ang istorya ni Adrian at ni Maia. Sana hindi ito maging hadlang sa pag-explore niyo ng mga stories ko. 

Again thank you so much!

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon