Kakauwi lang ni Adrian galing school at agad siyang umupo sa sofa, tila pagod na pagod at sadyang wala sa mood. Panay rin ang paghinga niya ng malalim.
Bumaba si Maia galing sa taas ng may ngiti at nagalak sa pagbabalik ng boyfriend niya, pero nung oras na nakita niya ang mukha nito ay agad itong napawi.
"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" tanong ni Maia.
Tumingin lang sa kanya sandali si Adrian at nginitian ito, "Ayos lang ako, Maia. Wag kang mag-alala," sambit ni Adrian at sinabayan niya ito ng ngiti at halik sa pisngi niya, pagkatapos ay tumayo at umakyat sa taas. Pero alam niyang hindi niya maloloko si Maia.
Pagkapasok niya sa loob ay agad niyang tinapon ang sarili sa kama at muling huminga ng malalim.
"Paano ko sasabihin kay Dad to?" bigla nalang niyang nabanggit sa sarili niya.
Bumangon siya at agad na kinuha ang bag at mula sa loob ay ang isang folded na papel. Binuklat niya ito at binasa. Binasa niya lang to ng mabilis hanggang sa tumigil siya sa isang paragraph at mula doon ay tumigil na siya at tinapon ang papel sa kama.
We regret to inform you, that your scholarship here at the Rizal Technological University has been suspended until further notice, due to recent developments within the school. Said developments has had a big impact to the Scholarship programs that it made us decide to suspend most of the programs.
We regret to inform you that you were one of those students decided to have their scholarships removed...
Pagkabihis na pagkabihis niya ay agad siyang lumabas ng kwarto at umakyat sa rooftop nila.
Nasa baba lang naman itong si Maia at nakangiti parin na nag-handa ng kanilang hapunan ni Adrian. Pagkatapos noon ay tahimik na siyang umupo at naghintay para bumaba siya at ng makakain narin sila.
Habang naghihintay siya ay tinitingnan niya ang orasan sa dingding at nakita niya na mga 8:30 na.
"Baka nagpahinga lang yun ng saglit," nasambit niya at tuloy parin siya sa paghihintay.
Ang saglit na naisip niya ay naging oras. At nagpauli-uli narin siya sa kusina kakainit ng pagkain nila, at may sandali din naman na pupunta siya sa living room para manood.
Ang ngiti niya kanina ay unti unti ng napawi at doon pagkatapos ng pag-iinit niya ng pagkain nila ng pangatlong beses, ay nakita niya na 11:30 na.
Nagaalala na siya ng labis para kay Adrian kaya agad siyang umakyat para i-check sa kwarto niya si Adrian.
Nakita naman niyang medyo bukas ang pinto at maging ang ilaw at naisip nalang niya na baka nakatulog ito ng hindi sadya.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nakita nalang niya na wala pala siya doon, maliban sa isang papel na nakakalat sa kama at ang iba pa niyang gamit na nakakalat rin.
Sandali niyang binasa ang papel na nakasulat at tila hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Kinuha niya ito at pasimpleng dumungaw sa labas para i-check kung malapit lang si Adrian. Ng makaramdam na wala siya ay sinara niya ang pinto at binuksan ang laptop nito at agad na sinearch ang mga salita na hindi niya maintindihan.
Natagalan siya doon sa paghahanap, hanggang sa nakita na niya ang hinahanap niya at tila nahabag siya sa pagkakatanto ng ibig-sabihin ng papel.
Nagpanic siya at agad niyang hinanap si Adrian. Maka-ilang bese niya itong tinawag pero hindi ito sumasagot. Tumingin siya sa taas papunta ng rooftop at agad siyang umakyat roon. Pagkabukas niya ng pinto ay doon niya nakita si Adrian, nakaupo at pinapanood ang kalangitan.
"Adrian," mahinang tawag nito sa kanya.
Tumingin lang sa kanya si Adrian at nagulat sa luha na pinapatak niya mula sa mga mata niya. Agad na napatayo si Adrian dahil dito.
"Oh, bakit ka umiiyak, Maia?" tanong ng pagaalala ni Adrian habang pinupunasan niya ang mga luha nito.
"I'm sorry," ang nabanggit nalang ni Maia. Tapos ay niyakap niya ng mahigipit si Adrian na siya namang kinagulat nito.
"Bakit ka nag-sosorry?" tanong nito habang unti-unti niyang niyakap si Maia. Sinubukan ni Adrian na kumawala sa pagkaka-yakap ng girlfriend niya pero wala itong nagawa at lalo lang itong humigpit.
Natawa nalang siya dahil sa pagsubok niya ng pagtanggal ay iiling si Maia at hihigpitan pa ito. Niyakap nalang niya pabalik si Maia habang hinihimas ang ulo nito, pagkatapos ay hinalikan niya ito sa bunbunan.
Maya-maya pa ay bigla ng kumawala si Maia sa pagkakayakap nito, "Kumain na tayo sa baba. Gutom na ako," sambit niya habang pinapatuyo niya ang mga luha niya.
"Oh sige una kana, susunod narin ako. Sorry kung pinaghintay kita," sambit ni Adrian.
Tumango nalang si Maia at agad na bumaba at inayos ang hapag kainan nila.
Maya-maya pa ay nag-ring ang phone niya at napatigil siya sa tumatawag. Dahan dahan niyang sinagot ang phone.
Hanggang kelan mo balak patagalin to? sambit ng boses sa cellphone.
"Konti nalang, hayaan mo ako makapag-paalam ng maayos," pakiusap tila ni Maia.
The more you delay this, the worse he'll suffer. Hindi lang scholarship niya ang titirahin ko, Maia, sambit muli ng boses tila tinatakot na siya.
Napabuntong hininga nalang si Maia, "Malapit na. Bigyan mo nalang ako ng kaunting panahon,"
Napabuntong hininga nalang naman ang babae sa kabilang linya, Fine.
"Salamat, Ate Alice," sambit niya at doon naputol ang linya.
"Oh ang sarap pala niyan ah. Tara kain na tayo," sambit ni Adrian na nasa likod na pala niya at nasurpresa siya.
"Tara kain!" sambit ni Maia sabay ngiti. Tila may tinatago siya kay Adrian.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Novela JuvenilImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...