Kinagabihan noon at nasa isang restaurant na sina Adrian at Maia para kumain ng hapunan. Nasa CR si Adrian ng mga oras na yun tila naghihimasmas at pilit na kinokontrol ang sarili. Napahinga nalang siya ng malalim at tsaka pinalo ang tigkabilang pisngi niya ng marahan.
"Malapit na matapos itong bakasyon na to, Adrian. Matatapos din to." sambit niya sa sarili niya. Pinapalakas ang loob na kayanin pa ito at ngumiti. Maya pa ay bigla niyang naalala ang sinabi ng kapatid ni Maia.
Let me be the last to come down here. You might not like what comes next.
Napaisip siya kung ano yung ibig sabihin ni Calaeno doon. Ganun ba talaga ka nakakatakot yung ate nila?
Shinake nalang niya ang ulo niya at lumabas na ng CR ng bumulaga sa kanya si Calaeno.
"Hello." sambit niya.
"Teka anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Wala. Kinukumusta lang kita." tipid na sagot ni Calaeno.
"Bakit naman?" tanong ulit ni Adrian.
"Mukhang tense ka parin gawa kanina eh." tapos natawa nalang si Calaeno.
"Hindi ah. Pwede bang ibalik mo nalang si Maia sa dati?" pakiusap ni Adrian.
"No. Diba sabi ko regalo ko sa inyong dalawa ito?" tapos ngumisi lang si Calaeno.
Napakamot nalang sa ulo si Adrian, "Eh hindi naman tama to. Tsaka alam ba niya yung ginagawa niya?"
"Oo naman. Pinakawalan ko lang yung tinatago niyang kagustuhan. Pero kontrolado ko din siya. Hehehe." sambit niya. Napahinga nalang naman ng malalim si Adrian habang si Calaeno ay kitang-kita na tuwang-tuwa sa reaksyon nito.
"Bakit mo natanong? Akala mo ba wala siya sa sarili niya? Hmmm parang ganun na nga. Pero wag kang mag-alala. Alam na alam niya ang pinag-gagagawa niya." dagdag ni Calaeno.
"Bakit mo ba ginagawa sa kapatid mo to?" tanong ni Adrian.
"Hay nako, Adrian paikot-ikot nalang tayo diyan. Regalo ko nga sa inyong dalawa. Kasi pagkatapos nito. Aalis na kaming dalawa." paliwanag ni Calaeno.
"Bakit ba hindi niya nalang kami hayaan? Wala akong gagawing masama sa kapatid mo na hindi niya magugustuhan. Pangako ko yan." sabi naman ni Adrian. Nawala ang ngiti ni Calaeno.
"Yun nga yung pinakamahigpit na bilin ng ate namin samin." sambit ni Calaeno.
"Pero bakit? Anong dahilan? Bakit hindi niyo nalang siya hayaan? Hayaan kami." pagpipilit na malaman ni Adrian ang sagot. Hindi niya talaga kasi maintindihan kung bakit ganito ang mga kinikilos ng mga kapatid ni Maia. Pero hindi nalang nakasagot si Calaeno. Umiwas nalang ito ng tingin.
"Family matter yun. At hindi kapa parte at hinding-hindi ka magiging parte ng pamilya namin." tapos tumingin nalang ulit si Calaeno kay Adrian, "Pwede ba. Sinusubukan ko kayong bigyan ng magandang alaala ni Maia, kung gugustuhin ko matagal na kaming umalis. Kaya please, try to enjoy this gift nalang." dagdag niyya tapos hinaplos niya ang pisngi ng nag-gagalaiting si Adrian.
"Mas-gugustuhin ko pa na nasa sarili niya si Maia kesa sa ganito." sagot nalang ni Adrian.
"Eh pano naman kasi ang bagal-bagal mo. Sinabi na sakin ng mga kapatid ko na ang dami mo na daw chance na umarte na boyfriend na maayos kay Ate Maia pero wala paring nangyayari. Hanggang holding hands, hug at kiss palang kayo. Pero di naman kayo makapag-date. Di mo siya malabas." inis na sinabi ni Calaeno.
"Hindi ah! Nailalabas ko siya minsan!" katiwaran ni Adrian.
"Ay oo nga noh. Teka uhmm isipin natin. Lumalabas kayo pag-namamalengke lang kayo. Ahh, pag may kailangan lang kayong bilhin sa mall, pagkatapos uuwi narin. Tuloy ko?" sabi ni Calaeno.
"Nanuod na kami ng sine!"
"Kasama niyo si Taygeta noon." sagot agad ni Calaeno.
"Tsaka nagpunta na kami ng Megamall."
"Sabi ni Electra dahil yun sa tatay mo. Kaya wag kang ano. Naiirita nako sayo ah." baling naman ni Calaeno agad.
Totoo nga naman. Di niya malabas si Maia. Hindi niya kasi alam kung papano yung ganito. Paano mag-date. Ito lang ang first time nilang sila lang dalawa.
"Kita mo napaisip ka? You've already wasted precious time. Napaka-lenient ng mga kapatid ko sayo when every single one of them could've made you give Ate Maia up. So I am giving you this time para matapos ito ng maayos at para narin makapag-goodbye ka." sabi ni Calaeno.
Di na alam ni Adrian ang iisipin niya. Basta ang alam niya, nandoon parin si Maia sa restaurant at hinihintay siya. Kung kelan nagiging malapit na sila sa isa't-isa, kung kelan magkasama na sila ito pa ang sasalubong sa kanila.
"Ano? Can you please, just enjoy this? Wag kang ma-konsensya sa kahit ano mang gawin mo kay Ate, promise. Alam niya lahat yan. Tsaka share ko lang sayo. Star si Ate. Kontrolado ko siya pero hindi ganoon ka-lakas. She's still there, a bit." paliwanag ni Calaeno. "Alam mo, hindi sinabi ng mga kapatid ko na cute ka. Una na ako. Hindi na kita i-hohold up pa. Punta kana sa kapatid ko at enjoyin mo nalang ang oras niya." tapos umalis na si Calaeno.
Ilang sandali na nakatayo doon si Adrian bago siya bumalik sa table nila ni Maia. Umupo siya at uminom ng tubig.
"Oh, ayos ka lang ba? Parang matamlay ka?" pagaalala ni Maia.
Napatingin naman si Adrian sa kanya at nakita niya ang concern na mukha nito, kahit na alam niyang under siya sa spell ni Calaeno. Ngumiti siya dito at sinabi, "Ayos lang ako. Madami lang tao sa CR."
Ngumiti narin si Maia, "Buti naman. Akala ko masama ang pakiramdam mo or what. Madami pa naman akong plano mamayang gabi."
"Ha?" na-blankong sagot ni Adrian.
"Wala. Kain ka marami para marami kang energy ha?" sabi ni Maia habang nag-taas-baba ang kilay niya.
Natawa nalang ng mahina si Adrian at napalunok, "Sige." ang nasagot nalang niya.
Nandoon pa nga si Maia, pero pero natatakot na siya dahil hindi niya alam kung totoo ba talagang saloobin ito ni Maia, or pinupush lang siya ni Calaeno.
Habang nasa labas si Calaeno at naglalakad papunta sa kanyang kwarto ay nagulat siya sa mga lalaking nakatayo sa may pintuan ng hotel room niya.
"Who are you?" tanong nito sa dalawa pero tiningnan lang siya ng mga ito. Tumabi sila habang ang isa ay binuksan ang pinto ng kwarto niya.
Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto at nagulat nalang siya sa nakita niya sa loob. Nangatog ang mga binti at tila ng hina siya. Marahan siyang tinulak ng dalawang tao sa labas papaloob pagkatapos ay sumara na ang pinto sa likod nila.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Teen FictionImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...