"Ok Maia, simulan muna natin sa paglilinis ng bahay habang iniisip ko pa ang gagawin ko sayo. Ayos ba yon?" sabi ni Adrian.
"Ok!" sigaw nito kasabay ng pagsuntok pataas. Inabot ni Adrian ang pamunas kay Maia.
"Ok. Gusto ko yan, may enthusiasm ka. Ngayon, magsimula ka muna sa madali. Punas mo muna ang mga table top. Pati narin ang may mga dust dito." pagturo nito sa mga pupunasan ni Maia.
"Uhm ok. Ikaw anong gagawin mo?" tanong ni Maia.
"Ah ako, mag-wawalis muna ako sa taas." tapos biglang may naalala si Adrian, "Nga pala. Naglinis kaba sa kwarto ko kagabi?" tanong nito.
"Uhmm, inayos ko lang ulit yung kwarto mo. Ang kalat-kalat kasi." sabi ni Maia habang sinimulan na niyang mag-punas sa table.
Napakunot naman ang noo ni Adrian. Eh sira ang pintuan ng balcony niya at tila parang pinasok sila ng mag-nanakay noon. "Teka paano mo nagawa yun, eh sobrang kalat sa kwarto kagabi?" pagtataka ni Adrian.
"Uhm. Hmm pano nga ba?" tila nagisip pa ito, "Clinap ko lang kamay ko tapos bumalik na lahat sa dati." tapos napatingin siya kay Adrian.
"Ha?"
"Clinap, ganito." tapos binitawan niya sandali ang pamunas at doon, clinap niya ang kanyang mga kamay. Pagkatapos, biglang luminis ang lahat, na kinagulat ni Adrian, maging si Maia na tiningnan lang ang paligid. "Ay. Ayan oh. Malinis na!" sabi nito habang nakangiti at nakatingin lang sa kanya si Adrian.
"La-la-lagi mo ba talagang nagagawa yan?" tanong ni Adrian.
"Uhm, alam ko. Pag-bumaba ang isang star dito sa Earth, may dala silang dalawang kapangyarihan. Isa ito sa mga nadala ko." sagot ni Maia.
"Eh ano naman yung isa?" tanong agad ni Adrian.
Sandaling nag-isip si Maia noon. Kinuha niya ang basahan at tila nagpunas ulit ng table habang iniisip kung ano yung isa pa niyang nadala. "Di ko maalala eh. Pakita ko nalang pag nalaman kuna ulit ha?" sagot nito kay Adrian.
Napahinga nalang ito ng malalim at napa-iling. Nakatingin lang sa kanya si Maia, "Oh, anong problema? Masakit ba ulo mo?"
"Oo." sagot ni Adrian. "Tigil mo na yan, umupo ka nalang sa sala at manood ka ng TV. Maglilinis lang ako sa taas." sabi niya at hinila si Maia sa may living room.
"Nye? Eh pano yung mga gawain dito. Diba tuturuan mo pako?" tanong nito. Pinaupo na siya ni Adrian sa sofa at binuksan nito ang TV.
"Mamaya nalang pag-tapos nako sa taas."
Tumayo si Maia, "Tulungan kita."
"Hindi na. Mawawalan ako ng gagawin. Wala akong pasok ngayon. Baka ma-bored ako mamaya pag hinayaan kitang gawin lahat dito. Mamaya nalang kita turuan. Manood ka nalang muna diyan, ha?"
Tumungo lang naman si Maia at doon iniwan na ni Adrian itong nanonood, habang siya naman ay tumuloy na sa taas para maglinis.
Habang nasa naglilinis si Adrian sa taas, ay tila parang hindi parin siya makapaniwala na totoo ang mga nangyayari.
"Hay nako, sa isang masamang panaginip lang to. Kung ano-ano kasi ang binabasa ko sa internet." sabi nito sa sarili nito habang naglilinis.
"Adrian!" narinig niya ang pagtawag ni Maia mula sa baba. Parang bumigat ang loob ni Adrian ng marinig niya ito.
"Hinde. Totoo to. Hindi ko alam kung bakit, pero totoo to." sabi nito sa sarili.
"Adrian!"
"Oh!? Ano yon?" sigaw nito mula sa taas.
"Paano palakasin ang boses nila dito?!" tanong nito. Sandaling napaisip si Adrian bago sumagot.
"Yung remote control na nasa maliit na table sa harap mo. Kunin mo tapos hanapin mo yung plus-sign diyan tapos pindutin mo!"
Sandaling hinanap ni Maia ang sinasabi sa kanya ni Adrian. Ng makita niya ay agad niyang hinawakan ito at doon, hinanap niya kung ano ang tinutukoy ni Adrian. Ng makita niya ito ay pinindot niya ito, at sa laking gulat niya, ay lumakas ang boses ng nasa TV.
"Wow! Ang galing naman nito Adrian!" sigaw nito pabalik habang natutuwa siyang pinalakas ang volume.
"Maia sobrang lakas na! Pindutin mo yung minus-sign diyan at pahinain mo yung volume!"
"Anong minus-sign?!"
"Yung maiksing guhit! Pindutin mo dali!"
Di maintindihan ni Maia ang sinasabi niya kaya agad siyang binaba ni Adrian para ituro kay Maia ang tinutukoy nito.
"Eto Maia oh, pampahina ng volume ng TV." tapos tinututok nito sa TV ang remote. Pero medyo napatigil siya dahil sa pinapalabas sa TV.
This is the night sky in Paris, France as of now. You can see that the sky is somehow pinkish-maroonish of color. Astronomers are baffled by the phenomenon as to why is this happening. But what we can say is that, Paris is not alone. You can see this all throughout Europe up until the Americas.
The sky is not the black, dotted with stars that we are used to, but a very pinkish-maroon nightsky dotted with the stars we are familiar of..."
Nakatutok lang si Adrian doon habang si Maia naman ay nagpabalik-balik sa TV at kay Adrian. "Adrian, bakit? Hindi ba ganyan ang kulay ng gabi niyo rito?" tanong nito.
Napatingin lang naman si Adrian kay Maia at bumalik lang ang mata nito sa TV.
Some say that this is linked to the sudden disappearance of the star "20 Tauri" or better known as the "Maia" star in the Pleiades Star Cluster in the Taurus Constellation. They say this because the Maia Star dissappeared around 10:AM Pacific Time...
Habang nakikinig si Adrian, ay napakunot ang noo nito. Napatingin siya kay Maia na nakikinig rin sa pinapanood niya. Hindi kaya dahil sa pagkawala ni Maia, kaya nagkaganito?
"Maia. May itatanong ako." sabi ni Adrian.
Napatingin si Maia sa kanya, na may ngiti, "Ano yun, Adrian?"
Napulunok si Adrian bago siya magtanong, "Pag may bumabang Star dito sa Earth. Anong karaniwang nangyayari?"
Sandaling napaisip noon si Maia, ng bigla siyang sumagot, "Nung bumaba dito si Mintaka, ang nangyari eh, uhmm. Tinatawag niyong Ice Age yun eh. Bakit mo natanong Adrian?"
Napalunok nalang ulit si Adrian bago magsalita, "Eh ikaw, kelan ka bumaba dito, maliban sa ngayon?"
"Uhmm, matagal narin. Di ko maalala."
"Nung bumaba ka, anong nangyari?" tanong ni Adrian.
"Uhmm, hindi naman ako nagtagal noon. Pero nung bumaba ako, may kasunod akong bulalakaw. Sumabog ito sa may Siberia."
Doon, napagtanto ni Adrian, na hindi biro ang epekto ng hiling niya.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Teen FictionImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...