Ch. II, Prt. II: The Orange sky of sunset

1.3K 36 0
                                    

Tanghaling tapat noon at nasa bahay lang sina Adrian at Maia noon. Nag-aaral lang si Adrian noon sa kwarto niya habang si Maia naman ay nagbabasa rin ng libro sa may kama nito. 

Chill lang sila noon. Walang prinoproblema.

"Aaahhh!" biglang sigaw ni Maia at agad na tinapon ang ulo niya sa may unan. Nagulat naman noon si Adrian at napatingin nalang kay Maia.

"Ano yon? Bat ka sumigaw?" tanong nitong si Adrian.

Tumayo naman si Maia at tiningnan si Adrian ng mabuti, "Adrian. Bored ako. Labas tayo, please?"

"Hay nako naman." tapos balik naman siya sa pag-aaral niya, "Di pwede, may exam kami sa monday. Di ko pwedeng itigil nalang to." dagdag nito.

Pinalobo nalang naman ni Maia ang mga pisngi niya at bumalik sa pagkakahiga. "Di mo na naman kailangang mag-aral eh."

Napakunot naman ang noo ni Adrian, "Hmm, bakit naman?" 

Tapos bumangon naman agad si Maia at umupo sa tabi ni Adrian. "Kasi matalino kana eh!" sagot nito. Napatawa nalang naman si Adrian.

"Alam mo, ang cute mo." sambit niya habang pinisil niya ang pisngi ni Maia.

"Hehehe, bakit? Totoo naman eh. Sobrang talino mo kaya!" taas kamay pa niyang inulit. Tapos natawa nalang si Adrian, "Ang dami mo ng tinuturo sakin. Tapos inaalagaan mo pako ng sobra-sobra!"

Tahimik nalang si Adrian na nakikinig. Isang linggo narin ang nakalipas simula ng humiling siya. At sa nakikita niya, talagang pinaparamdam ni Maia na Girlfriend nga niya ito. Kahit isang linggo na silang magkasama. Hindi parin niya alam kung papano niya ito i-tatrato. 

Kumukha nalang siya ng ideya kung papano niya itatrato si Maia sa mga palihim na panonood at pagbabasa niya ng kung ano-ano tungkol sa kung papano ang maging magkasintahan. Karamihan ng lumalabas ay, aminin na natin; hindi yung ineexpect niya. Pero kahit papano parin, nakakita siya ng mga ilang mga simpleng gawain para iparamdam kay Maia na mag-kasintahan nga sila.

"Maia halika dito." pag tawag ni Adrian kay Maia.

Umupo naman ito sa tabi niya. Umayos ng sandal sa may paanan ng kama niya itong si Adrian. Pinaupo niya si Maia sa may harapan niya, pagkatapos ay pinahiga niya ito sa kanya na siya namang kinagulat ni Maia. Inayos niyang muli ang sarili, pagkatapos, nagbasa na siyang muli habang nasa harap niya si Maia.

Natahimik nalang si Maia noon. Tila hindi alam kung papano mag-react. Tila ang reaksyon nalang niya, ay ang pamumula ng kanyang mga pisngi. 

"Oh Maia, bat natahimik ka?" tanong ni Adrian.

Di nalang nagsalita si Maia. Umiling nalang ng wala. Napangiti nalang si Adrian at tinuloy ang pagbabasa niya ng libro niya. Ilang minuto pa ang lumipas at inaantay nalang niya na mag-react si Maia. Pero wala parin.

"Bored ka nga pala noh? Tara labas tayo."

"Ayaw!" biglang harap ni Maia sa kanya. Napatigil nalang ang dalawa, dahil medyo malapit ang mukha nila sa isa't-isa. maya-maya pa ay dahang-dahang tumungo si Maia. "Hindi na ako bored. Aral ka lang. Dito lang ako." sabi niya tapos bumalik sa pwesto niya.

Napangiti nalang si Adrian at hinawakan ang ulo niya ng ilang beses bago muling magbasa. Lingid sa kaalaman naman nitong si Adrian, abot langit din ang ngiti nitong si Maia. 

Lumipas ang mga sandali at tuloy parin sa pagbabasa itong si Adrian. Napansin niya na tahimik nalang si Maia. "Maia?" pagtawag nito sa kanya. Pero walang reaksyon. Maya-maya pa ay nagtangka itong tumayo, at doon, napansin niya, na nakatulog na pala sa kanya si Maia.

Umayos pa ng pagkakahiga itong si Maia at niyakap na tila parang unan ang kaliwang braso ni Adrian. Dahan-dahang nalang na nilapag ni Adrian ang libro niya sa tabi at ini-ayos ng higa si Maia. Sinubukan niyang buhatin si Maia para ilipat sa kama niya pero ayaw nito. 

"Dito lang ako..." mahinang bulong ni Maia. Natawa nalang si Adrian. 

Wala na siyang nagawa. Hinayaan nalang niya na gawin siyang higaan ni Maia. Iniayos niya ang sarili niya para maayos na makahiga si Maia. Idinantay nito ang ulo niya sa braso niya na yakap-yakap nito. Natawa nalang siya ng kaunti, ini-ayos niya ang buhok niya para makita niya ng kaunti ang itsura ni Maia habang natutulog. 

Dumungaw nalang siya sa labas ng kwarto niya mula sa balcony ng kwarto niya. Pinag-masdan nalang niya ang kahel na kalangitan sa paglubog ng araw. Kahit na medyo malayo siya ay kitang-kita niya ang napaka-matingkad na kulay nito. 

Napahinga nalang siya ng malalim sa sandaling iyon. Tuloy sa paghaplos sa bunbunan ni Maia. Tiningnan niya ito sandali, pagkatapos, ay hinalikan niya ang bunbunan nito at tinuloy ang pagtingin niya sa labas.

Habang natutulog si Maia at patuloy parin sa paghaplos ang kamay ni Adrian sa ulo niya, ay tila inayos pa niya ang sarili, at itinago ang maliit niyang ngiti.

Lumipas ang ilang oras at hindi namalayan ni Adrian na nakatulog na pala sila. 9PM na ng gabi ng mga oras na yun. Tulog parin si Maia na kitang-kita naman na mahimbing parin ang tulog. 

Ilang sandali ay binuhat niya ito at inilipat sa kama niya at sandaling bumaba. Uminom ng tubig at nag-init nalang ng natirang pagkain nila mula sa ref. Binuksan ang TV at sandaling nanood nito habang kumakain. 

Maya-maya pa ay naalala niya na hindi pa nga pala niya na-ila-lock yung gate kaya saglit itong lumabas. Lumabas ito sandali at agad naman niyang nilock ang gate, tumingin sa langit saglit, pagkatpaos ay naglakad na papasok.

~~~~~~~~~~

Sa kwarto ni Adrian kung nasaan si Maia. Bigla itong napamulat, tila nagulat. Napabangon ng mabilis, at agad na tumakbo pababa ng bahay.

~~~~~~~~~~

Bubuksan nalang ni Adrian ang pinto ng harapan ng bahay ng bigla siyang paliguan ng napakaliwanag na asul na ilaw mula sa kalangitan. Agad niyang nilingon to para subukang aninagin kung ano ito, pero sa sobrang liwanag ay hindi niya magawa ito.

Di na nakagalaw sa pagkakatayo niya si Adrian. Pinipilit parin niyang tingnan ang maliwanag na bagay hanggang sa unti-unti na itong nawala at nag-anyong babae. 

Natulala nanaman si Adrian. Hindi niya alam kung papano mag-rereact. 

Maya-maya pa ay bumukas agad ang pinto at doon, nakita ni Maia si Adrian, at ang babaeng sa harap nito.

"T-T-Taygeta?" ang nasabi nalang ni Maia.

Napatingin sa kanya si Adrian, "Taygeta?" inulit nito. Lumapit agad sa kanya ang babae na may masamang tingin. At doon, bigla niyang hinila si Adrian papalapit, at hinalikan.

Napanganga nalang si Maia, tila hindi alam kung papano-magrereact.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon