Kakatapos lang maglinis ni Maia ng bahay. Pero wala pa siyang balak magpahinga noon. Chinecheck niya ang lahat kung nakaayos na. Ang mga upuan, kung malinis naba living room, ang pati narin ang kusina. Naka ilang ulit siyang i-double check ang lahat hanggang sa nasatisfy na siya na nakaayos na nga ang mga ito.
Umupo nalang siya sa may sofa at makailang-ulit na nagpatingin-tingin sa orasan. Hinihintay niyang makabalik galing university si Adrian. Tig-kabilang dulo ng tenga niya ang ngiti aang nakapinta sa mukha ni Maia dahil narin sa surpresang inihanda niya para kay Adrian.
Excited na excited siya habang naghihintay para sa boyfriend niya. Di napapa-imagine tuloy siya kung ano ang magiging reaksyon niya. Di siya makapagpigil sa tuwa.
Maya-maya pa habang nagde-daydream siya ay narinig niyang bumubukas na ang pinto. Tumingin siya at doon nakita niya si Adrian, kaso nawala ang ngiti sa mukha niya ng makita niya na tila parang may hindi magandang nangyari sa araw niya.
Lumapit nalang siya kay Adrian para kunin at alalayan ang boyfriend niya. Para subukang pasayahin manlang ito, pero dumeretyo lang si Adrrian sa sofa, at nilapag nalang ang bag sa isa pang upuan.
Di alam ni Maia ang gagawin kaya kinuha nalang niya ang bag niya at inilagay sa tamang lagayan. Pagkatapos ay tinabihan niya si Adrian at hinawakan sa kamay.
"Kumusta araw mo, Adrian?" tanong nito. Pero tuloy lang ang tila pag-hihilot nito sa noo niya. Naisip agad ni Maia na tumayo at hilutin ito para sa kanya.
"Salamat, Maia." ang sambit lang ni Adrian.
Sandaling yumuko si Maia para i-kiss si Adrian pagkatapos ay tinuloy ang paghihilot, "Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" pagtatanong nito ulit.
"Eh kasi. Biglang tinanggal yung credits ko dun sa planetarium. Parang mag-sisimula ako ulit." natigilan si Maia sa sinabi ni Adrian. "Tsaka biglang nagbago yung policies ng course ko sa school. Baka matanggal pako dun kasi parang mag-sasala sila." dagdag niya.
"Mag-sasala?" pagtataka ni Adrian.
"Ano, parang magtatanggal ng students. Baka mapasama ako dun." paliwanag ni Adrian.
"Ha? Eh diba sabi mo naman performing student ka sakin dati? Bakit naman mapapasama ka?" pagtataka nitong si Maia.
"Pati yung system of grading babaguhin. Experiment daw. Titingnan kung ano magiging-resulta." tapos napapikit nalang si Adrian, "Ang sarap ng mga kamay mo, Maia. Tuloy mo lang yan." sambit nito habang tuloy lang si Maia sa paghihilot ng ulo niya.
Tila biglang nangamba siya sa mangyayari sa boyfriend niya. Di niya maiwasang maguilty para dito.
"Ikaw, anong ginawa mo buong araw?" biglang tanong ni Adrian habang marahan niya hinila si Maia para umupo sa tabi niya. Pagkatapos ay inakbayan niya ito.
"Ha? Uhmm, may handa ako para sayo sa taas. Maligo ka muna, tapos punta ka sa roof top. Hehehe." sambit ni Maia.
Napatingin naman si Adrian sa may kusina at napansin niyang walang pagkain, "Hmm, di kapa ba nakakaluto?" tanong nito.
"Basta." pagtulak ni Maia papatayo kay Adrian, "Maligo kana muna para preskong-presko ka." dagadg nito.
"Sige na nga." tapos tumuloy na si Adrian sa pagligo. Agad na hinanda ni Maia ang mga kailangan niya. Pati narin yung inumin nila sa ref kinuha na niya at doon, ay agad siyang umakyat sa taas.
Inihanda niya ang latag na pagkakainan nila. Sinindihan ang ilang ilaw na naka-prepare narin doon. Pati narin ang mga pagkain na kanina pa niya inihain ay ini-ready narin niya. Binuksan niya narin ang stereo para magkaroon ng music.
Maya-maya pa ay dumating na si Adrian matapos maligo. Nagulat siya sa nakita niya. "Gawa mo tong lahat?" tanong ni Adrian habang hindi parin makapaniwala sa surprise dinner na ginawa ni Maia.
"Oo! Hehehe, nagustuhan mo ba?" tanong ni Maia.
Di na nakapagsalita si Adrian. Nakatindig siya sa harap ni Maia habang tinitingnan ang kagandahan ng ginawa ni Maia. Hinihintay ni Maia ang sagot ni Adrian ng tumingin na ito sa kanya, at hinawakan siya sa balikat. "I love you." tapos hinalikan niya ito.
"I love you too." sagot pabalik ni Maia, at doon sinimulan nila ang kanilang dinner date sa ilalim ng Pink sky.
Masaya noon si Maia. Nawala ang kaninang pagod at pag-aalala ni Adrian. Tuloy lang sila sa paguusap at pagtawa sa kung ano-anong mga naiisipan nila.
"Saan mo nga pala kinuha itong wine?" tanong ni Adrian.
"Ay, yan ba. Uhmm binili ko lang yan kanina. Hehehe." sagot ni Maia habang kumakain.
"2012 Harlan Estate, Napa Valley. Sarap ah. Hehehe anong meron ngayon?" tanong ni Adrian.
"Uhmm wala naman. Gusto ko lang bigyan ka ng espesyal na gabi. Ayos naba?" tanong ni Maia.
Napangiti naman si Adrian at hinawakan ang kamay ni Maia, "Espesyal naman lagi ang gabi ko pag kasama kita eh. Pero oo. Napaka-espesyal pa nito lalo. Thank you."
Napansin niyang naubos na ang wine ni Adrian sa wine glass at agad siyang tumayo, "Teka ipaglagay kita. Wait lang." tapos pumunta sa may Wine para kunin ito.
"Teka magkano nga pala to?" tanong ni Adrian.
"Wag mo ng isipin yun. Hehehe." sabi ni Maia ng mapansin niyang naka-receive siya ng message mula sa phone niya nakalapit ng wine.
Tumingin siya ng saglit kay Adrian bago ito binasa.
Hanggang kailan mo patatagalin to? Sa bawat araw na itinatagal mo diyan, sisiguraduhin kong unting-unti na mawawala kay Adrian ang lahat. Do not make me wait...
Nawala ang ngiti ni Maia. Napahinga siya ng malalim. ki-nompose niya ang sarili niya at pininta ang pekeng ngiti muli sa mukha niya at bumalik kay Adrian.
"Wine?" tanong nito na may ngiti kay Adrian.
"Yes please." sagot naman niya.
Nakangiti lang si Maia habang pinaglalagay niya si Adrian ng wine niya. Pinipigil ang nagbabadyang pagtulo ng luha niya.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Teen FictionImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...