Ch. IV; Prt. VI: Sunday-Sundae

818 21 3
                                    

Araw ng linggo at nasa labas ang mag-ama, at syempre kasama ang girlfriend niyang si Maia, pati narin si Electra. Namimili ang mag-ama ng mga gamit habang ang dalawa naman ay hinayaan lang muna na mag-ikot sa mall.

Kumakain ng ice cream si Maia, and as usual naka-puting damit laamang ito habang si Electra ay siyang bihis na bihis. Pero sa inis niya, ang Ate niya ang laging tinitingnan ng mga napapa-daan. Panay lang ang pagsa-sightseeing ni Maia ng mapansin ang naiinis na kapatid nito.

"Ayos ka lang ba?" tanong nito.

"Oo, Ate. Ayos lang ako. Wag mo ako pansinin." sambit nitong si Electra, pero napansin ni Maia na tila iniiwasan siyang tingnan ng kapatid niya.

"Parang hindi naman eh. Masama ba ang pakiramdam mo?" tapos nilapat niya sa may noo ni ni Electra ang kamay niya. "Di ka naman mainit." dagdag niya.

"Ayos nga lang ako, Ate." sagot muli nitong si Electra at tinanggal niya ang kamay ng Ate niya.

"Eh bakit parang naiinis ka nga? May nagawa ba ako?" nasabi nalang ni Maia.

Tumigil sila sa paglalakad at tumingin na sa kanya ang kapatid niya, "Dalawang oras na tayong naglalakad! Para tayong nagpro-prosisyon sa Quiapo nito! May binigay satin na pera pang-gastos si Kuya Adrian at ang Papa niya tapos ice cream lang na cute ang naisipan mong bilin! Ice cream na cute! Nakakainis! Gusto ko bilan ka ng damit or kung ano!" sigaw ni Electra at napaupo nalang siya sa may hagdan.

Nagulat naman si Maia sa sinabi ng kapatid niya at dahan-dahan lang dinilaan ang ice cream bago lumuhod sa harap ng kapatid niya, "Sorry na. Di ko naman alam."

"Tse! Tigilan mo ako!" sambit ni Electra.

Ngumiti nalang si Maia dahil kilala niya ang kapatid niyang ito. Hindi siya magkakaganito kung hindi siya napapansin. "Sigurado kaba dahil doon yon?" biglang tanong nito.

Tapos napatingin nalang si Electra sa Ate niya. Tila pinipilit niyang huwag mag-salita pero hindi rin siya nakatagal, "Eh ang daya naman kasi! Bakit alam mo!"

"Alam ko ang alin?" pagkukunwari ni Maia.

"Kasi naman sa ating dalawa ako itong sobrang bihis na bihis ng maganda, mature at talagang maganda eh hindi parin ako pinapansin ng mga dumadaan! Pero tuwing mapapadaan sila sa harap mo, sunod tingin sila! Yung matanda nga tila minilagro dahil napatayo sa wheel chair niya tapos binaba pa niya shades niya! Bakit ganon ang daya talaga!" tapos bigla siyang umub-ob.

Nagulat nanaman si Maia doon dahil hindi niya inexpect na ganoon ang magiging reaksyon niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Kahit ang magiging reaksyon niya hindi niya alam. Ilang beses narin kasing nangyari ito nung nasa kalawakan pa silang dalawa. Lagi si Maia ang iniikutan ng mga bulalakaw.

"Di ko tuloy alam kung ang magbago naba ang panlasa ng mundong to oh talagang kakaiba lang ang bansang to." nasabi nalang in Electra.

Nginitian nalang ni Maia ang kapatid ng tumingin ito ng masama sa kanya, "Siguro yan yung nagustuhan sayo ni Kuya Adrian. May kakaiba sayo Ate eh. Talagang benta ka dito. Noh?" sabi ni Electra.

"Ha? Wala nga akong ginagawa eh. Nakaupo lang ako dito. Nakabihis naman ako ng maayos. Di naman gulo ang buhok ko. Yun lang." sagot naman ni Maia.

"Yun na nga eh. Ikaw na ata yung babae na kakainisan ng mga kababaihan dito pag nalaman nilang yung mga boyfriend or asawa nila ay ikaw ang tinitingnan." sabi ni Electra.

"Ha? Bakit naman?" pagtataka naman nitong si Maia.

Tumingin sa kanya ang kapatid niya ay napabuntong hininga nalang siya, "Kakainis. Wala, Ate. Di mo rin naman maiintindihan eh." tapos maya-maya may dumaan nanaman at napatingin nanaman sila kay Maia habang kumakain ito ng Ice cream.

"Ah, hindi pagkain ang kapatid ko! Yang mga titig niyo alam ko takbo ng bituka niyo alis!" tila nag-bugaw itong si Electra ng lamok na umaaligid-ligid.

Naisip nalang ni Maia na tahimik na umupo sa tabi ng kapatid niya at tinuloy parin ang pag-mamasid-masid sa paligid habang inuubos ang ice cream niya.

"Ate, paano mo napa-ibig si kuya Adrian?" biglang tanong ni Electra.

Napalingon naman agad si Maia, tila hindi niya ineexpect ang sinabi ng kapatid niya, "Pa-ibig? Anong pa-ibig?" mautal-utal na sagot ni Maia.

"Sus, yang si Kuya mga minsan talaga babatukan ko na eh. Di pa kasi umamin. Sabi kasi sakin ni Merope noong umuwi na sila. Di lang daw maamin ni Kuya kasi hindi pa daw siya sigurado. Kaya ka daw niya hinayaan bumalik eh." tapos tumingin siya kay Maia.

"Electra, sigurado ako na sinabi narin sayo nung tatlo na yun. Hiniling lang talaga ni Adrian na magkaroon ng Girlfriend. Tapos habang dumadaan ako at naglalaro sa may lugar nitong mundo na ito. Narinig ko hiling niya."

"Eh hindi ka naman tumutupad ng mga hiling eh. Bilin narin ni Ate Alecyone. At ikaw na siyang pinakamasunurin sa ating pito, ang bumali noon. Bakit nga ba?" tanong nito sa kanya.

Napangiti nalang si Maia at tumingin narin lang sa ice cream niya. "Iba siya eh. Basta, pure yung hiling niya."

"Pure?" pagtataka ni Electra, pero hindi na nagsalitaa pa si Maia.

"Eh ikaw ba Ate, mahal mo narin ba si kuya Adrian?" tanong nito.

"Eh, ano bang tanong yan!" biglang iwas ni Maia ng tingin.

Pero tinitigan lang siya ni Electra. Hindi siya mapakali, at maya-maya ay huminga siya ng malalim, at tumingin nalang si Maia sa kapatid niya, tila hindi alam kung anong mukha ang ipapakita niya sa kapatid niya. Napangiti nalang ito at doon nagbago ang pinta ng mukha ni Electra. Tumayo ang Ate niya at naglakad sa isang store window para tingnan ang magandang damit na nakita niya. 

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon