Ch. III, Prt. V: When Shooting Stars shed their icy tears

832 25 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" tanong agad nitong si Maia habang si Adrian naman ay hindi alam ang nangyayari.

"Teka-teka, Maia. Papano ka nakapunta dito? At bakit kilala mo si Anastacia?" tanong ng pagkalito nitong si Adrian na dahan-dahang inaalalayan si Maia paalis ng Fountain.

Si Maia naman, ay tumingin lang kay Adrian na tila hindi makapaniwala. Hindi alam ni Maia ang iisipin habang tinitingnan lang siya ni Anastacia. Tila ayaw sumagot nitong si Anastacia, "Oi ano ba? Sumagot ka, Asterope. Tinatanong kita." pakiusap ni Maia. 

Tila parang gumuguho ang boses niya noong tinanong niya yun. Si Anastacia naman ay tila umiiwas din ng tingin kay Adrian lalo na kay Maia.

"Asan si Merope? Sigurado ako, magkasama kayo nung kakambal mo. Asan siya?" tanong ulit ni Maia, pero wala paring sagot itong si Anastacia.

"Anastacia. Kilala mo ba si Maia? Sagutin mo ako." tanong na ni Adrian at doon tinitigan nalang siya ng masama ni Anastacia, pero hindi parin ito nag-salita.

"Asterope, wag mo siyang tingnan ng masama. Sa akin ka tumingin. Asan ang kakambal mo? Anong ginagawa niyo dito? At kailan pa kayo naririto?" tanong muli ni Maia.

Naguguluhan na si Adrian, di niya alam kung bakit ganoon nalang ang reaksyon ni Maia. "Maia, teka nga. Ano ba talaga nangyayari dito?  Ano ba yang sinasabi mo? Si Anastacia yan. Siya ang --"

"Sige kuya, ano mo siya?" biglang dating ni Taygeta kasama ang isa pang babae. Tila mapapa-iyak na si Maia. Di niya na mapigilan ang sarili niya. Napatakip nalang siya ng bibig niya ng makita niya ang kasama ni Taygeta.

"Bakit nandito kayo? Sagutin mo ako, Merope. Di man lang kayo pumunta agad sakin." sabi ni Maia habang tumutulo na ang luha niya.

"Pasensya kana Ate." biglang sambit ng babae na kasama ni Taygeta. "Si Ate kasi, pinilit ako. Wala naman talaga akong balak na sumunod dito." dahilan ng babae.

"Hoy ikaw! Todo sama ka naman! Ni hindi ka nga nag-dalawang isip na sumama eh!" biglang sagot ni Anastacia.

Napanganga nalang si Adrian. Ngayon lang niya narinig sumigaw itong si Anastacia, oh si Asterope. Oh kung sino man tong babae na to.  

"Hay nako Ate Asterope. Tama na. Buking na tayo ni Ate Maia." sagot nalang ni Merope. Napahinga nalang ng malalim itong si Asterope at umiwas nalang ng tingin ulit kay Maia at kay Adrian.

"Ate Merope, bakit nga kayo nandito ha?" biglang singit naman ni Taygeta.

"Tumigil ka ngang bata ka. ikaw tong unang bumaba samin. Nagagalit na sina Papa at Mama. Kasalanan mo rin to." tapos bigla niyang dinuro ng diin sa noo itong si Taygeta.

"Tama na yan. Kakausapin ko kayong dalawa paguwi natin sa bahay." sabi nalang ni Maia. Agad namang sumunod itong si Asterope at Merope.

"Teka pano nga pala kayo nakapunta dito?" biglang tanong ni Adrian habang papaalis na ang iba.

"Hmp! Gamit yung kulay na matingkad na blue na papel mo! Makaalis na nga!" tapos sumunod na agad si Taygeta sa mga kapatid niya.

Si Adrian napa-isip nalang ng ilang sandali, bago niya na realize kung ano ang ibig-sabihin ni Taygeta. "Hoy teka, sandali lang! Saan mo kinuha yon, Taygeta!" sigaw niya habang hinabol na niya ang mga mag-kakapatid.

Kinahapunan ng makauwi na silang lahat sa bahay. Nakaupo lang silang lahat sa may sala habang si Adrian ay nakatayo lang. Di sila nagsasalita. Di rin sila nagtitinginan.

Si Taygeta ay tinitingnan silang lahat ng paisa-isa. Tila naghihintay ng reaksyon galing sa isa sa kanila.

Napatingin nalang si Asterope sa labas at nakita niya ang kakaibang kulay ng kalangitan. "Kelan pa ganyan ang kulay ng langit dito?" tanong niya.

Napatingin din sa labas ang iba, pati narin si Adrian, "Ah, simula nung dumating dito ang Ate mo." sambit ni Adrian. Napatingin nalang si Asterope sa kanya, tila may inis siya kay Adrian na ngayon lang niya pinakita.

Di nagtagal ay lumingon na si Asterope kay Maia, "Kita mo na Ate. Epekto yan ng pagbaba mo dito. Kailangan mo ng umuwi!" sigaw nito sa Ate niya.

Napatingin nalang naman sa kanya si Maia at napangiti, "Di ako pwedeng umalis basta-basta, Asterope." sagot naman ni Maia ng mahinahon.

"Bakit naman ha? Ano ba kasi naisipan mo at bigla ka nalang bumaba dito!" tanong agad ni Asterope.

Napatingin nalang naman si Maia kay Adrian na may ngiti, "Dahil sa kanya." sambit niya. Napahinga nalang ng malalim itong si Adrian at tila hindi alam kung papano siya magrereak.

Agad namang napalingon itong si Asterope kay Adrian. "Ano naman koneksyon nitong lalakeng to sa pagbaba mo dito?" tanong niya agad.

"Humiling kasi siya na sana magka-girlfriend na siya. So tinupad ko yung wish niya." sagot nitong is Maia.

Nanlaki ang mata ni Merope habang si Asterope naman ay nainis at nagalit dahil sa narinig, "Ate sa dinami-rami ng pwede mong pagbigyan na hiling, iyon pa talaga! Ano ba naman yan! Sana binigyan mo nalang siya ng ibang babae!" sabi nitong si Asterope.

"Kasi mabait siya eh. Nakita ko naman na wala siyang masamang intensyon." sagot naman muli ni Maia, pagtatanggol kay Adrian.

"Masamang intensyon? Ate alam mo ba kung saan pumupunta yan tuwing lalabas siya? Sa akin! Inaakit ko siya dahil nga sabi nitong si Merope siya ang dahilan mo kung bakit ka naririto! Ngayon tama nanaman siya. Ate handa ka niyang ipagpalit sa akin!" sigaw nitong si Asterope. Di nalang nakasagot itong si Maia at napatungo nalang.

Napatingin lang naman si Asterope kay Adrian, "Kung ganyan din lang ang Boyfriend mo. Mabuti pang iwan mo na siya ate. Akala niya kasi, tao ako. Tama ako diba? Sumagot ka Adrian!" bato naman nitong si Asterope kay Adrian.

Napalunok nalang siya roon at hindi na nakasagot pa. Napatingin nalang siya kay Maia na sa mga oras na yon ay parang naghihintay ng isasagot niya. Naghihintay na sabihin na, mali si Asterope. Pero hindi nakasagot si Adrian. Lalo lang siyang natahimik at napatungo, bago tulunyang dumeretyo sa taas. Nalilito na siya kung bakit nga niya nagawa yoon. 

Nalungkot naman si Maia sa naging reaksyon ni Adrian. Di niya inakala na hindi lang siya mag-sasalita. Di niya alam kung ano ang iisipin niya. Sa mga oras na yon, sa pag-akyat din ni Adrian. Tila namuo ang pangamba ni Taygeta para sa Ate niya, at ganun din naman si Merope. 

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon