Lumipas ang isang linggo at maayos naman na nag-sasama ang bagong mag Boyfriend at Girlfriend na sina Adrian at Maia. Kahit papano nakakasabay nanaman si Maia sa mga tintuturo ni Adrian.
Alam na niya ang gawaing bahay, umaayos narin siya sa pagluluto. Napangiti nalang si Adrian habang naglalakad siya galing sa school pabalik sa bahay nila. Vacant day niya ulit bukas dahil hindi naman siya pinapabalik sa Planetarium. Ayos narin yoon para malaman na niya kung pwede na nga niyang pabayaan ng kaunti si Maia.
Natawa nalang siya ng bigla sa ideya na nagluluto ngayon si Maia, sasalubungin siya ng mahigpit niyang yakap. Binilisan ni Adrian ang paglalakad niya dahil sa isip pa lang niya, hindi na niya mapigilan ang sarili niya.
Tila hindi nga sila mag-boyfriend-girlfriend eh, parang mag-asawa na sila. At alam naman niyang hindi yoon ang hiniling niya. Girlfriend lang naman. Pero sa loob-loob niya, hindi niya talaga alam kung ano ang dapat nilang asal sa isa't-isa. Kaya mabuti narin na may alam si Maia na gawaing bahay.
Nakarating na siya at pumasok na ng bahay, "Maia, dito nako!" pag-tawag niya. Hinanap niya ito at napansin nalang niya na may umuusok sa kusina. Kinabahan siya, "Maia!" sigaw niya at agad siyang tumakbo sa may kusina.
Doon nakita niya, nagluluto si Maia, pero yung niluluto niya ay sunog na.
Napatingin nalang si Maia na tila hindi alam na nakauwi na si Adrian, "Oh andito kana pala!" sabi nito na may ngiti at iniwan niya bigla ang niluluto niya para yakapin si Adrian.
Agad namang umiwas si Adrian para patayin ang kalan. "Ay. Yayakapin kita eh..." sabi ni Maia, nalungkot dahil hindi niya nayakap ang boyfriend niya.
"Maia--" tapos napa-ubo ng ilang ulit si Adrian habang binuksan niya ang pinto sa may kusina at tila pinapaypay ang usok paalis. "--Anong nangyari? Bakit umuusok yung inululuto mo?"
Lumapit si Maia sa may kalan, "Kasi may nakita ako sa pinapanood ko kanina, mukhang masarap. Kaya ayun, sinubukan kong lutuin."
Hinila nalang in Adrian si Maia palayo, kumuha ng mittens at agad na nilagay sa lababo at nilagyan ng tubig ang umuusok na pagkain.
Napanganga nalang si Maia dahil nasira na ang niluluto niya, "Wag! Nooo!"
"Ano nga kasi yung niluluto mo?" tanong ulit ni Adrian.
"Yung may baboy." kinuha niya yung tablet at tinuro yung page na may instructions kung pano lutuin ang putahe, "Eto oh, Eas-easy-'" tapos tiningnan niya ulit yung pangalan ng pinatangkaan niyang lutuin at pinakita niya ulit, "Easy Pork Hamonado." sabi niya.
Napa-buntong hininga nalang si Adrian, "Hays, order nalang ako ng pizza. Linisin mo na yan."
"Yehey! Pizza! Pizza! Pizza!" paulit-ulit na sinabi ni Maia habang nagtatatalon papalapit sa lababo.
Habang papalabas naman ng kusina si Adrian ay bigla niyang naalala, "Wag mong gagamitin yung magic mo." tapos tingin niya kay Maia. At nakita niyang, gagawin na nga niya.
Nagkatinginan silang dalawa ng matagal bago bumigay si Maia.
"Hmmm, oo na nga! Hmp!" tapos sinimulan na niyang linisin ang kalat niya.
Nagkakamot lang si Adrian ng ulo dahil nakalimutan niya; hindi pa nga pala ganoon si Maia kagaling magluto ng pagkain. 5 out of 4 na tinangkang lutuin ni Maia, nasunog.
~~~~~~~~~~
Sa kusina habang nagliligpit si Maia, ay sinisilip-silip niya ng kaunti si Adrian. Sumisipol siya habang nagliligpit at hinayaan lang niyang bukas ang gripo, lumayo siya ng kaunti at tiningnan ang paligid, pagkatapos, ay clinap niya ang mga kamay niya at BOOM! Luminis na ulit ang kusina. Napatalon nanaman sa tuwa itong si Maia ng pagtalikod niya ay nakatayo na pala doon si Adrian.
Nanigas lang naman si Maia at hindi alam ang gagawin. "A-a-a-a-ba tingan mo nga naman. Natapos na ako oh! Sige na antayin na natin yung delivery nung pagkain--" tapos hinampas ni Adrian si Maia ng marahan sa ulo.
"Hay nako, diba sabi ko sayo wag mo na gagamitin yun?"
"Eh kasi naman ang tagal eh! Tsaka ang hirap tanggalin nung baboy!"
"Kasi nga nasunog na!" tapos napakamot ulit sa ulo si Adrin. "Ngayong gabi mo lang ba ginamit yon?"
Tapos tumango ng ilang ulit si Maia ng "Oo" kay Adrian habang hawak ang ulo niya.
"Sige na balik kana doon sa sala. Nuod kana doon, susunod nalang ako."
"Yehey!" tapos sinunggaban ni Maia si Adrian ng yakap at tila ayaw pa niyang bumitaw.
"Oh bitaw na, ano ba yan?" pagrereklamo sa matagal na yakap ni Maia.
"Eh konti pa. Buong araw kitang hindi na kasama eh." pagkatapos ay bumitaw at bumulong kay Adrian, "na-miss ko yung amoy mo." nagulat nalang si Adrian doon at namula habang si Maia naman ay bumalik na sa sala.
Pinipigilan nalang in Adrian na mapangiti. Napahinga nalang siya ng malalim sa loob ng kusina at kumuha ng tubig pagkatapos ay bumalik na agad sa sala, at tumabi kay Maia.
"Adrian, hanap ka ng magandang palabas. Kanina pako nanood ng mga ganyan eh." sambit ni Maia.
"Ha? Hindi ka parin ba marunong gumamit ng remote?" tanong nito.
"Nalilito ako. Tsaka gusto ko ginagawa mo yan para sakin." sagot nito na may malaking ngiti sa kanyang mukha.
Nagpigil nalang ulit ng nagpupumiglas na ngiti itong si Adrian dahil hindi niya alam kung ma-kokornihan ba siya or ano. Nilipat nalang niya ang channel at sinimulan na ang maghanap ng ibang channel.
Habang naglilipat ay sumigaw nalang si Maia at pinigilan si Adrian, "Tama na! Diyan nalang!" sabi nito at nakatutok nalang siya sa pinapanood.
Sa HBO natapat ang channel at ang palabas ay Crazy, Stupid, Love. Sa scene nina Emma Stone at Ryan Gosling. Kagat labing nanonood si Maia habang pinagmamasdan lang siya ni Adrian. Maya-maya pa ay dumating na ang scene kung saan sobrang sweet ng dalawa at nakahiga ang ulunan ni Emma sa dibdib ni Ryan.
Medyo napanganga siya at napatanong, "Adrian, mag-kasintahan ba sila?"
"Oo." sagot nalang agad in Adrian habang may chinecheck sa phone niya. Napangiti ulit si Maia at maya-maya pa, ay ginaya niya si Emma Stone, at bigla narin niyang inihiga ang ulo niya sa dibdib ni Adrian, na siya namang kinagulat niya.
Napanood narin si Adrian at nakita ang scene. Napangiti, at hinayaan nalang niya si Maia. Tutal, Girlfriend niya to eh.
~~~~~Somewhere in the world~~~~~~
May isang lalake na tahamik na naglalakad sa isang kalsada ng gabi. Napatingin siya sa rilo nito at doon at tila nagmadali. Maya-maya ay bigla siyang napatigil sa biglang pagsulpot ng nakakasilaw na liwanag, kulay blue ito.
Ang sinag ay unti-unting naging tao. Hanggang sa lumapag ito sa harap ng lalake. Hindi naman agad nakatakbo oh naka-reak ang lalaki.
Biglang nagmulat ang mata ng babae. na may kulay Violet na mata. Nagkatitigan sila at doon, sumama bigla ang tingin niya. Sinunggaban ang lalaki ng halik, pagkatapos ay itinapon ito sa tabing kalasada.
Naglakad agad ito papalayo tila nagmamasid sa paligid at sa paglalakad niyang iyon ay nag-iba ang anyo ang telang kumikinang na suot niya at naging normal na kasuotan ito.
Sa paglalakad ay bigla itong napatigil, tila nagulat. At na-ibulong nalang sa sarili."Oh no, je suis dans le mauvais pays...(Oh no. I'm in the wrong country...)"
![](https://img.wattpad.com/cover/56788006-288-k57172.jpg)
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Novela JuvenilImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...