Prologue

8.6K 206 8
                                    

Nakaupo lang sa sahig noon si Adrian. Tila hindi makapaniwala sa nasa harapan niya.

Tila dinaan ng bagyo ang kwarto niya. Sira na pintuan papunta sa balcony niya. Nakakalat ang ilang piraso ng basag na salamin. Kasama ng mga ito ay ang pira-pirasong papel, ang ilan ay sunog pa.

Umiilaw ng matingkad na asul ang kwarto niya. Dahil narin sa babaeng nakaupo sa harap niya.

Sa mga oras na yun ay hindi parin siya makapaniwala, na matutupad ang hiling na sa isip niya, na kahit langit, ay ipagdadamot sa kanya.

Paano nga ba nag-simula to? Paulit-ulit niya itong tinanong sa sarili niya hanggang sa naalaa niya.

Nagsimula ang lahat ng umagang yon...

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon