Ch. V, Prt. V: Piña Colada

553 16 0
                                    

tanghaling tapat at makikita mo ang madaming taong nag-eenjoy sa beach. Mga batang naglalaro at of course, mga turista na naroon para enjoyin ang kagandahan ng resort at lugar. Pero ang mga mata ni Calaeno ay nakadikit lamang sa dalawang tao sa buong tabing dagat. Ang kapatid niyang si Maia at si Adrian.

Pinapanood niya ang dalawang ito mula sa lilim habang umiinom siya ng Pina Colada. Naka-bathing suit din siya noon na may tapis na see-through na bahag na nakatali sa may bewang niya, habang suot parin ang sun hat niya.

"Ah miss kanina pa ho kayo dito. May oorderin na ho ba kayo?" tanong bigla kay Calaeno ng isang waiter.

Tumingin lang siya sa waiter ng biglang nag light blue ang mga mata niya, "Dalan mo nalang ako dito ng makakain. On the house. Maliwanag ba?" mistulang pag-uutos nito.

Di naman nag-react agad ang waiter ng sumagot na ito, "Of course, on the house po. Sige po kunin ko na yung pagkain niyo." pagkatapos ay umalis na ito.

Binalik niya ang tingin nito sa dalawa. Curious na curios siya kay Adrian. Kanina pa siya mistulang inaakit ni Maia simula kagabi pa pero parang wala paring nangyayari.

(Italic)Bakla ata to eh. Naisip niya. Pero mula sa layong yun alam niya ang bawat pag-hinga nito ng malalim sa tuwing mag-sstretch si Maia sa harap nito.

Di niya maintindihan kung bakit nakakatagal si Adrian ng ganito. Kontrolado na niya ang kapatid niya, inutos na dito na gawin ang lahat ng bagay na makakapag-pasaya at bigay aliw kay Adrian pero, parang wala namang balak gawin itong lalaki na to sa kapatid niya. Napangisi nalang siya sa pagkabilib kay Adrian.

Mukhang dapat sineryoso niya ang sinabi sa kanya ng mga kapatid niyang nauna pa sa kanya. Pero kailangan na niyang siya ang kumilos at tapusin na to. Bago pa dumating ang ate niya. Bigla siyang kinabahan kung ano ang pwedeng gawin ng kapatid niya. Lalo na't sa kanya na nanggaling na huwag ngang bababa dito.

"Adrian, palagay naman ng sunblock likod ko oh." sambit ni Maia tapos humiga na siya ng patalikod sa may at na nakalapag sa buhanginan.

"Ha? Okay." sambit nito at nag-ready na si Adrian.

"Gamitin mo to." sambit ni Maia at inabutan siya nito.

Kinuha naman ni Adrian ang sunblock at nagulat nalang sa ginagawa ni Maia, "Anong ginagawa mo? BAt mo tinatanggal yung strap nung pantaas mo?" nauutal na sinabi ni Adrian.

Tumingin naman si Maia kay Adrian at ngumiti, "Ano kaba, para malagyan mo ng maayos yung likod ko ng sunblock."

Natawa nalang si Calaeno mula sa malayo sa naging reaksyon ni Adrian. Excited na siyang malaman ang gagawin ni Adrian, natatawa din siya sa reaksyon nito.

Buti nalang talaga at naririnig at nakikita ko ang mga pinaggagawa ng mga na ko-control ko. Nakakatawa. Sabi niya sa isip niya ng dumating na ang pagkain.

"Dalan mo narin ako ng bagong Piña Colada." utos nito sa waiter at agad tong sumunod.

Sinimulan ng i-apply ni Adrian ang sunblock sa likod ni Maia. "Wag mong madaliin ah. Take your time lang, Adrian. Enjoyin natin to." sambit ni Maia.

Napapikit si Calaeno nung mga sandaling iyon dahil ramdam din niya ang nararamdaman ng kontrolado niya. Grabe sarap pala ng kamay niya. Sambit nito sa isip niya. Napakagat labi siya dahil may naisip siya para subukan pang i-push ang itong boyfriend ng ate Maia niya.

Habang tuloy lang sa pag-aapply ni Adrian, bigla naglalabas ng mahihinang ungol si Maia. Sa una ay hindi niya napapansin to hanggang sa unti-unti na niyang naririnig ang paglakas ng pag-ungol niya.

Napakunot ang noo ni Adrian sa ginagawa ni Maia. Napahinga narin siya ng malalim habang ginagawa to. "Grabe, Adrian. Ang sarap talaga ng mga kamay mo. Aahhhh" sambit ni Maia na medyo malakas. Pinagpapawisan si Adrian sa ginagawa ng Girlfriend niya. Tapos napapansin niyang natingin sa kanila ang mga tao. "Grabe, sarap din ng mga daliri mo. Aaahh"

Tuloy lang sa pag-oberserba si Calaeno sa malayo. Nagpipigil siya ng tawa. "Ay nako, Adrian. Kagatin mo na. Minsan lang to." nasabi nalang niya.

"Adrian." pagatawag ni Maia.

"Ano yun?" nangangatog na sagot ni Adrian habang tuloy lang siya sa pag lagay ng sunblock.

"Lagay mo narin yung legs ko. Para ma-enjoy ko pa paglalangoy." sambit ni Maia habang nakangisi sa boyfriend niya. Humarap naman ng higa si Maia habang hawak ang tapis sa pang-itaas niya. "Legs." sambit nitong muli. Napanganga nalang si Adrian ng ginawa na niya ang pakiusap ni Maia.

Tinuloy na ni Adrian ang paglalagay ng sunblock sa legs nito. Nandoon parin ang mga ungol ni Maia. Napupukaw na nila ang atensyon ng lahat ng dumadaan at katabi nila. Palalim ng palalim na ang mga hinga ni Adrian.

Ganun din naman si Calaeno na ramdam na ramdam ang ginagawa ni Adrian sa Ate niya. "Grabe, Adrian. The best ka talaga ang iyong mga kamay mahal. Alam mo talaga kung paano gamitin ang mga kamay mo." sambit ni Maia habang nakapikit ito.

"Adrian, pati yung tummy ko. Lagyan mo narin." sambit bigla Maia at napatigil doon si Adrian.

"Ha?" tanong ni Adrian ng humiga na si Maia paharap habang hawak ang pang-itaas niya, tapos tinuro ni Maia ang tinutukoy niya. "Oh my god." sabi niya.

Sinimulan narin niyang lagyan ang tiyan ng girlfriend niya. Dahan-dahan ang niyang hinaplos ang sunblock sa tiyan ni Maia at tuloy parin ang pag-unggol ni Maia. Umaangat pa ang likuran ni Maia habang nakapikit at tila ine-enjoy ang sandali. Padalas ng padalas ang pag-ungol ni Maia hanggang sa biglang kinuha ni Adrian ang tuwalya sa isang tabi, biglang tumayo habang hawak ito sa may bandang harap niya.

"Na-iihi ako, Maia. Balik ako. Tapos na yung pag-lalagay ko ng sunblock. Langoy kana at sunod nalang ako." sambit ni Adrian. Nakatingin nalang naman si Maia sa kanya at kagat labing nakangiti.

"Sige." tapos umalis na si Adrian.

Si Calaeno naman ay nakatayo narin sa mga oras na yun at tila malalim din ang mga paghinga. Tumingala siya at inayos ang sarili pagkatapos ay umalis na.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon