Ch. III, Prt. III: Cold Sunday

808 26 0
                                    

Araw ng Linggo. Nasa baba na ang tatlo, nag-aagahan. Pero ramdam ni Taygeta ang tila malamig na tensyon na pumapalibot sa hapag-kainan. Hindi niya rin masabi kung tensyon nga ba yun, oh masakit lang ang tiyan niya. Pero ang sigurado siya, ay malamig. Kahit na maganda ang panahon sa labas at mainit ang paanahon, malamig ang nararamdaman niya.

Tiningnan lang niya ang kuya niya na kumnakain ng tahimik, at hawak nanaman ang kanyang cellphone. Tuwing titingin siya at hahawakan ito, ay maliit na ngiti na pinapakita to. Magpipipindot ito katulad ng ginagawa niya nitong mga huling araw tapos ilalapag niya.

Tuloy lang siya sa pagkain ng pancakes na pinag-aralang lutuin ng Ate niya. tiningnan naman niya ang Ate niya at nakatingin din lamang ito sa pagkain niya. Tila walang ganang kumain. Kitang-kita rin niya ang mukha ni Maia na tila, kulang. Kulang sa ngiti.

Napahinga nalang ng malalim itong si Taygeta at tila hindi alam ang gagawin sa kakaibang tensyon na nararamdaman niya. Tumayo siya sandali para kumuha ng tubig pagkatapos ay bumalik ulit. Nag-ring nanaman ang cellphone ni Adrian nung mga oras na yon. Tinginan ni Taygeta ang Kuya niya at ganun din ang Ate niya. Nakita niya na parang tinitingnan lang niya si Adrian pagkatapos ay agad na bumalik ang tingin niya sa pancakes.

"Ah, Ate ang sarap ng pancakes mo! Isa pa nga!" biglang sabi ni Taygeta.

Nagulat naman si Maia at agad na napatayo, "Ah, oh sige. Hehehe, salamat bunso." tapos inabutan niya agad to ng pancake. Halata sa mukha ni Maia na pinilit nalang niyang nilagyan ng ngiti ang mukha niya. Nakikita rin ni Taygeta ang mga nakaw na tingin nito kay Adrian.

Habang ang kuya-kuyahan naman niya, ay natatawa sa binabasa oh tinitingnan niya sa phone niya. Tiningnan nalang niya ulit ang Ate niya at nakita na nawala na ang ngiti nito. Napatigil din ang pag-aabot niya sa kanya ng pancake niya.

"Ate." mahinang tawag nito at maya-maya pa ay natauhan na si Maia.

"Ha? Ay sorry na. Oh eto na oh." sambit nito tapos inabot na niya ang pancake kay Taygeta.

Napansin naman siya bigla ni Adrian, "Maia, ayos ka lang ba?"

"Ha?" sagot nalang na nagulat na si Maia, "Oo ayos lang ako." sagot nito. Pagkatapos noon ay wala na. Yun lang ang nasabi ni Adrian kay Maia.

"Uhm Adrian, yung pancakes. Ayos lang ba?" mahinang tanong nito.

"Ha? Ah, oo ayos lang naman." sagot nito habang nakatingin parin siya sa phone niya pagkatapos ay tumayo na siya. Tapos narin kasi siyang kumain at dumeretyo agad sa sala.

Nalungkot nalang si Maia lalo dahil sa tila hindi na siya gaanong napapansin oh pinapansin ni Adrian, hindi pa nito naubos ang pancakes niya. Nawalan narin ng gana itong si Maia at napatungo nalang siya habang nakaupo.

Si Taygeta naman, di narin nakakain dahil hindi niya kayang nakikita ang ate niyang malungkot, "Kuya akin nalang yung pancakes mo ah! Gutom pako eh!" sigaw ng malakas ni Taygeta.

"HA? Ah, oo. Sige." ang tanging naging sagot lang nitong si Adrian.

Galit na kinuha ni Taygeta ang tirang pancakes ni Adrian at agad niyang kinain. Si Maia naman ay nag-aalala sa bilis ng pagkain nitong kapatid niya at napatayo nalang siya.

"Uie, bagalan mong kumain baka mabulunan ka." sambit nito.

"Ano kama Ate. Ang sayap kaya nitong pankeks. Wapat sa gamito pagkain--" at nabulunan na nga siya. Agad siyang inabutan ni Maia ng tubig.

Lumipas ang ilang minuto, "Akala ko katapusan ko na." sambit ni Taygeta habang Tinitingnan lang siya ng ate niya ng may ngiti habang nagliligpit.

"Ikaw naman kasi Taygeta, wag ka mag-sasalita na may laman ang bibig mo tsaka wag karin kakain ng mabilis katulad kanina. Ayan tuloy. Hehehe." pangaral ng Ate niya.

"Eh kasi naman ate ang sarap talaga ng pancakes eh. Gusto ko ulit nun mamaya ah!" sambit nitong si Taygeta. Pilit nalang niyang pinapalakas ang loob ng ate niya.

Natuwa naman sa kanya itong si Maia at ng matapos ay tinabihan niya itong maupo. Napahinga nalang siya ng malalim habang katabi ang kapatid niya.

"Ate, nag-away ba kayo ni Kuya?" biglang tanong ni Taygeta.

"Hindi naman. Busy lang talaga siya." sambit nalang ni Maia.

"Ate lagi nalang siyang busy. Mag-iilang linggo na. Tapos lagi pa siyang may lakad." dagdag ni Taygeta. Sa mga oras na yun, di nalang nakasagot si Taygeta at niyakap nalang niya ang kapatid niya.

Ramdam ni Taygeta ang lungkot ng ate niya. Di niya talaga gusto ang nangyayari at lalo lang sumasama ang loob niya kay Adrian.

"Ate may naisip ako!" biglang sambit nitong si Taygeta na kinagulat naman nitong si Maia.

"Ano naman yun?" tanong niya. Tumayo si Taygeta pagkatapos ay sinilip si Adrian kung nakaupo parin, at tama siya. Nakaupo parin siya sa harap ng TV pero hawak parin niya ang phone niya.

Agad na bumalik si Taygeta sa tabi ng Ate niya at pabulong na sinabi, "Ate, sundan natin siya sa susunod na lakad niya." sambit niya.

"Ha? Bakit naman? Baka magalit si Adrian niyan Taygeta, wag nalang." katwiran ni Maia.

"Ano kaba Ate, hindi mo ba gustong malaman kung bakit ganyan siya nitong mga nakalipas na linggo?" sabi ni Taygeta at di nalang nakasagot si Maia noon.

"Pero ayokong magalit sakin si Adrian." dagdag ni Maia.

"Ate, hindi siya magagalit kung hindi niya alam diba?" biglang sinabi ni Taygeta at napatingin nalang siya sa kapatid niya, na may malaking ngiti sa mukha niya, "Ako bahala, Ate. Basta susundan natin siya sa susunod na lakad niya." dagdag nito.

Sa mga oras na yun, ay hindi alam ni Maia kung dapat niya bang gawin yun bilang Girlfriend ni Adrian. Pero sa loob-loob niya, gusto rin niyang malaman ang ginagawa ni Adrian at kung saan ito pumupunta tuwing may lakad siya.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon