Ch. V, Prt. VIII: Breakfast

543 17 0
                                    

Naramdaman ni Adrian ang pagsalubong at pagising sa kanya ng sinag ng araw sa umaga. Humikab siya at kinusot ang mata at tiningnan ang paligid. Pagkatapos ay tumingin siya kay Maia. Nakahiga parin ito sa kanyang dibdib. Napangiti nalang siya dahil tulog parin pala si Maia. 

Huminga siya ng malalim at nilalasap nalang ang feeling ng ulo ni Maia sa kanyang dibdib. Maya-maya pa ay may naririnig siyang kakaiba. Napakunot ang noo niya at tila iniisip kung ano yung tunog na yun. Maya-maya ay tila ang tunog ay parang tunog ng pag-iyak. 

Dahan-dahan siyang umayos ng higa para tingnan ang kanyang Girlfriend. Kinapa niya si Maia at tila nagulat ito at napa-angat siya sa pagkakahiga niya, luhaan.

"Bakit ka umiiyak?" pagpapatahan ni Adrian habang pinapawi niya ang mga luha sa mata niya.

"Kasi, yung mga ginawa ko. Nakakahiya!" tapos tinapon niya ang sarili niya muli sa dibdib ni Adrian, at napahiga nanaman siya. 

"Ano kaba, hindi ikaw yun, diba?" sabi niya habang hinimas niyang muli ang buhok nito.

"Pero, alam ko yung nagagawa ng kapangyarihan ng kapatid kong yun. May piraso parin ako doon sa mga pinag-gagawa ko. Ginusto ko yun!" katwiran ni Maia.

Pero tinuloy parin niya ang pagpapatahan kay Maia at niyakap nalang niya ito. Hinalikan niya ito sa noo at tila hinele niya ito para tumahan. Ang pag-iyak ni Maia ay unti-unti ng humihina.

"Hayaan nalang natin yun, okay? Enjoyin nalang natin ang mga natitira nating araw dito bago tayo bumalik ng Manila. May pasok pa ako kaya sulitin natin to. Ha?" sambit ni Adrian.

Tumingin nalang si Maia sa mga mata niya, at ngumiti. Nginitian naman ni Adrian si Maia pabalik at hinalikan ito sa labi. "I love you." sabi ni Adrian.

"I love you too." sambit ni Maia pabalik at tinuloy nila ang paghalik sa isa't-isa. 

Biglang lumalim ang paghinga ng dalawa at tinuloy lang nila ang pag-hahalikan. Palalim ng palalim ang bawat pag hagod nila ng hangin ng biglang umibabaw si Maia at dali-dali niyang tinanggal ang pang-itaas ni Adrian. Pagkatapos ay bigla niyang sinunggaban ng halik si Maia. 

"Teka, ikaw na ba yan, oh gawa parin ng kapatid mo to?" biglang tanong ni Adrian habang tuloy lang sa pag-halik si Maia.

"Ako na to, at sasamantalahin ko na to." at tuloy lang sa pag-atake si Maia ng biglang nag-ring ang telepono at napatalon si Maia at napaharap sa may balcony, ganun din si Adrian na napa-upo agad sa tabi ng kama at agad na sinagot ang telepono.

"Hello?" nangangatog na pag-sagot ni Adrian.

Ay yes sir. Gusto ko lang po kayong i-inform na matatapos na po ang breakfast buffet. Di pa po kasi kayo nakain ni Miss Maia. As an honored guests po i-eextend po namin ng one-hour ang breakfast.

"Ay okay po. Baba na po kami. Thank you po." sagot ni Adrian pagkatapos ay binaba na niya ang phone.

Napahinga ng malalim si Adrian at kinuha ang kanyang damit. Sinuot niyang muli ito at pinalo ng marahan ng maka-ilang beses ang kanyang mga paa.

"Uhmm, tara kain na tayo." pag-aaya ni Adrian kay Maia.

Napatayo agad si Maia sa sinabi ni Adrian at hindi rin makatingin sa kanya ng deretyo. "Sige tara na." sambit nito at mabilis na nagpalit ng damit.

Agad narin silang bumaba sa may restaurant kung saan nadoon ang breakfast. Ang breakfast na kailangan nila sa umagang iyon.

~~~~~~~~~~

Nasa baba na noon ang dalawa ni Maia at Adrian at ineenjoy nila ang pagkain nila. Nagtatawanan din sila sa kung ano-anong napapagusapan nila. Kita sa mga tawa ni Maia ang saya, isang bagay na namiss ni Adrian. 

Nagsusubuan pa sila ng kanya-kanyang pagkain. Naglalaro din habang kumakain ng biglang umupo sa harap nila si Calaeno. Napatingin lang ang dalawa sa kanya at tinigil ang ginagawa nila.

"Oh bakit kayo tumigil? Tuloy niyo lang ginagawa niyo" sabi ni Calaeno habang kukumuha rin ng pagkain niya.

Di naman nila alam ang gagawin nila kaya tumuloy narin sila sa pagkain.

"Kumusta naman sila doon Calaeno?" tanong ni Maia sa kapatid niya.

"Ayos naman. Inaantay na sumama kana sakin." sagot naman niya sa Ate niya.

Napabuntong hininga nalang si Maia, "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na ayos na ako dito. Mag-sstay nako dito." sabi niya at napahawak kay sa kamay ni Adrian.

"Ate, alam mo namang hindi rin to magtatagal eh." sagot ni Calaeno.

"Hinde. Ako ang masusunod, hayaan mo si Ate. Basta ako, gusto ko na mag-stay dito, tapos ang usapan." sagot ni Maia. 

Napatingin nalang si Adrian kay Calaeno at nahuli niya itong napatingin din sa kanya. Nakita niya sa mga mata nito, na tila may takot itong kahalo.

"Ate naman. Kailangan ka namin sa taas. Habang tumatagal ka dito akala mo ba wala kang epekto sa mundong to?" katwiran ni Calaeno. Pero pinili lang ni Maia na manahimik.

"Tingin mo yung pink na gabi lang ang epekto mo dito? Ate, hindi lang yon. Hindi ganun kalaki ang diperensya ng epekto mo, pero meron parin nun." dagdag ni Calaeno.

"Yun na nga eh, di naman ganun kalaki. Yung pink night sky sige, sorry na. Babalik din yan sa dati. Tiwala ka lang. Masasanay din tong mundong to sakin." sagot ni Maia. Napagtaasan din niya ng boses ang kapatid niya. "Kaya please, tama na. At pabayaan niyo ako. Ako nalang ang bahala kay Ate Alecyone."

Nanahimik nalang silang dalawa. Di naman ni Adrian kung dapat ba siyang suminggit rito. "Sigurado kana ba diyan?" biglang tanong ni Calaeno. Nagkatinginan lang naman ang dalawang magkapatid. Pagkatapos noon ay tumayo nalang si Calaeno. "Enjoy yourselves being together." ang sabi nalang ni niya tapos umalis.

Pero bago siya umalis ng tuluyan ay hinawakan niya si Adrian sa balikat, at binulungan, "Goodluck and I'm so sorry." tapos umalis na ito agad.

Nagulat naman si Adrian sa sinabi ni Calaeno at napatingin nalang sa kanya habang naglalakad na ito papalayo. 

"Anong sabi niya, Adrian?" tanong ni Maia.

"Ah, wala. Ang swerte ko daw at alagaan daw kitang mabuti." ang sinabi nalang niya kay Maia.

"Ah ganun ba, hehehe. Sige na balik na tayo kung saan tayo na-istorbo, say Aahh!" tapos sinubuan niya ng pagkain si Adrian.

Habang ngumunguya naman siya ay tiningnan niya ang direksyon kung saan naglakad papaalis si Calaeno at nakita niya ang isang babae na may mahabang itim na buhok, na nagtiklop ng dyaryo, at tila naramdaman niya ang malalim na titig nito sa kanya, bago ito tuluyang umalis. 

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon