Ch. I, Prt. IV: The Oblivious girl named Maia

2.6K 90 11
                                    

Hindi alam ni Adrian ang iisipin niya sa mga oras na yun. Nakatingin lang sa kanya ang babaeng nag-ngangalang Maia na parang walang off sa sitwasyon. "Teka sumasakit ulo ko sayo." sabi ni Adrian tapos umupo.

Inabot ulit ni Maia ang tubig kay Adrian. Agad-agad naman itong uminom, "Naku, mainit ba? Buksan ko lang yung pampalamig mo dito." tapos lumakad papalayo itong si Maia habang nagtitig lang si Adrian, tila sinusubukan paring i-process ang nangyayari.

"Uhmm, Adrian." tawag ni Maia mula sa kusina.

"A-a-ano yon?" sagot niya.

"Tulungan mo naman akong itapat diyan itong malaking-puting kahon oh." sambit nito.

Napakunot ang noo ni Adrian. Malaking-puting kahon? Hindi niya agad nilingon si Maia habang iniisip niya kung ano ang tinutukoy nito. At lumipas ang ilang minuto ay na-gets na niya ang tinutukoy ni Maia. Agad siyang tila nabuhayan ng dugo at agad na sumugod sa kusina.

Doon, nadatnan niya na tila sinusubukang hilahin ni Maia ang Refrigerator niya. 

"Anong ginagawa mo?!" malakas na nasabi ni Adrian.

"Ehh--" tapos sinusubukan niya uling hilahin ang ref, "baka naiinitan ka. Tsaka napansin ako na nag-bubuga ng malamig na hangin itong kahon na to sa loob. Kaya naisip ko na buksan ito at itapat sayo para malamigan ka." sambit nito at sinusubukan niya parin na hilahin ito.

Agad namang itinayo si Maia at hinila pabalik ng sala. "Maia, ang refrigerator ay para sa kusina lang. Ok? Eto ang bubuksan mo kung maiinitan ka dito sa bahay." tapos tinuro niya ang aircon na malapit sa may pader. "Ganito mo siya bubuksan." dagdag nito habang tinuro niya kay Maia ang pagbubukas nito. 

Lumuhod rin si Maia para malapitan niyang makita ang tinuturo sa kanya ni Adrian. "Oh ayan, nakita mo?" tanong bigla ni Adrian tapos tumingin kay Maia. Hindi nito namalayan na malapit pala ang mukha nito sa mukha niya.

Tumingin agad si Maia sa kanya at ngumiti, "Oo alam ko na." sagot naman nito. Namula nalang bigla ang mukha ni Adrian at agad na napatayo at umupo muli sa sofa.

"May kailangan kapa ba?" tanong ni Maia habang nakatayo lang ito sa harap niya.

"Wala na." sagot lang nito. Pagkatapos ay tumahimik nalang silang pareho. Nakatayo parin si Maia sa harap ni Adrian. Tila nag-aantay kung may papagawa ito sa kanya. 

"Uhm, Maia. Nung hinalikan mo ako, yung lingwahe ko lang ba ang nakuha mo?" tanong ni Adrian.

"Oo. Yun lang naman. Bakit?"

"Eh first kiss ko nga yung kinuha mo eh." bulong ni Adrian.

"Ano yun?"

"Wala. Ano gagawin mo ngayon dito?" 

"Uhmm, magiging girlfriend mo ako. Yun yung wish mo kahapon diba?" sagot nito na may ngiti sa mukha niya.

"Alam mo ba kung paano maging girlfriend?" tanong naman ni Adrian.

Sandaling nag-isip si Maia at sumagot, "Hindi eh. Pero tuwing napapadaan ako sa mundo niyo. May nakikita naman akong mga, magkasintahan. Kaya alam ko lang is, magka-holding hands tapos yakap. Yun lang."tapos medyo tila kinilig ito at napahawak sa mukha niya, "Tuwing iisipin ko na gagawin ko na yun. Tumatalon ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit." dagdag nito.

Iniwasan nalang ni Adrian na dagdagan pa ang mga tanong ni Maia at agad niyang iniba ang topic, "Maliban sa pagtupad mo sa wish ko. Ano pa gagawin mo?" 

"Uhmmm. Yun lang eh." tapos napatingin ito kay Adrian, "May iba pa ba dapat akong gawin maliban dun?"

Napahinga nalang ito ng malalim bago sumagot, "Naku, hindi naman pwedeng lagi kang nakabuntot sakin. Dapat matuto karin ng mga gawain dito sa mundo namin."

"Hala oo nga!" pag-aalala nito at tila nawala ang ngiti niya, "kailangan marunong din ako ng mga ginagawa niyo. Baka malaman nila na hindi ako taga dito sa inyo." tapos tila parang iiyak na siya sa pangamba.

Tumingin ito bigla kay Adrian ng biglang bumalik ang ngiti nito, "Alam ko na!" sigaw nito tapos hawak sa braso ni Adrian, "turuan mo ako para hindi ako mahalatang hindi ako taga dito!"

"T-t-t-teka. Magtatagal kaba dito?" tanong ni Adrian.

"Oo. Girlfriend mo na ako eh. Kaya dito nako, kasama mo. Simula ngayon!" tapos bigla nitong niyakap si Adrian ng mahigpit.

Tila umalis na ang kaluluwa ni Adrian mula sa katawan niya ng nagpaulit-ulit sa isip niya ang sinabi ni Maia. 

"Uie Adrian. Turuan mo ako ng mga gawaing pang-tao dito sa mundo niyo ah! Para makahalobilo ako dito na parang normal na tao!" dagdag pa nito habang niyuyugyog na nito si Adrian.

"Oo na! Oo na tuturuan kita! Tigil mo na pag-alog sakin!" ang nasagot nalang ni Adrian.

"Yehey! Salamat Adrian! The best ka talaga!" sagot naman muli ni Maia tapos ay niyakap niyang muli ito.

"Oh sige na, sige na. Bitawan mo na ako." sabi ni Adrian, at yun naman ang agad na ginawa ni Maia.

"Para hindi ka mapag-kamalan na taga-ibang lugar, oh alien. Kailangan hindi halatang hindi ka tao. Sa itsura mo ngayon..." tapos tiningnan niyang mabuti si Maia, mula paa hanggang ulo.

Maganda siya ah. "Adrian?" biglang tawag ni Maia.

"Bakit?"

"Ang tagal mo kasi akong tiningnan. May mali ba sakin?" tapos tiningnan na niya ang sarili niya. Chineck kung may mali sa anyo niya.

"Ah nako-nako! Wala! Maganda ka nga eh! Sobra!"

"Talaga? Napapatalon mo nanaman ang dibdib ko, Adrian. Salamat." sambit ni Maia na may ngiti.

Bigla din namang tumalon ang puso ni Adrian sa ngiti nito at agad niya agad clinear ang throat niya. "Oo maganda ka. Pero yang buhok mo."

Napahawak naman si Maia sa buhok niya, "dapat itim yan. So kailangan nating kulayan yan--"

Di na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil agad na nagpalit ng kulay ang buhok ni Maia. Mula sa napakatingkad na puti papunta sa magandang itim. "Ayos naba?" tanong ni Maia.

"Oo. Tapos yang mata mo."

"Ah, bakit? Pangit ba?"

"Hindi naman. Sobrang tingkad lang kasi ng pagka-blue niya."

"Alam ko na! gayahin ko nalang yang mata mo Adrian!" tapos pinikit niya ang mga mata niya. 

"Ha? Mga mata ko? Bakit naman--"

Tapos biglang nag-mulat ang mga mata nito, at bumungad sa kanya ang napaka-gandang kulay brown na mata, cognac. "Te-teka yan ba ang kulay ng mga mata ko?"

"Oo. Ang ganda nga eh. Para siyang yung bagong star na ginagawa, katabi lang namin sa kalawakan. Kaya nagustuhan ko siya!" Napangiti naman si Adrian doon at napakamot nalang ng ulo dahil napa-blush siya. Wala pa kasing nakakapag-sabi sa kanya na maganda ang mga mata niya.

"Oh sya-sya. Sisimulan na natin ang pag-aaral mo. Ang una. Gawaing bahay! Ready kana ba?!" 

"Ready na!" sigaw ni Maia. 

Nakangiti lang si Adrian habang pinag-mamasdan si Maia. Mukhang magiging masaya ang weekend niya.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon