Sa kalaliman ng gabi. Na-alimpungatan si Adrian. Bumangon ito at bumaba para uminom ng tubig. Naririnig niya na bukas ang TV, pero masyado siyang antok para alamin kung sino man ang gising pa sa bahay ng ganoong oras. Ng maka-inom na siya ng tubig ay napag-pasyahan niyang bumalik agad sa taas para matulog.
Doon napansin niya, na bukas nga ang TV, pero walang tao. Nasa business news channel ito. Napansin rin niya ang hindi pa naubos na sandwich sa may sala at ganun din ang isang bote ng beer na wala ng laman. May ideya na siya kung sino to. Pinatay niya ang TV at dumeretyo siya sa roof top ng bahay at doon, nakita niya ang tatay niya. Nakaupo at umiinom ng pangalawang bote niya ng beer. Pinagmamasdan lang niya ang kalangitan noon, tila nagpapa-antok.
"Pa, anong ginagawa niyo ho dito sa taas?" tanong ni Adrian at umupo sa tabi ng ama niya.
"Wala naman, anak. Nagpapalipas lang." sambit nito.
"Magpahinga na ho kayo, kakabalik niyo lang galing abroad nag-lalasing agad kayo." Natawa nalang naman si Ronald sa sinabi ng anak niya.
"Minsan lang ito, anak. At kagaya nga ng sinabi ko, nagpapa-antok lang." tapos uminom na ito. "Maiba ko. Kelan pa ganito ang gabi dito? Ganoon din kasi sa London. Balitang-balita ang pag-iiba ng kulay."
Natawa nalang si Adrian dahil hindi niya alam ang sasabihin. Hindi dahil sa hindi nga niya nga alam ang nangyari, pero dahil nga alam niya kung sino ang dahilan nito. "Medyo matagal narin pa. Ilang buwan narin nakakalipas. Di ko na maalala." sagot nalang niya.
Napatingin naman sa kanya ang ama niya. "Hmm, imposible naman atang hindi mo alam, Anak. Sa lahat ata ng kakilala ko, ikaw ang pinaka-unang maghahanap ng dahilan kung bakit naging ganito ang langit." katwiran ng tatay niya.
"Ah, sabagay. Tama ka nga, Pa." ang naging sagot nalang ni Adrian.
"Hindi ka naman ganito ah. Dati nung magkakasama pa tayo ng mommy mo, inakala mo noon na sinusundan ka ng buwan." sambit ni Ronald at natawa narin dahil sa alaalang yun. Di din naman napigilan ni Adrian ang sarili, "Pagkauwing-pagka-uwi natin. Sumugod ka kaagad sa mga libro mo. Laman ka rin ng library sa school niyo. AT higit sa lahat, prinesent mo pa yon sa buong klase mo." at tumuloy lang ang pagtawa ni Ronald.
"Grabe nakakahiya yung araw na yun. Nung natapos akong mag-present, tinawanan nila ako. Tapos ayun, tumakbo ako sa labas sa sobrang hiya. Nagtago ako sa library. Hanggang sa dumating kayong pareho ni Mama." sambit ni Adrian.
"Oo nga." tapos napabuntong hininga nalang ang tatay niya at uminom muli ng beer niya. "Good times. Pero at least, dahil sa nangyaring yoon. Nag-focus ka at heto ka ngayon. Nag-aasam na maging isang astronomer." dagdag niya.
Di nalang nakasagot si Adrian noon. Dahil narin sa biglang pagbabalik-tanaw nilang mag-ama, naalala niya ang pinakahuling araw na buo pa sila. Napansin siya ng tatay niya.
"Alam mo, Pa. Hindi niyo parin sinasabi sakin kung bakit kayo nag-hiwalay ni Mama." biglang nabanggit ni Adrian.
"Kumplekado, Anak."
"Pero minahal mo naman si Mama, diba?" tanong nito.
Napangiti naman si Ronald sa tanong ni Adrian, "Oo naman. Oo naman, anak. Kahit kailan man, hindi ako tumigil mahalin ang mommy mo."
"So bakit nga?"
Di agad nakasagot si Ronald. Tumingin nalang siya sa kanya, "May mga bagay lang talaga na magkaiba parin kami. Ako, gusto ko ng simple pero maayos na buhay. Ang Mama mo, puno ng ambisyon. Kaya kesa mag-away nalang kami dahil sa magka-ibang tingin namin sa buhay, pinili nalang namin na mag-hiwalay. Never ever think that its because that we don't love each other anymore nor we don't love you. We do. Masyado lang talagang, paano ko ba papaliwanag to sayo. Masyado lang talagang malaki ang pagkakaiba namin. We love you, okay, anak?"
Napatungo nalang si Adrian sa sinabi ng Papa niya. Matagal narin silang magkahiwalay. Napahinga nalang siya ng malalim noong mga oras na yon. Tapos matagal din lumipas ang katahimikan bago magsalita muli si Ronald.
"Anak, gusto mo pa bang maging Astronomer?" tanong ni Ronald.
Naalimpungatan naman si Adrian at sumagot, "Oo naman, Pa. Di ko susuko yun. Malapit na ako oh."
"Ah, buti naman pala. Akala ko tumigil kana dahil nga, nakilala mo na yung girlfriend mo." sambit ng tatay niya.
"Bakit naman ho ako titigil? Papa talaga, nagka-girlfriend lang ako, hahaha." pagtawa ni Adrian.
"Hindi sa ganoon, Anak. I mean, nag-aalala lang ako. Kasi, sa pagkaka-alam ko siya ang first mo diba?" tanong nito. Napatungo nalang muli si Adrian, "Oh ktia mo na. Anak, tandaan mo, ibang iba ang isang bagay pag-unang beses mo itong naranasan. Iisipin mo na lahat ay gagawin mo para maging masaya ang babaeng pinakamamahal mo."
"Diba ganoon naman dapat. Pa? Kapag mahal mo ang isang tao, handa mong gawin ang lahat para sa kanya, maging masaya lang siya?" sagot naman ni Adrian.
Napatayo naman ang papa niya at sumandal sa may railings, "Hindi lahat nadadaan sa ganyan, Anak. Tatlong beses nakong nag-daan sa ganyan bago ko nakilala ang mommy mo. Sa una iisipin mo ganto, ganyan. Pero keep in mind na, in the end of the day. You have to love yourself just as much. Because, Anak, I see myself in you. As an advice from father to son, never ever forget yourself in all of that love you are feeling." tapos lumapit ito kay Adrian. At hinawakan sa balikat.
Nginitian niya ang anak niya, "Ito ang tatandaan mo, anak. Never ever stop doing what you love for someone you might fall in love with. leave something for yourself okay?" sambit ng tatay niya bago ito bumaba para magpahinga.
Pinalipas muna ni Adrian ang ilang sandali, tila ninanamnam ang sinabi sa kanya ng Papa niya. Huminga ng malalim, at doon dumeretyo na bumaba. Sa mga oras na yon, gising si Electra, nasa roof top din siya. Di lang siya napaansin ng dalawa, at narinig niya ang lahat. Tila namamangha siya sa dalawang tao na kasama niya ngayon.
"Ngayon, ano kaya ang handa mong gawin kung dumating man ang oras na yun, Adrian." nasambit nalang niya. Nakatingala lang siya sa kalangitan habang nakahiga sa taas, maya-maya pa ay may kuminang na pulang bituin.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Teen FictionImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...