Chapter I: Part I: Earlier that day

6.4K 122 8
                                    

Busy day noon sa Planetarium. Meron kasing isang elementary school na napiling mag-field trip doon. Makukulit ang mga bata habang nagtatakbuhan ang ilan. Lunch break kasi nila.

"Oi bata wag ka diyan!" pag-saway ng isa sa staff doon sa ilang bata na piniling i-skip nalang ang buong itenirary nila at pumasok na sa loob ng observation room.

Sumunod na ang staff member sa loob para kunin ang mga bata. Nagtatakbuhan ang ilan sa loob habang hinahabol ng nag-iisang staff ang mga bata. Nakailang ikot pa sila sa loob hanggang sa nadapa ang staff member. Nagtawa naman ng malakas ang mga bata dahil dito.

Nainis ito at agad na tumayo para habulin ang mga ito hanggang sa tumakbo na ang mga ito palabas. Agad namang sumunod ang naiirita ng staff member at ang sumalubong sa kanya sa labas ay ang malakas na sigaw ng boss niya.

"Adrian!" sigaw nito. Kinabahan naman ang staff member dahil nakita siya ng boss niya.

"Pati ba naman sa napaka-daling duty mong to. Pumapalpak ka parin?!" dagdag nito.

"S-sorry na po. Bigla po kasing pumasok yung mga bata sa loob kaya hinabol ko po sa loob." sagot nito.

Napakamot naman sa ulo niya ang boss, "Diba sinabi ko sayo na i-lock mo yung pinto? Winarningan na tayo ng school diba?!"

"Sorry na po. Eto na nga po. Nakalimutan ko lang po." paghingi ng paumanhin ni Adrian.

Napahinga nalang ng malalim ang boss niya at napakamot ng ulo. "Nako naman Adrian. Ang tali-talino mo nga, sobrang makakalimutin ka naman. Para kapang liable dito sa Planetarium. Ilang beses ko na sinasabi sayo na ayusin mo mga naka-toka sayo dito?"

"Pasensya na ho talaga. Talagang nawala lang sa isip ko na hindi pa naka-lock yung mga pinto."

Napabuntong hininga nalang ulit ang boss ni Adrian sa mga oras na yun, "Naku, ang dami-dami mo nga nagagawang maganda dito sa Planetarium, ganun din naman karami yung pag-palpak mo. Pag hindi malaki, maliit. Pasalamat ka, at mabait pako nito Adrian ha! Kung hinde sinumbong na kita sa advisor mo sa RTU." sabi nito. 

Natahimik nalang noon si Adrian habang nakatungo at nilalaro ang kanyang mga daliri. Napa-iling nalang ang matanda noon at muling napabuntong-hininga, "Na ayos mo naba yung presentation para mamaya?" biglang tanong into.

Tumingin naman si Adrian sa boss niya, "O-opo. Naka-setup na lahat. Tinuro ko narin po kay Agnes mga gagawin niya para maayos yung palabas mamaya." sagot naman ni Adrian.

"Sigurado naba yan?"

"Opo ako pa." tapos ngiti naman sa boss niya.

"Naku, bakit hindi nalang kasi ikaw yung mag-present? Ano ba kasi gagawin mo mamaya?" sambit naman ng boss.

Natawa ng bahagya si Adrian, "Pasensya na ho talaga. Importante lang po kasi yung mamayang gabi." paliwanag nito.

"Hay hala-hala sige. Basta bumawi ka nalang sa lunes ha?"

"Opo, salamat po." sagot naman nito na may malaking ngiti sa mukha niya. Aalis na sana siya noon para gawin pa ang mga natitirang mga gawain niya ng hinawakan siya ng boss niya sa balikat niya.

"Sige na, tumuloy kana ng mapaghandaan mo mabuti yung gagawin mo mamayang gabi."

"Ha? Pero do pa po ako tapos dun sa pinapagawa sakin ni Agnes." katwiran ni Adrian.

"Hay nako-nako sige na ako na bahala Kay Agnes." sabi ng matanda habang tinutulak si Adrian. Di na siya nakaangal pa at agad naring tumuloy pauwi. 

Excited siya noong umuwi dahil handa na lahat ng kailangan niya para mamaya. Tatawid na sana siya ng sinalubong siya ng malakas na bosena. Muntik na siyang masagasaan ng jeep. Nasigawan pa siya bago niya naisip na dumaan muna sa isang kainan bago tumuloy pag-uwi.

Agad siyang umorder ng pagkain niya at agad narin siyang naghanap ng kanyang mauupuan. Ng may nasipat siyang bakanteng upuan ay agad na siyang tumuloy dito at tahimik na kumain ng paborito niyang siomai with rice. 

Maya-maya pa ay may lumapit sa table niyang babae at pumwesto sa harapan niya. Napatigil siyang kumain noon at dahan-dahan siyang tumingin sa babae. "Excuse me, but are you alone?" tanong ng babae.

Tila natatameme nalang si Adrian noon at napa-tungo nalang siya ng Oo sa babae.

Nakangiti naman sa kanya ang babae, "Can I sit here?" tanong nito. At ganun ulit ang naging sagot ni Adrian, "Thank you!" tapos bigla niyang tinulak si Adrian mula sa table. Natapon din ang kanyang pagkain noon habang biglang may mga iba pang babae na umupo sa table niya. Buti nalang at hindi natapon ang kinakain niya. Tinatawanan lang siya ng mga babae pero wala na siyang nagawa. 

Nakatungo na lamang siya at agad na inayos ang sarili, tumayo. At dali-daling umalis. Di nalang niya pinansin yun, tutal, hindi narin naman bago sa kanya ang ganung sitwasyon. Agad na lamang siyang sumakay ng LRT at kinalimutan nalang ang nangyari. 

Hindi rin naman niya masisisi ang mga babae kanina dahil narin hindi naman siya ganon ka-porma kung mag-ayos. Hindi naman talaga naging issue sa kanya yun. Talagang hindi lang siya ganoon ka sanay makipagusap sa ibang tao. Isa lang naman talaga ang kaibigan niya eh, ang masaklap lang ay sobrang dalang nitong umuwe galing ng Canada. Kaya halos mag-isa lang siya ngayon.

Medyo malayo pa ang kanyang uuwian noon, sa isang village sa Cainta.Pero ayos lang sa kanya yon dahil gusto naman niya ang ginagawa niya. Habang papasakay na siya ng isa pa muling LRT papunta naman ng Ortigas ay chinecheck niya ang phone niya. 

"Ayun ayos. Aabot pako." bulong nito sa sarili na may halong galak. Ang meteor shower na sobrang dalang lang sa Manila mangyari, ay makikita na niya. Matagal niyang pinaghandaan ang event na yun. Nabiyayaan pa siya noon dahil clear skies mamayang gabi ang kalangitan. Mas ma-eenjoy niya ang paparating na Meteor Shower. 

Habang nakasakay na siya ng LRT at nakikita na dumidilim na ang kalangitan. Nakatingin lang siya sa langit. Tila nag-aabang ng senyales ng paparating na Meteor Shower. At hindi rin nagtagal ay nakita niya ito. Tila nabuhayan siya ng dugo ng makita niya ang unang streak ng meteor sa langit. Napangiti na lamang ito at bigla niyang naalala ang isang article na nabasa niya sa internet. 

Inisip-isip niya yun, ng bigla niyang maisipan na subukan yun. Hindi naman talaga siya naniniwala sa mga bagay na katulad noon, pero naisip niya rin na, wala namang mawawala kung susubukan niya. Huminga siya ng malalim at sandali niyang pinikit ang kanyang mga mata. Maya-maya pa ng tila natapos na niyang gawin ang sa tingin niya, kalokohan. Biglang may matingkad na blue meteor, na dumaan sa kalangitan. 

Nagulat si Adrian sa mga oras na yun, dahil sa pagkakaalam niya, hindi normal ang nakita niya.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon