Naglalakad lang si Maia sa sidewalk habang panay ang kanyang buntong hininga. Tila malungkot at wala sa sarili.
Di siya nakatingin sa dinadaanan niya kaya bigla nalang siyang nauntog sa isang poste at natumba. Nagulat ang mga tao sa paligid sa nangyari.
"Aray," sabi niya at ng napansin niyang madami ng nakatingin sa kanya ay agad siyang tumayo at naglakad ng mabilis sa sobrang hiya. Sa paglalakad nga lang niya, ay bigla uli siyang nabunggo sa isa pang poste.
"Ano ba yan, bat ang daming poste dito," pag-rereklamo niya at sawakas ay naisipan na niyang tumingin sa harap niya habang naglalakad.
Tapos may naalala siyang nakakatawang video sa youtube.
Ganito kami sa Makati
Di niya lubos akalain na magkakaroon siya ng isang bagay oh lugar nakakainisan niya sa mundo ng mga tao.
Habang naglalakad siya at nakatingin na sa dinadaanan niya. Binunot niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang isang text. Tumingin siya sa paligid niya na sa tingin naman niya ay ang tamang lugar at maya-maya pa ay nakita na niya ang isang restaurant.
Agad siyang pumunta at pumasok sa loob na tila medyo, na down siya dahil mukhang hindi siya bihis ng maayos para sa lugar na iyon.
May dinudungaw siya sa loob habang nakangiti lang sa kanya ang receptionist ng restaurant.
"Miss do you have a reservation?" tanong nito sa kanya.
Ano daw? ang naisip niya at napangiti nalang siya pabalik sa receptionist.
Nagdali-dali nalang siya uli sa pagdungaw sa loob ng maya-maya pa ay may lumapit sa kanyang waiter na galing sa loob.
"Ms. Pleiades. You are expected. Please follow me," sambit ng waiter habang tila tinuturo sa kanya ang daan.
Mabagal nalang siyang sumunod sa waiter habang dinadala siya nito sa isang table sa may pinaka-gitna ng restaurant at pinaupo sa isang table.
Pagkaupo na pagkaupo niya ay agad siyang hinayinan ng pagkadami-daming plato. Napakarami kumpara sa nakasanayan niya at napatili nalang siya ng bigla siyang nilagyan ng table napkin sa lap niya.
Naglagay ng baso ng tubig sa kabilang side, at isang inumin na hindi niya maintindihan kung ano sa kabila. Pagkatapos nito ay nilapagan narin siya ng isang pagkain na talagang napanganga siya dahil sa sobrang ganda nagpapakagawa at present.
Di niya napigilan ang sarili niya at agad niyang binunot ang phone niya at kumuha ng kumuha ng litrato ng pagkain niya.
"Ang saya mo ah?" biglang sabi ng isang babae na nasa kabilang side ng table. Napatingin nalang sa kanya si Maia at nagulat naroon pala ang nakakatanda niyang kapatid, si Alice.
Napatawa nalang siya habang dahan dahan niyang tinabi ang kanyang phone. "Sorry ate, di ko lang napigilan ang sarili ko. Ang ganda kasi ng pagkain," sambit niya.
"Di kaba nadadala sa mga ganitong lugar nung Adrian mo?" tanong bigla ni Alice habang dahan-dahang sumubo ng pagkain.
Di nalang nakapagsalita si Maia noon. Bukod pa sa pagka-mangha sa pagkain ay manghang-mangha din siya sa ganda ng ate niya.
Napaka-eleganteng tingnan ng Ate niya. Ang straight ng buhok at ang hindi masyadong halata na make up ng ate niya.
Napaka-fierce niyang tingnan ang naisip nalang niya.
"So ano na balak mo?" tanong bigla nito.
Tapos doon niya napagtanto at naalalang muli ang dahilan kung bakit siya naroroon.
"Ate, wag mo na naman i-damay si Adrian. Please? Mabuti siyang tao," pakiusap ni Maia.
Dahan dahan nalang pinunasan ni Alice ang kanyang bibig at uminom sandali ng tubig.
"Maia, I'm just trying to protect you. Ang mga tao di rin magtatagal yan. Masasaktan ka lang," tapos tumuloy na siya sa pagkain. "You have to go back home,"
"Pero naman kasi, Ate, di ba pumayag na ako? Bigay mo nalang sakin yung mga natitirang araw oh. Ibalik mo nalang yung scholarship ni, Adrian," pakiusap niya kay Alice.
Pero tumingin lang ito sa kanya, "Maia. Diba binalaan ko na kayong lahat dati pa?"
"Pero iba siya!" biglang pagtataas ng boses ni Maia na siyang kinagulat ni Alice, "Iba siya Ate. Hindi siya katulad ng iba. Di pa ba sapat na naniniwala ako na hindi siya katulad nung nakaraan mo? Nakita ko na ang laman ng puso niya, Ate. Walang bahid ng malisya or kung ano man,"
"Lalaki ba talaga yang boyfriend mo, Maia?" biglang tanong ni Alice.
"Ate naman eh," pag iling naman nitong si Maia.
"Ah basta. Hindi ako naniniwala. Sa tinagal-tagal kong nakisalamuha dito sa mundo ng mga tao. Kilala ko na sila. Binabalaan na kita Maia. Makinig ka nalang sa akin at umuwi ka nalang."
"Ate naman kasi!" pagsigaw ni Maia at masama na ang tingin nilang magkapatid sa isa't-isa. "Bakit ikaw lang ang pwedeng manatili dito? Di ba pwede kami din naman kahit ilang taon lang?" katwiran ni Maia.
Dahan-dahan nalang na tumayo si Alice, "Alam mo ang kaya kong gawin, Maia," sambit nito at doon biglang kinabahan siya. "Wag mo nang hintayin na gumuho ang buhay ni Adrian. Dahil walang-wala pa ang ginawa kong ito sa gusto kong gawin. Inaalala nalang kita at yun nalang ang pumipigil sakin para tuluyan ang buhay ni Adrian."
Maluha-luha na si Maia sa mga oras na yun at tahimik nalang na napaupo, "Uulitin ko Maia. Huwag mo ng patagalin pa ang panahon na binigay ko. Dahil hinding-hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin," huling pagpapaalala ni Alice bago siya umupong muli at tahimik na kumain.
Di na nakasagot pa noon si Maia at hindi narin niya nagalaw ang kanyang pagkain. Maya-maya ay may tinawag si Alice at agad na may lumapit na isang lalake, "Ihatid mo na sa bahay nila itong kapatid ko. Mukhang masama ang pakiramdam niya." at tumingin naman ito bigla sa kanya, "Sumama ka sa kanya. Ihahatid ka niya kena Adrian gamit ang kotse ko."
Di nalang nagsalita si Maia at tahimik na sumunod sa driver ng Ate niya, "Remember Maia. Remember what I can do,"
ang mga huling salita na sinabi sa kanya ng nakakatandang kapatid niya, bago sila tumuloy sa kotse niya.
Pagka-sakay niya rito at sabay sa pag-andar nito, ay hindi na niya napigilan pa ang mga luha niya dahil alam niyang bilang na ang mga araw niya sa mundo. Ganun din ang mga araw niya na kasama niya si Adrian.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Fiksi RemajaImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...